02 (SPG)

21K 52 1
                                    

Hindi ko sinunod ang gusto ni Altair. Porket mayaman siya, gusto niya lahat ng gusto niya ay nabibigay sa kaniya? Napaka swelo mga naman ng lalaki na iyon. Kung gano'n ay ako ang gusto niyang hindi niya makukuha.

"Ate, may naghahanap po sa iyo. Nasa sala na 'yung lalaki kasi pinapasok na kaagad ni mama." Sabi ni Leonn.

Halos lagutan ako ng hininga ng makita ang sinabi ni Leonn na naghahanap sa akin. Paano niya nalaman 'tong bahay namin?! Alam kong mapera siya pero hindi konin-expect na ganito siya kalala.

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko na napigilan ang inis sa lalaki.

"Why are you mad, hm?" Malambing na tanong ng lalaki saka binalingan sina mama. "May gusto pong sabihin sa inyo si Lizzysiana tungkol sa trabahp niya." Sabi ni Altair kina mama kaya nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

Putanginang lalaki 'to!

"Ano ba iyon, anak?" Tanong ni mama.

"Hindi na ba ikaw ang paglalabahin sa bahay nina Madame Alexandra?" Dagdag na tanong ni papa.

"Tagapag laba, huh?" Sarkastikong singit ni Altair, tila gusto pang matawa. Napaka walang modo talaga nitong lalaking ito.

"Wala po 'yon, 'Ma." Sabi ko sa pinilit na makangiti.

"Ano nga iyon?" Pangungulit ni mama.

"Ano ho ba ang tungkol roon, Sir? Kayo po ba si Sir Jonet?" Tanong ni papa kaya mariin akong napapikit.

"Jonet... Ano pong trabaho niya roon?"

"Labandera din po," tugon ni papa kay Altair.

Napangisi si gago. "Si Steve po ba, kilala nin—"

"Tama na nga!" Inis na sigaw ko na nagpatahimik sa bahay namin.

"What? Tinatanong ko lang naman kung kilala nila si Steve Gray." Nang-iinis na wika ni Altair. "Ikaw ba, Lizzysiana, kilala mo ba si Steve Gray? Mapera 'yon pero mas mapera ako."

"Bibigyan ninyo po ba ng trabaho ang anak ko kaya narito ho kayo, Sit?" Tanong ni mama, umaasa ang boses.

"Binibigyan ko nga po ng trabaho itong si Lizzysiana pero ayaw pong tanggapin. Mag-eenjoy po siya roon. Libre lahat. Pagkain, damit, sasakyan. Kahit ano pong kailanganin niya ay libre."

"'Yun naman, anak e. Bakit hindi mo pa tanggapin?"

"Baka ho gusto niya kah Steve na hindi naman naibibigay ang mga pangangailangan niya."

"Teka nga, ano nga ba ang trabaho mo sa Steve na iyan?" Seryosong tanong ni papa kaya sunod-sunod akong napalunok.

"Babae—"

Pinutol ko ang panggagago ni Altair. "Babaeng labandera po ako ni Sir Steve tuwing lunes. May lalaking kabandera pa po kasi iyon tuwing huwebes." Pagsisinungaling ko.

"Oh, really?" Pang-aasar na bulong pa ni Altair kaya napairap ako ng hindi nakikita nina mam.

"Magtatrabaho na ako sa iyo kaya manahimik ka na." Inis na wika ko.

Napailing-iling ito saka binalingan sina mama. "Hindi lang po kasi trabaho ang sadya ko rito sa bahay po ninyo kundi gusto ko rin pong ligawan ang anak ninyong si Lizzysiana."

"Putangina," bulong ko.

"Kailan pa ba kayo magkakilala ng anak ko at parang kay lakas ng loob mo na ligawan siya?" Tanong ni papa, nakataas pa ang kilay.

"May isang taon na rin ho," pagsisinungaling ni Altair.

"Ang anak ko lang ang makasasagot kung gusto na ba niyang magpaligaw, hijo." Sabi ni papa.

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWo Geschichten leben. Entdecke jetzt