04

12.2K 27 0
                                    

"Pwede bang bago tayo umuwi, dumaan muna tayo sa palengke para makabili ako ng uulamin namin mamaya?" Tanong ko habang nasa byahe.

"Bakit sa palengke pa? Bakit hindi nalang sa mall? Kumpleto na rin naman do'n sa mall namin."

"Hindi ka ba pumupunta sa palengke? Kung gano'n, ibaba mo nalang ako sa palengke at mamamasahe nalang ako pauwi." Tugon ko. Mayaman nga pala itong lalaki na ito na hindi nagpupunta sa kung saan-saan lang.

"Hindi naman sa gano'n, nagsu-suggest lang para kumita ang mall ko." Sabi niya kaya natawa ako.

"Wala namang isdang dapa do'n sa mall mo na iyan." Sabi ko kaya napakunot ang noo nito.

"Isdang dapa? Anong itsura no'n?"

"Isda talaga siyang parang nakadapa. Hindi tulad ng ibang isda na kapag hinawakan mo, nasa magkabilang gilid ang mga mata. Ang isdang dapa ay nasa taas ang mga mga niya."

Nagtungo kami sa palengke na malapit lang talaga sa bahay namin. Maraming tao dahil sisilim na rin kaya namimili ng uulamin ang mga tao.

Kung nagtungo kami rito sa palengke na suot ang mga damit namin kanina noong naglunch kami, panigurado'y pagtitinginan kami. Buti nalang talaga at pinahiram ako ng panjama at malaking t-shirt ni Altair.

"Sasama ka pa ba sa akin sa loob o maiiwan ka nalang dito sa loob ng sasakyan mo?" Tanong ko sa lalaki ng huminto kami ng makapag-park na.

"Sasama na ako," tugon niya at tanging tango lamang ang isinukli ko.

Nakapatong ang mabigat niyang braso sa balikat ko para siguro hindi siya mahiwalay sa akin. Tuwing nag-aabot ako ng bayad sa tindera ay kaagad niya iyong tinataboy para iabot ang pera niya. Malapit ko na talagang masabi na sugar daddy ko siya e.

"Alam mo... sinungaling ka." Sabi ko ng makasakay kaming muli sa sasakyan niya matapos makapamili. "Sabi mo papatayin mo ako, hindi naman pala totoo."

"You want me to kill you?" Nakataas pa ang kilay nito. "I can do that. Hindi mo alam kung ilang tao na ba ang napatay ko dahil hindi nila naibigay ang gusto ko."

"Kala mo totoo, nananakot lang naman." Bulong ko.

Nagtataka ko siyang binalingan ng iabot niya sa akin ang cellphone niya habang ang paningin ay nasa kalsada.

"Open my note app." Sabi niya na kaagad ko namang sinunod. "Open the folder named 'project'."

"Ikaw.. ang may pakana no'n?" Tanong ko ng mabasa sa gitnang bahagi ng page ang pangalan ng mayor namin. Kasunod ng apelyido ng mayor namin ay may nakasulat na 'killed'.

"You can say that."

"Pero bakit? Medyo ayos pa kung ikaw ang nagplano pero hindu mismong kamay mo ang gumawa. Pero ang lala mo pa rin."

"I'm the one who shot him." He answered that made me stop from playing my fingers.

"But based on the news, they said the killer is just 5'8 but you look like 6'0 so how can you say that they are wrong? That you are the real killer?" Tanong ko, wala man lang maramdaman na takot hindi tulad noong unang beses na magkita kami.

"I have someone na magpapagulo ng imbestigasyon nila, Lizzysiana. They are all stupid. Ni hindi nga ako nakasuot ng bonet o kahit man lang sumbrero no'ng patayin ko ang tarantadong mayor na tinitingaka nilang iyon."

"Bakit mo nga ba pinatay si Mayor Bustamante? Ang sabi ng mga tao ay mabait naman raw iyon at talagang hindi kurakot."

"How did they know? Hindi naman sila kasama no'ng mayor na 'yon noong ninanakaw niya ang pera ng bayan. Hindi sila kasama ni mayor sa casino no'ng mga panahon na inuubos ng gago na 'yon ang pera na hindi naman sa kaniya."

"O sige, naroon na nga tayo." Pahpapatuloy ko kahit pa nasa tapat na kami ng bahay namin. "Bakit mo pinatay? Anong kasalanan sa iyo no'ng tao na 'yon?"

"Nakalaban niya ang ama ko noon sa casino. Galing sa negosyo ang pera ni papa no'n na pinanglalaro hindi tulad ng mokong na 'yon. Nang matalo siya ni papa at makuha ang dalawang bahay nito sa magkaibang probinsya at iilan pa nitong ari-arian ay nagalit siya sa papa ko. Pinatay niya si papa para makuha niya ulit lahat ng mga ari-arian niya na pag-aari na ng tatay ko dahil sa kabobohan niyang maglaro." Pagkwento niya. "He has his powers kaya nabawi niya ang mga ari-arian niya. Busy ako noon sa business namin kaya hindi ko na naasikaso pa ang mga naiwan ni papa noon. Hinayaan kong makuha ng tarantado na 'yon ang pag-aari na ng ama ko."

"E sino 'tong Joseph Cruz na ito?" Tanong ko sa huling pangalan na may nakalagay na 'killed'.

"That motherfucker stole my girlfriend last last year."

"Are you serious?! You killed somone just because he stole your girl?"

"Naging sila no'n habang kami pa ni Solen. Noong gusto ng makipag hiwalay ni Solen ay nirape pa niya ang girlfriend ko bago hinayaang makipag hiwlay sa kaniya."

"Ahhh... Kaya pinatay mo kasi nagalit ka? Ang hirap mo naman galitin."

"Kaya mag-iingat ka." Sabi niya kaya napanguso ako.

"Last na ba 'to?" Pag-iiba ko sa pinag-uusapan.

"Of course not," tugon niya.

"Maghihirap ka dahil sa laki ng binabayad mo sa akin, Aeyl. Bakit hindi mo ako gawing totoong assistant, huh?"

"Kapag ginagawa kitang assistant, wala na akong magagawa sa opisina ko."

"Gawin mo rin akong kasam-bahay. Gamitin mo ako kung kailan mo gusto dahil iyon naman ang trabaho ko. Kahit anong ipagawa mo sa akin para naman masulit mo ang ibinabayad mo sa akin."

"So you are fine that you're always with me?"

"Oo naman no. Kahit saan ka magpunta ay pwede mo akong isama, huwag mo lang akong bubuntisin."

"Paano ba 'yan, Lizzysiana, gusto kitang anakan?"

———————————————————————————————————————————————:-D

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now