01

12.2K 40 0
                                    

ud agad HHAHAHAHHA
_________________

"Napaka tagal mo talagang kumilos, Lizzy!" Reklamo ni mama mula sa aming sala kaya napairap nalang ako at binilisan ang pag-aayos.

Hindi na kasi talaga ako confident na lumabas ng bahay namin ng walang kahit ano sa mukha. Kung hindi man makapag-aayos talaga ng bongga, kahit man lang sana liptint ay mayroon ako sa labi. Hindi rin ako makalabas sa bahay namin ng nakashorts lamang dahil mainit, pwera nalang kung may pera sa daan— I mean kung may lalaking mapera sa daan.

Hindi kami mapera. Maaari ninyong sabihin na ako 'yung taong gingamit ang katawan para makalapang. Hindi ko rin naman masisisi ang mga taong galit sa mga katulad namin.

Babaeng bayaran ako pero never akong pumatol sa lalaking alam kong may sabit na. May taste naman ako no! Gusto ko lalaking walang sabit na mapera. Ayaw ko ng matandang isang pirma nalang ay mamamatay na. Gusto ko ng lalaking mapera na, nakakabayo pa!

Matapos kong mag-ayos ay nasa sala na sila mama kasama ang mga kapatid ko. Maaayos naman ang mga suot nila kaya nakaalis kami kaagad.

Igagala ko sa malapit na mall sina mama at papa kasama ang mga kapatid ko dahil pinadalhan na ako ni Steve ng pera kahapon. Si Steve ang jowa kong taga America na pinsan nga ni Altair. May pera kaya pinatos ko. Pangungunahan ko na kayo. Hindi naman sa mapanglait o salbahe akong tao pero ang pangit talaga ni Steve. Pinatos ko na kasi single naman at saka hindi naman niya ako malalahian dahil nga nasa ibang bansa siya.

"Aba't buti may pera ka, anak?" Tanong ni mama ng sumakay kami sa taxi.

"Marami bang ipinalaba sa 'yo ang boss mo, Ate?" Tanong din ni Leonn na nakababata kong kapatid.

"Sobrang dami kong nilabhan kahapon. Kita ninyo na nagpahilot pa ako kay Tyang Selma kagabi."

"Hindi ba't apat na myembro lamang ang pamilyang pinaglalabahan mo, anak? Nagkaba ka din naman no'ng nakaraang linggo." Wika ni papa.

"Dalawang magkalapit na bahay po kasi ang pinaglabahan ko kahapon, 'Tay. Bali magkapatid po sina Sir Jonet at Madame Alexandra." Pagsisinungaling ko saka humikab, nagpapanggap na inaantok para hindi na sila magtanong pa.

Sumandal ako sa balikat ni mama para magtulog-tulugan. Ilang minuto pa naman ang byahe bago kami makarating sa mall na pupuntahan.

Nang makarating kami sa mall ay tinapik-tapik na ako ni mama. Hindi ko akalaing makaiidlip ako. Parang kanina lang ay nagpapanggap lang ako na inaantok.

Nagbayad ako kaagad dahil nagmamadali na ang mga kapatid ko. Last month ko pa yata sila huling nadala sa mall na ito kaya ganito sila ka-excite ngayon.

Maraming tao sa loob ng mall lalo na't malapit ng magpasko. Mga taong nakatanggap na ng thirteen month pay at bonus nila.

"Ate, bibilhan mo na rin ba kami ng damit pamasko?" Masayang tanong ni Lhea.

"Mahal rito, anak." Saway kaagad ni mama. "Sa ukayan ko nalang kayo bibilhan ng kapatid mo o kaya ay sa Divisoria."

"'Ma naman! Sa ukayan na naman? Last year sa ukayan mo na kami binilhan ng damit ni Ate Lhea. Tapos 'yung sapatos namin sa Divisoria mo lang rin binili. Ni pantalon nga hindi mo na kami nabilhan noong nakaraang taon ah!" Reklamo ni Leonn kaya pinukulan ko siya ng masamang tingin kaya napayuko siya.

