☞Chapter. 32☜

82 1 0
                                    

Chapter#32  /Suyo/

Glaibell’s  P. O. V

Andito ako ngayon sa may kwarto ko sa doorm at abala ako sa pagpupunas kay Pixie kase katatapos ko lang syang paliguan.

Agad ko sya ni lapag sa kama at kumuha ng damit nya sa maliit na kabinet at habang abala ako sa pag pili ng masusuot nya ay si Pixie naman pa talon-talon sa kama ko at tumatahol.

*Ahhrp! Ahhrp! Ahhrp! *

Haynako nag haharot na naman tong cute na baby ko.

Nang mahanap ko yung kulay violet nyang damit at palda tsaka ako lumapit sa kama ko at umupo at agad naman na tumayo si Pixie sa lap ko at pinatong yung  dalawang kamay nya sa dib-dib ko para hindi sya matumba.

“Bat ang likot mo ha! Kumukuha lang ako ng damit mo eh!” Sabe ko sa kaya.

*Ahhrp!* Tahol nya naman.

Agad ko na sya ni lagyan ng damit at tulad ng inaasahan ko mahihirapan ako sa paglalagay ng damit nya dahil ang likot nya pero na lagay ko din at kumuha ako ng diaper nya sa may mini-table sa tabe ng kama ko at ni lagyan sya ng diaper at tsaka ni lagay yung palda nya. At yung pag huli kong ginawa ay tinalian yung buhok nya sa ulo dahil ang gulo.

Agad ko syang binuhat sa ere at inangat sakin at mabilis syang hinalikan sa pisnge.

“Ayan. Mabango kana hindi tulad kanina ang baho mo kase ang panghe mo at amoy poop ka!” Sabe ko sa kanya.

Agad kong binaba sa kama si Pixie at maya-maya lumapit sya sa may table at umakyat doon at pinupunas nya yung ulo nya sa picture ni Peter.

“Miss mo na Daddy mo ha?” Tanong ko sa kanya.

Agad naman syang lumapit ulit sakin at tinignan ako ng na paka cute habang naka dila na ibig sabihin Oo.

“Ako din eh. Miss na miss ko na din Daddy mo pero hayaan muna natin pa walain yung sakit nya!” Sabe ko sa kanya.

Isang linggo na kase ng mag fieldtrip kame at ng magka sakit si Peter kase nang matapos namin sumali ni Zaiven sa larong paper dance ay nag open ako ng RP ko.

At bumungad sa message sakin ni Peter yung picture namin ni Zaiven habang naglalaro ng paper dance at sabe nya sa message [Sobrang hirap pigilan yung selos😔 Kahit na alam kong laro lang yan ang sakit pa din sa puso, kaya ng makita ko kayo na wala ako ng gana at para akong tumamlay at dumiretso na lang kwarto ko at na tulog😢 Kase para akong magkaka sakit😭😭]

Nang ma basa ko yung message nya pina liwanag ko yung lahat. Pero hindi ko ma iwasang hindi mag-alala kahit na ipaliwang ko na din naman yung lahat kase sabe nya sakin pagka uwi ko galing camping ay sabe nya ni lalagnat sya kase pinakita nya yung thermometer sakin at nasa 38.5 degree yung result may sinat nya.

My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt