☞Chapter. 12☜

109 4 0
                                    

Chapter#12 /Mysterious Guy/

Ayun pansamantala akong naglalakad kasama si Shar sa may park dahil nga na pag tripan naming gumala at kasama namin si Pixie at naka tali ito sa leeg. Hawak-hawak pa nga ni Shar yung tale nag request kase sya na sya yung humawak ng tale ni Pixie.

Kase kanina pa kame agaw atensyon dahil sa outfit ni Pixie kase naka suot sya ng white na sando na may naka lagay na 'cute dog' at naka palda sya na link at naka tali ng dalawang ribbon na pic yung buhok nya at yung malupit naka sapatos pa sya.

Pack ang ganda ng baby ko noh mana sa Mommy nya ♡~♡

Back to reality...
Habang naglalakad kame ay ka text ko ngayon si Peter. Dapat nga mag oopen ako ng RP ko pero bumungad sakin text message nya at dahil may load naman ako pang call at text ay nag reply na din ako sa mga text message nya.

[Anong ginagawa mo ngayon Sunny?]

{Naglalakad kame ngayon ni Shar kasama yung baby Pixie natin sa may park} Reply ko.

Message sent..

[Anong ginagawa nyo dyan sa park? At saan banda kayong park naglalakad?] Tanong kosa kanya.

{Wala na isipan lang namin gumala nakaka bored sa doorm eh}

{At hindi ko alam kung anong pangalan ng park pero lagpas ito sa school na pinapasukan ko?} Reply kosa kanya.

Message sent..

[Lahh! Ganun ba?]

[Mag-iingat kayong dalawa ha marami pa namang mga holdaper at snatcher sa daan]

{Bakit?}

{Ay ganun ba? Sige wag kang mag-alala mag-iingat kameng dalawa ni Shar} Reply  ko.

Message sent..

[Good😊 Dahil ayokong may mangyaring masama sayo😘]

{Naglalambing na naman😑}

[Anong masama kung maglambing ako ha😘😚]

Hindi ko maiwasang kiligin dahil sa message nya kase naglalambing na naman sya. Gusto yata ako nito magka diabetis dahil sa sobrang sweet nya eh.

"Haynako! Sa sobrang bussy mo sa pagtetext dyan sa bebe mo ay kanina pa pigtas yung sintas nyang rubber mo!" Rinig kong sabe ni Shar sakin kaya napa tingin ako sa kanya.

Agad naman akong napa hinto sa paglalakad ko ng makita ko yung sintas ng rubber kona naka pigtas na.

Kaya agad akong lumuhod at nilagay sa lapag yung phone ko at ni ribbon yung sintas ng rubber ko at nakita ko din pigtas na din yung kabilang sintas ng rubber ko kaya na isipan kong i-ribbon ito.

At maya-maya nagulat nalang ako ng may mabilis na dumaan sa tabe ko at kita kong wala na yung phone kosa lapag.

"Lahh! Yung phone mo!" Gulat na sambit ni Shar.

"Lahh! Snatcher yung phone ko!" Tarantang sambit ko.

"Habulin mona Glaib!" Oa na sambit sakin ni Shar at kinarga si Pixie.

Kaya mabilis akong rumagasa ng takbo at hinabol yung lalakeng snatcher na tumangay ng phone ko.

"Tulong yung phone ko kinuha ng snatcher!"

"Tulong!"

Dahil sa sigaw ko na pansin ako ng mga tao na nasa park at patuloy ko pa din hinahabol yung snatcher.

At nakita kong may pulang sport car na naka park sa dadaanan ng snatcher at agad naman bumukas yung pinto nito sa unahan at dahil doon ay na tumba yung snatcher.

Agad naman na lumabas mula sa loob yung misteryosong matangkad na lalake na naka suot na grey blaizer at yung ganun din yung kulay ng pantalon nya.

Agad akong napa hinto sa kina taayuan ko ng hindi ko maipaliwanag at pinag masdan yung misteryosong lalake at kung  ano yung gagawin nya sa snatcher.

Nakita kong tinignan nya yung snatcher at agad nito kinuha yung phone ko na nasa kamay nito. At nakita kong may lumabas na isa pang lalake sa kotse pero medyo may edad na ito at agad nitong nilapitan yung snatcher at pina sandal ito sa kotse habang tinatalian nya ng tali yung magkabilaang kamay nito mula sa likuran.

At nakita ko naman yung matangkad na misteryosong lalake na naglalakad papunta sakin.

At ng nasa mismong harapan kona ito ay napa angat ako ng tingin sa kanya kase ang tangkad nya kase hanggang dib-dib nya lang ako. At hindi lang yun na paka amo pa ng muka nya kase ang gwapo nya kase ang tangos ng ilong nya, makapal yung kilay, at may pagka kulay brown yung mata nya, at mapula yung labe.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon kase sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang naka tingin sa misterysong lalake.

"Miss! Phone mo ba toh?" Serysong tanong sakin ng lalake na nagpa balik sa reyalidad ko.

"Ahhmm! Oo! Akin nga!" Napa lunok laway kong sambit.

Agad nya naman inabot yung phone ko sakin at agad ko naman yung nilagay sa loob ng shoulder bag ko.

"Thankyou nga pala!" Pasasalamat ko dito.

"Always welcome!" Seryosong sambit nito sakin.

Bat ang seryoso nya? Di ba sya marunong ngumiti?

"Tandaan mo Miss kung ayaw mong maulit yung nangyari kanina sayo mag-iingat kana lalo na at maraming mga snatcher at holdaper sa daan!" Seryosong bilin nito sakin.

"Oo! Thankyou! Binilinan din kase ako ng boyfriend kona mag-ingat!" Sabe kosa kanya.

"Good!" Sambit nya.  "Teka? Boyfriend mo ba yung nasa wallpaper mo?" Biglang tanong nito sakin.

"Oo! Boyfriend ko nga!" Sagot ko.

"Okay! Stay strong sa inyo!" Sabay ngiti nito na ikinagulat ko.

Agad na itong nag paalam na aalis na sya at dadalhin na nila ng kasama nya sa police station yung snatcher at ako bumalik na kay Shar at kiniwento sa kanya ang lahat.

My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)Where stories live. Discover now