"Matuto naman kayong umintindi, Leonn." Panimula ko habang naglalakad kami. "Hindi laging meron. Kung sobra-sobra, e 'di sige, mabibili ang gusto ninyo. Kapag sakto lang, kung ano lang ang kakayanin ng pera natin. Hindi naman kayo pagmamaramutan." Pangaral ko. "Gusto mong sundin ka, e ni hindi ka na nga marunong gumagalang."

"Pasensya na po, Ate, mama." Magalang ng wika ni Leonn.

"Ayos na 'yon. Masyado ko ng nasisira ang araw natin." Sabi ko saka nagpakita ng matamis na ngiti.

Sinabi ko kina mama ang balak ko. Bibilhan ko ng pamaskong damit, pantalon, bestida at sapatos ang mga kapatid ko. Ako na rin ang bibili ng ipanghahanda namin sa pasko. Tumutol si mama at papa sa gusto kong mangyari pero ipinilit ko talaga. Bibilhan ko rin sana ng mga damit sina mama at papa.

Pulang kasuotan ang balak kong bilhin para sa aming pamilya. Pulang polo shirt para kay papa at kay Leonn. Pulang bestida naman para sa akin, kay mama at kay Lhea. Nagdagdag pa ako ng iilang damit pang-alis sa bawat isa. Sa kanila naman talaga nakalaan ang lahat ng pera ko. Gusto ko na kapag meron ako, dapat ay sila rin.

Matapos mamili ng mga damit ay nagtungo muna kami sa isang fast food chain para kumain ng pananghalian. Hinayaan ko sina mama na pumili ng kakainan dahil kanina pa sila nagrereklamo na hindi ko na raw sila pinakikinggan.

"Ate, maggro-grocery na po ba tayo pagkatapos nating kumain?" Tanong ni Lhea saka sumubo ng kanin.

"Oo. Bakit?"

"May school project po kasi akong dapat gawin mamayang alas-kwatro."

"Kung gano'n ay  bilisan nalang natin ang paggro-grocery." Nakangiting wika ko. "Kumain na kayo ng kumain ng makapamili na tayo."

"Bakit parang ang dami mo namang pera ngayon, anak?" Pabulong na tanong ni mama.

"Sabi ko nga po sa inyo, mama, na dalawang bahay ang pinaglabahan ko kahapon. May ipon din po ako na talagang nakalaan para sa pasko." Tugon ko kaya napatango si mama.

Totoo namang ipon ko ang ginagamit ng pamilya ko ngayon. Hindi nga lang ipon galing sa paglalabada kundi galing sa pang-uuto o paggagamit ng ibang tao.

"Sumama ka kina mama at papa, Lhea, nang mapabilis tayo. Kayo ang mamili ng mga pwede nating ipanghanda at kami naman ni Leonn ang mamimili mg mga grocery na kailangan natin para sa pang-araw-araw." Sabi ko na nagpatango naman sa babaeng kapatid ko.

High school na si Lhea kaya maaasahan na talaga siya. Marunong na iyon magluto kaya siya ang pinasama ko kina mama. Si Leonn naman ay nasa elementarya pa lang kaya may pagka immature pa.

"Mga kailangan la—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang may makabunggo sa akin dahilan para bumagsak ang hawak kong cellphone.

"Ang sabi ko sa iyo ay huwag ka na ulit magpapakita sa akin, Lizzysiana." Mariing wika ng binata kaya mariin akong napapikit.

Bakas sa babae at lalaking nasa likod niya ang gulat ng dahil sa sinabi ni Altair. Tanginang lalaki kasi ito, bakit ba siya narito?

"Bakit ka nga ba narito, huh? Kasalanan ko ba na nagkita tayo?"

"Here's my calling card, Lizzysiana. Call me or else, I'll tell to your parents what kind of work you're doing." Banta nito. "You already know me, baby. I can kill someone ng dahil lang sa hindi niya naibigay ang gusto ko."

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now