20

6.3K 26 0
                                    

WARNING: suicide
_____________________

Sa nakita ko, wala akong naramdaman kung hindi sakit. Ang bigat sa dibdib. Ang nakakapag taka lang, walang lumandas o nangilid man lang na luha sa aking mga mata.

Nasa bungad ang kabaong ni Tatay kaya doon ako unang lumapit. Mayamaya'y nasa malapit ko na rin si Eula na kaibigan ng kapatid ko at ang ina nito.

"Condolences, Ate." mahinang usal ni Eula.

"Nakikiramay kami, Lizzy." sabi naman ng ina nito.

"Ito po ang sulat na iniwan ni Lhea at Leonn para sa inyo, Ate." wika ng bata aaka iniabot sa akin ang naturang sulat ng mga kapatid ko.

"A-anong nagyari?" hindi napigilang tanong ko.

"Nasunog po ang bahay ninyo at hindi po kaagad naagapan. Dahil hindi naman po gawa sa bato ang bahay ninyo, mabilis na natupok ito kasama ang labi ng pamilya ninyo. Nakalabas pa sina Tita at Leonn ngunit nawalan din kaagad ng malay dahil siguro hindi na makahinga gawa ng usok at dahil na rin sa iilang sugat na natamo. Naiwan naman si Tito kasama ni Lhea sa loob ng bahay po ninyo dahil sinubukang iligtas ni Tito ang anak na dalaga n-nasa banyo, nakasabit sa bubong ninyo. Mas malala ang natamo nina Tito at Lhea kaya dead on arival na. Sina Tita at Leonn naman, sinubukan ng mga doctor na iligtas ngunit hindi sila nagtagumpay dahil mayroon pa alng hika ang dalawa."

"Marami pong gustong sabihin sa inyo ang dalawang kapatid ninyo na nariyan panigurado sa sulat. P-pinapasabi rin po ni Lhea na.. magpakatatag ka, Ate. Na nauna man daw siya, alam niyang kakayanin mo dahil isa ka sa mga taong kilala niyang malakas." wika nito saka ngumiti.

Nilapitan ko ang labi ng pamilya ko isa-isa at pinakatitigan ang maamo nitong mga mukha. Mukha nilang hindi ko man kang naabutang humihinga dahil wala ako sa tabi nila.

"Anong nagyari, Lhea, hmm? Bakit mo naman ginawa iyon? Nandito naman si Ate ah... Bakit hindi ka nagsabi sa akin? Ano pa't naging Ate mo ako kung hindi ka nagsabi sa akin? Bakit mo naman sinarili lahat?" mahihinang tanong ko. "Bakit-"

"Ma'am, parating na raw po si Sir Altair, kailangan na po nating umalis. Itatakas ka ho namin." sabi ni Ate Yoli kaya napabaling ako rito.

"Ate, umalis na po kayo. Mag-iingat ka po dahil alam ko pong hindi aksidente ang mga nangyari. Alam ko long may taong nasa likod nito." biglang sabi ni Eula.

"Ma'am, malapit na po si Sir!" nagpapanic na wika ng driver namin.

Paglabas namin ng bahay, may ibang sasakyan na ipinagamit sa amin ang pamilya nina Eula para mas magibg ligtas kami. Kung gagamitin kasi namin sa l
pagtakas ang sasakyan ni Altair, panigurado'y mas madali kami nitong mahahanap.

"S-saan tayo pupunta, Ate?" tanong ko kay Ate Yoli.

"Sa hacienda na tinitirhan ng pamilya ko, Lizzy. Doon na muna tayo tutuloy para malayo tayo kay Sir Altair. Hindi ka na ligtas roon kaya hindi ka na pwedeng manatili pa sa mansion nito."

Naging maayos ang naging byahe namin palabas ng Maynila.

"Hindi kayo pwedeng manatili rito, Yoli, kilala ng mga Dela Paz iyang si Lizzy at ayaw nilang manatili kayo rito. Tumunog kasi kaagad na magtutungo kayo rito at nakarating iyon kaagad sa taas."

"Huh? Bakit naman?"

"Ang kasama sa scandal niyang asawa ni Sir Altair ay si Señorito Antoin na apo ni Don Gudon Dela Paz."

"Sa condo unit nalang ng kaibigan ko kayo manatili, Ate." wika ng kapatid siguro ni Ate Yoli. "Ligtas roon at naitawag ko na sa kaibigan ko. Pumayag naman siya na kayo muna ang manatili roon."

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now