☞Chapter. 16☜

112 4 0
                                    

Chapter#16 /Advance Surprise/

Ayun nagmamadali ako ngayon tumakbo papuntang music room dahil nga chinat ako ni Shar kanina na pagkatapos ng second sub ay dumiretso ako sa music room.

Kase may meething daw yung buong banda at kakausapin daw ako ni Floyd kase sya yung leader ng music club. Dahil noong nakaraang practise hindi ako naka attend kase nga nagka taon na nag sabay yung practise at practise sa volleyball.

Kung hindi nyo alam member kameng dalawa ni Shar ng music club. At may sport din akong sinalihan at yun yung volleyball at sya naman badminton.

Nagmamadali na akong tumakbo kase nga baka magalit sakin si Floyd dahil nga ang ayaw nya sa lahat na lelate sa exactly time na sinabe nyang oras ng meething.

Nga pala si Floyd Wiliam Zalvasion ay isa mga sikat dito sa LCC kase nga tulad ng sabe ko sya yung leader ng music club dahil nga sa ganda ng boses nya kaya nga  bansag sa kanya 'Angel Voice' dito sa campus at hindi lang yung musian din sya kase kahit anong intrument yung ipatugtog mo sa kanya ay kaya nyang tugtugin. At gwapo din sya at matangkad at balita ko may lahi daw sya kase Mommy nya american at sikat na Fashion Designer at yung Daddy nya Filipino at sikat na Chef kaya usap-usapan na mayaman din sila.

At si Floyd isa din sya sa mga naging close friend namin dito ni Shar bukod kay Zaiven at sa pinsan nyang si Sky.

Back to reality..
Agad akong napa tingin sa wrisk watch ko at late na ako ng 5minutes sa time ng meething kase ang usapan 2:30pm eh 2:35pm na.

Pagka dating ko sa music room ay kagad kong binuksan yung pinto at agad na pumasok sa loob.

"Andito nako!" Hingal kong sambit pagka pasok ko sa loob.

Pagka pasok na pagka pasok ko ay nag pahinga ako dahil nga tumakbo ako ng mabilis papunta dito.

At matapos non na pansin kong ang dilim ng paligid dito sa music room.

Teka? Bat ang dilim? Teka wala pa ba sila? Pero imposible naman yun kase sabe sakin ni Shar sa chat ay 2:30 daw yung meething namin.

"Guys! Nandito ba kayo?" Tanong ko habang nangangapa sa dilim habang naglalakad.

"Bat ang dilim dito?"

"Asan na kayo?"

"Akala koba may meething?"

Para akong tanga na kumakausap ng hangin dahil wala naman sumasagot sa mga tanong ko.

Kaya patuloy akong na ngapa sa dilim at nag lakad ng marahan para hanapin yung switch ng ilaw.

At ng mahanap kona yung ilaw ay agad ko yun binuksan at ng pagbukas ko non nagulat nalang ako ng may confety nalang nag putukan sa ulohan ko.

At nakita ko yung mga kasama ko sa music club yung pumutok non sa ulohan ko. Sila Waren, Sian, Dave.

At nakita ko si Shar na hawak-hawak yung birthday cake at katabe nya si Floyd na tumutugtog ng gitara.

*HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY TO YOU! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY! HAPPY BIRTHDAY TO YOU!*

Halos mabusalan yung bibig ko dahil sa pa surprise nila sakin nila >__<

Actually hindi kopa birthday eh next monday pa. Nag advance na agad sila.

Alam ko si Shar may pakana nito eh kase sya lang naman nakaka alam ng birthday ko.

"Happy Birthday my beshiwap!" Pilyang pagbati sakin ni Shar.

"Loka-loka ka ikaw may pakana nito eh!" Naka ngusong sambit ko dito.

"Sino pa nga ba! Bwahahaha!" Loka-lokang sambit nya.

"Halos kinabahan ako dahil baka pagalitan ako ni Floyd dahil late na ako sa meething ayun pala may pa sabog ka pala?! Lakas tama!" Inis kong sambit dito.

"Wala naman talagang meething sa next-next week pa!" Sabe sakin ni Floyd at lumapit sakin at binigyan ako ng bonquet sunflower at paper bag na medyo malaki na kulay pink yung kulay.

"Lahh! Ano toh?" Takang tanong ko.

"Gift ko sayo! Pfftt!" Natatawang sambit nito sakin.

"Lahh! Dapat di ka na nag abala pa!" Nahihiyang sambit ko sa kanya.

"It's okay! Tutal new member ka naman! Ganito kase kame pag may new member!"  Sabe nya sakin.

"Salamat kahit nakaka hiya!" Nahihiyang sambit kosa kanya.

Maya-maya nag abot din ng gift sakin yung iba kaya na hiya ako >__<

"Grabe naman kayo nag abala pa kayo. Hindi naman kailangan eh!" Nahihiyang sambit sa kanila.  "At tsaka next week pa birthday ko sa monday!" Sabe ko sa kanya.

"Alam namin!" Sabe sakin ni Floyd.

"Sinabe ko lang sa kanila na iadvance namin yung pa surprise namin sayo! Dahil nag chat sakin yung boyfriend na mag advance na daw kame ng surprise ni Jedzon dahil may pasabog sya sa mismong birthday mo!" Paliwanag sakin ni Shar na nagpa ngiti sa labe ko.

Lahh! Ano naman yun? Ano kaya yung pasabog na birthday gift sakin ni Peter? (♡∇♡)  (♡◒♡) (♡~♡)

"Lahh! Talaga?! ♡∇♡" Tuwang-tuwa kong sambit sa kanya.

"Lahh kinikili naman sya!" Pang-asar nito sakin.

Matapos namin mag kwentuhan ay nagsi kainan na kame ng mga handang pinag ambag-ambagan nila.

My Mysterious Boyfriend in RPW (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon