☞Chapter# 23☜

129 2 1
                                    

Chapter#23 /Pagbisita/

Glabell's  P.O.V

Naglalakad kame ngayon dalawa ni Shar papuntang library dahil lunch ngayon doon ko gusto tumambay ngayon at sinama ko sya.

Hindi namin kasama si Jed ngayon kase may practise sila sa basketball ni Zaiven sa oras ng lunch kaya diretsong gymnasium sya.

Lokong yung lalakeng yun ni hindi man lang nag paalam sa akin!” Inis na naka busangot na sambit ni Shar habang naglalakad kame.

“Ikaw ha! Nakaka halata na talaga ako sa inyo! Kayo na ba ha? Hindi nyo lang inaamin sakin?!” Pang-aasar ko sa kanya.

“Haynako!” Buntong hininga sakin nito.  “Wala ngang kame ano ka ba Glaib! Sadyang nagtatampo lang ako hindi kase sya nag paalam sakin kahit sa chat lang at sayo lang nag paalam!” Patampong sambit nito sakin.

“Sabe nya sakin sabihin ko nalang daw sayo na di sya makaka sama satin sa paglunch!” Sabe ko sa kanya.

“Kahit na!” Patampong sambit nito habang naka cross arms.

At ng maka pasok na kame sa library biglang nag flashback sa utak ko yung pag-amin ng feelings sakin Zaiven noong naka sabayan ko syang mag tapon ng basura sa likod ng school.

Alam ko na saktan ko yung feelings nya. Kahit di nya sabihin dama ko yung sakit na nararamdaman nya ng tanggihan ko sya.

Pero kahit na busted ko na sya ay patuloy pa din sya sa pakiki sama sakin kahit na tinanggihan ko yung feelings nya.

Hindi ko naman ginusto na magka gusto sya sakin eh dahil wala naman akong ginawa para magustuhan nya ang tanging ginawa ko lang maging mabait at maki sama sa kanya bilang kaibigan.

At tsaka mahal na mahal ko si Peter at hindi ko sya kayang traydorin dahil dama ko kung gaano nya ako ka mahal. Ayokong masayang yung 3years naming relasyon dahil lang sa pag-amin ni Zaiven.

“Psst Oiii!!”

Nagulat nalang ako at napa balik sa reyalidad ng gulatin ako ni Shar kaya napa tingin ako sa kanya.

“Bat ka ba nanggugulat?” Naka hawak dib-dib kong sambit sa kanya.

“Kase ba naman tulaleng ka! Ano bang iniisip mo ha at mukang malalim pa sa black hole?!” Oa na sambit nito sakin.

“Kase eh!” Napa kamot batok kong sambit.

“Kase ano?” Kusot noong tanong nito sakin.

“Baste secret lang natin to ha!” Pabulong kong sambit sa kanya.

“Haynako ilang taon na kitang bestfriend, wala ka pa bang tiwala sakin?!” Naka pamewang na sambit nito sakin.  “Ano ba kase yun? Wag mo na ako bitinin!” Pangungulit nito sakin.

My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)Where stories live. Discover now