21

5.2K 24 0
                                    

Nqgising ako ng madaling araw dahil may naririnig akong kumakatok sa pintuan ng unit na tinutuluyan namin. Pagkatayo ko, wala akong naabutang kasama, naka lumabas muna si Ate Yoli para bumili o kung ano man.

Binuksan ko kaagad ang pintuan dahil baka si Ate Yoli at baka naiwan nito ang key card niya kaya kumakatok ngayon.

"Saan—"

"How are you, my Izzy?" Nakakatakot na tanong ni Antoin saka malawak na ngumiti.

Sinubukan ko siyang pagsarhan pero mukhang binigay niya ang buong pwersa para tuluyang ibukas ang pintuan ng unit kaya nakapasok ito.

"Kumust naman ang pananatili sa condo na pag-aari ko, Izzy? Maayos ba?"

Damn.

Sa dami ng condo dito sa Manila, bakit sa condo pa niya kami tumutuloy ngayon?!

"H-huwag mo na akong guluhin pa, Antoin, wala na kami ni Altair. Kung gusto mong maghiganti, siya ang guluhin mo." sabi ko at lalabas na sana para hanapin si Ate Yoli ng pigilan ako nito.

"Where are you going?"

"W-wala ka na roon—"

"Hinahanap mo ba si Yoli? Too bad, iniwan ka na."

"H-huh? Saan mo dinala si Ate Yoli ha?!"

"I did not do something bad, Izzy."

"Damn you, fucker! Where is Ate Yoli?!"

He grabbed my neck saka ako pilit inihaharap sa mukha niya.

"Matapang ka na ngayon?" mariing tanong nito. "Balita ko.. buntis ka raw? Kailan pa, Izzy. Ang bilis mo namang mabuntis sa semilya ko—"

"Hindi ito sa iyo, Antoin."

"Ah, sa gagong Altair? E bakit hindi pa natin patayin iyan?"

Tangina, bakit naman lahat sila gustong mawala ang anak ko?

"No!" sigaw ko kasabay ng pagtakbo ko palayo sa bulto ng lalaki.

He walked while I, are running to go to the nearest elevator.

"Run, Izzy. Run. I will kill your kid if I grab you again. I will kill your kid if I followed you."

Ilang beses kong pinindot ang pindutan ng elevator at mayamaya'y bumukas ito. Kaagad akong nakasakay at pinindot ang ang ground floor. Bafo pa man ako maabutan ni Antoin ay naglock na ang elevator.

Matagumpay akong nakalabas ng condo at tumakbo palayo roon. Wala na rin sa akin si Ate Yoli at panigurado'y may ginawang hindi maganda ai Antoin kaya nagkaganoon. Hindi ko alam kung saan at paano ko hahanapin ang babae. O unahin kong maghanap ng pagkakakitaan para naman magkaroon ng pera pang gastos? Maghanap ng titirhan?

Walang-wala talaga akong perang panggastos. Wala kahit ni piso man lang.

Nagtungo ako sa palengke ng syudad upang maghanap ng trabaho. Ang hirap. Napaka hirap. Hindi ako pwedeng makita ng mga taong naghahanap sa akin ngunit hindi rin pwedeng tumunganga na lamamg ako dahil mamamatay ako sa gutom kasama ng anak ko.

"Ate, kailangan ninyo po ba?" tanong ko sa babaeng naabutan sa cashier ng karinderya.

"Kumpleto pa kami, ineng."

"Sige po, salamat po. Kapag kailangan ninyo nalang po."

Inisa-isa ko ang mga tindahan roon ngunit walang tumatanggap sa akin dahil siguro hindi rin ganoon kalakas ang benta o hindi kaya'y hindi na nila kaya lang magdagdag ng tao

Nang walang napala, naupo ako sa isang sarado mg tindahan upang doon magpahinga. Madilim na at wala pa rin akong nakukuhang trabaho at wala pa rin akong tutuluyan.

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now