☞Chapter. 20☜

123 3 1
                                    

Chapter#20 /Game/

Glaibell's P.O.V

Andito kame ngayon nila Shar kasama yung mga dorm mates namin na sila Elein, Rica, Lysa sa malaking Gymnasium ng ibang school dati may magaganap na laban sa pagitan ng school namin at Emanuel Drilon University (E.D.U for short) dahil may magaganap na re-match sa basketball kung sino makaka pasok sa finals.

Exciting toh ♡◒♡

At hindi lang kame nandito lima para icheer si Jed kundi para icheer din si Zaiven dahil sya yung team captain ng basketball at kasama na din naming ichecheer si Azrilton dahil kasale na din sya sa team nila.

Balita ko magaling mag basketball si Azrilton sa dating university na pinapasukan nya dahil sya daw yung shooter at lage daw nakaka kuha ng 3points yung team nya kapag sya yung nagshoshoot kaya nga MVP sya ng university nila dati.

Ayun lang alam ko dahil kiniwento ni Lysa at Rica sakin yun kase super crush nilang dalawa si Azrilton at lage nila itong inistalk.

(Forward...)

Mangangalahati pa lang yung oras ng mag umpisa na yung laban ng team namin at ibang school pero ang init na ng tensyon ng laban nila dahil parehas ayaw magpa talo ng dalawang team.

Sa puntong ito mas lamang ng tatlong score yung kalaban kesa sa team namin.

“Go Baby Zaiven kaya mo yan!!!” Malakas na sigaw ni Elein para icheer si Zaiven.

Nga pala inlababo pala itong si Elein kay Zaiven kaya ganyan sya maka cheer kay Zaiven.

“Go Baby Babe!!” Pag-checheer naman ni Rica kay Azrilton.

“Go Baby Love!!” Pagchecheer naman ni Lysa kay Azrilton.

Hanep tong dalawang toh ha may mga sarile silang call sign sa pagtawag kay Azrilton hehehe.

Haayyss! Kung isa lang talaga sa naglalaro dyan si Peter mas malakas pa sa kanilang tatlo yung cheer ko. Kase fovorite sport din ni Peter yung basketball kase noong nag-aaral pa daw sya ay sya daw yung MVP sa team nila.

Patuloy na ako sa panonood ng laban at nakita kong na agaw ni Jed yung bola at pinasa nya kay Zaiven at pinasa naman ni Zaiven yung bola kay Azrilton at agad nya naman ito binato ng mataas papuntang ring kahit nasa malayo sya.

Dahil doon ay nagtilian kameng lahat na nagchecheer at tumalon sa tuwa dahil naka 3points sya kaya tabla na yung score 10|10 na yung score.

Napa tingin naman ako kay Shar dahil sinigawan nya si Jed dahilan para mapa lingon ito sa gawi namin.

“Hoyyy kumag ka! Umiscore ka naman wag puro taga pasa ka lang!!” Sigaw ni Shar dito.

Pero dinilaan lang sya nito kaya na inis ito sakto naman tumama yung bola sa muka nya ng ipasa yun ng team meats nila.

Dahil doon nag tawanan kameng dalawa kase napa ngiwi yung mukang nya sa pagkaka tama ng bola sa muka nya.

“Hahahaha! Ayan deserve!” Tawang-tawa na sambit ni Shar.

“Oii grabe kana kay Jed ha!” Tuma-tawang sambit ko sa kanya.

Loko kase eh ayaw makinig sakin!” Naka ngising sambit nito sakin.

“Hoy parang may something na sa inyo ha! Kayo na ba ha hindi nyo lang sinasabe sakin?!” Pang-aasar ko dito.

“Hah?napa ngiwing sambit nito sakin.  “Ako magkaka gusto sa mokong na yan? Ayan na loko-loko na yan? Tss never!” Nadidiring sambit ni Shar.

Haynako Shar! Matagal na kita kilala alam ko may gusto ka kay Jed hehe.

“Talaga?!” Pang-aasar ko pa.

“Walang kame ano ka ba! Ayan magkaka gusto sakin? At ako magkaka gusto sa kanya? Tss Never!” Pagtatanggi nito.

“Sige sabe mo eh!” Sabe ko nalang sa kanya.

Maya-maya na tapos na yung 1st quarter ng laban at 18|20 ang score at lamang yung kalaban ng dalawang puntos pero okay lang alam ko namang makaka habol sila 2nd,3rd,4th quarter eh.

Maya-maya nakita namin na nagsi puntahan na sa pwesto yung buong team sa gilid sa may banda sa kinaroroonan namin pero nasa bandang taas kame kaya hanggang tingin nalang kame sa kanila.

Maya-maya sumigaw na naman si Shar kay Jed dahilan para mapa tingin sa kanya yung mga kasama namin mag cheer at pati na si Jed.

“Hoy Kumag!!” Sigaw ni Shar kay Jed.

“Ano yun Palaka?!!” Sigaw din ni Jed kay Shar.

“Pwede ba wag kang tiga pasa lang ng bola umiscore ka din para kang walang dulot eh!” Sigaw ni Shar sa kanya.

“Gusto mo palit tayo ikaw maglaro dito!” Pamemelosopo ni Jed sa kanya.

“Sige! Baka kung ako naglaro mas lamang pa tayo ng limang puntos sa kalaban!” Pagyayabang ni Shar kay Jed.

“Talaga ba?!” Pang-asar ni Jed dito.

“Dapat taga buhat ka nalang ng mineral water!” Pang-asar din ni Shar kay Jed dahilan para mapa tawa sila Lysa, Rica, Elein at yung ibang nagchecheer.

“Tumigil na nga kayo para kayong mag jowang di magka sundo!saway ko sa kanilang dalawa dahil pinagtitinginan na sila ng lahat.

“Don't worry Babe kapag nanalo kame ikaw una kong bubuhatin!naka ngising sambit ni Jed kay Shar dahilan para magblash pisnge nito.

Hahahaha!

Dahil sa sinabe nya nag kintyawan yung lahat ng mga kasama namin mag cheer pati na yung tatlo.

“Chee!pataray na sambit nito dito at umupo sa upuan namin habang naka cross arms.

“Ano! Banat nya lang pala nya naka pag patigil sayo!” Pang-asar ko sa kanya pero di nya lang ako pinansin.

Maya-maya naka agaw pansin sakin pati na ng lahat ng may matangkad na lalakeng dumating na naka suot ng black na hoody jacket at naka suot sya ng jersey ng team nila at naka jugging fants na black at naka rubber shoes.

Halos lahat ng mga babae na kasama namin mag cheer ay halos malaglag na yung mata kakatingin pati na yung tatlo at pati na yung nagchecheer sa ibang team dahil sa ka gwapuhan ng lalakeng dumating.

“Omg ♡∇♡”

“Sheeyt ang gwapo nya ♡~♡ ”

“Muka syang artistahin!”

“Baka model sya?”

“Sino kaya sya? Bat nya suot yung jersey ng basketball team natin?”

Ayun yung usap-usapan ng mga babae sa paligid namin.

My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)Where stories live. Discover now