23

5.1K 31 3
                                    

"Buknoy!" malakas na sigaw ko sa pangalan ng batang madalas na inuutusan ni Loida para maging alerto sa akin. Kabuwanan ko na kasi. Ang hirap pa lalong kumilos dahil napaka laki ng tyan ko.

"Ate?! Bakit po?" natatarantang tanong ng bata.

"Napaka sakit na ng tyan ko. Tingin ko manganganak na ako." tugon ko at mayamaya nga'y lumabas na ang panubigan ko. "Manganganak na nga ako."

"Teka lang ho, tatawagin ko si Nanay." aniya dahil nagpapaanak iyon dito sa lugar namin. "Bogart, tingnan mo muna si Ate Lizzy diyan!"

Hindi nagtagal ay nasa loob na rin ng bahay namin si Bogart.

"Hala, Ate, naihi ka na." wika ng bata, walang alam sa nangyayari.

Ilang minuto lang ay nasa loob na ng bahay namin ang Nanay ni Buknoy kasama si Loida.

Pinahiga nila ako sa higaan namin at doon ako pinaanak.

"Walang kahirap-hirap, natatanaw ko na ang ulo ng anak mo." wika ng matanda.

"Ire..." utos ni Loida.

"Ahhhh!"

"Ang lusog." bulong ng Nanay ni Buknoy na si Aling Roma.

Kaagad na binalot ni Loida ang lampin ang anak ko.

"Lalaki." aniya pa.

"Ahhh..." mahinang ire ko bigla.

"M-meron pa yata..." bulong ko kaya dali-daling bumalik sa ibaba ko si Aling Roma.

"Kaunting ire, Lizzy, ang gagaling ng anak mo dahil hinsi ka gaanong pinahihirapan." wika ng matanda j
kaya sumunod ako.

Nakailang ire ako ng pumulakaw ang iyak ng sanggol na pangalawabmng iniluwal ko.

"Lalaki ulit." wika ni Loida.

"Magpahinga muna saglit, Lizzy, meron pang isa." wika ng matabda matapos sipatin ang tiyan ko.

"Tangina, aso ka ba? Ang dami mo mag-anak!" kumento ni Loida kaya natawa si Aling Roma.

Ilang minuto ang lumipas ng ilabas ko naman ang pangatlong anak ko. Ang una'y ilang segundo lamang ay sinundan na ng pangalawa. Pero ang pangatlo ko ay nakapag pahinga pa ako ng dalawang minuto rin yata.

"Triplets ang anak mo, Lizzy, at lahat sila ay lalaki."

Mayamaya'y itinabi aa akin nina Aling Roma at Loida ang aking mga anak. Walang kumuha ng mukha ko. Walang pagdadalawang isipn, kamukhang-kamukha nila ang ama nil at mukhang mahihirapan akong kilalanin ang bawat isa dahil magkakamukha silang tatlo.

Nakatulog ako matapos niyon kaya't pagkagising ko ay si Loida na ang nag-aalaga sa mga anak ko. Nasa kunang ginawa ni Mang Tonyo ang mga anak ko.

"Nagpasungsong ako ng kuryente sa kapit-bahay kahit para lang sa mga bata. Malamok pa naman."

"Magkakasunod iyang mga anak mo. Ang nasa kaliwa mo ay ang una, ang nasa gitna ay ang pangalawa at ang nasa kanan mo ay ang pangatlo."

"Alvis, Areli and Arvo." wika ko at binuhat ko ang panganay kong natatanging gising.

"Ikaw si Kuya Alvis Atlas Villareal. Kamukhang-kamukha ninyo ang Tatay ninyo at ikaw si Aeyl na kalmado." wika ko.

Tiningnan ko naman si Areli.

"Areli Aiden Villareal." ang Altair na galit at nakakunot lagi ang noo.

"Ikaw naman si Arvo Amias Villareal, ang pilyo at malokong si Aeyl."

Ako ang nagdala ng anim na buwan pero siya ang kamukha. Halos wala man yatang nakuha sa akin? O okay na ako sa mga mata kong nakuha ni Alvis at Arvo na chill lang unlike kay Areli na wala talagang nakuha sa akin dahil kahit ang mga mata nito, kuhang-kuha sa Tatay niyang malamig kung tumingin."

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now