25

6.2K 28 5
                                    

"Good morning, Ma'am!" masayang bati sa akin ng lalaking estudyante ko habang yakap ang mga hita ko.

Bahagya akong umupo para magpantay kami ng bata.

"Good morning, baby boy!"

"Ma'am naman... Malaki na po ako! Gusto nga po kitang ligawan, hindi ba?"

Natawa ako. "Sinong naghatid sa iyo—" naputol ang sasabihin ko ng makiga ko si Altair.

"Ako ang naghatid sa anak nina Khalil tska Azhia."

Tumango lang ako.

"Say babye to your Tito, Zion." sabi ko sa bata.

"Bye, Tito Altair!" wika nito. "Umalis ka na po, aagawan mo pa ako kay Ma'am Lizzy. Titig ka pa diyan."

Kbang klase 'tong batang ito.

Nagtuturo na ako ngayon bilang isang guro ng pre-elem sa isang pribadong eskwelahan.

Ang lapit talaga sa akin ng mga bata siguro'y dahil miss na miss ko na ang mga anak ko. Napaka lapit nga sa akin ng anak nina Doc na si Zion. Unang kita ko pa lang sa bata, alam ko na kung kanino siya anak, ang apelyido pa ay Ishikasa. Lalo kong nakumpirma na ama niya ang doctor dahil halos ipagsigawan niyang ang Tatay niya ay ang sikat at magaling na doctor na si Doc Khalil at Tito niya ang magaling din na abogado na si Atty. Ishikasa.

Kanina ang unang kita ulit namin Altair at wala akong naramdaman na kahit ano. Wala na 'yung nararamdaman ko noong mahal ko pa siya. Wala ng excitement. Ni galit nga wala akong naramdaman sa kaniya. I think, I already moved on. Ang priority ko na ngayon ay ang mga anak ko. na nagtatrabahl ako ng maigi para sa kanila.

"Sasamahan kitang sunduin ang mga bata ha?" sabi ni Loida kaya tumango ako.

Talagang nagtungo pa siya rito sa eskwelahan.

Dalawamg taon akong nagtrabaho bilang isang guro habang dalawang taon ding wala sa akin ang mga anak ko. Sa loob ng dalawang taon na iyon, wala kaming ginawa ni Loida kung hindi ang magtulungan para kumita ng pera. Nakabayad na nga kami sa mga nautangan namin e. Nakatira na rin kami sa maayos-ayos ng apartment at nakakakain na kami ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw.

Birthday ngayon ng triplets at tatlong taon na sila. Ngayon ko talaga balak na sunduin sila at napag-usapan na namin iyon ni Mr. Galleto at ng mga sister.

"Happy birthday, mga anak..." wika ko at masaya naman silang yumakap sa aking tatlo.

Tandamg-tanda ko ang pagkakaiba nila. Si Alvis ay ganoon pa rin, napaka kalmado ng mukha habang si Areli ay may aura talaga napaka lamig at ang maamo at kalmado kong bunso na si Arvo.

Walang pagbabago, kamukha pa rin nila ang Tatay nila. Mas halata na rin ngayon ang pagkakahawig nila sa ama dahil nga tatlong gulang na ang mga ito.

"Uuwi na tayo, hmm?"

Hinalikan ko sila isa-isa sa noo at saglit pang hinayaan silang makipag laro sa mga kapwa bata sa loob ng bahay ampunan. May kaunting salo-salo akong inihanda at may iilang regalo ako sa mga anak ko at iilang laruan naman para sa ibang bata.

"Ang lalaki ninyo na." sabi ko habang pinagmamasdan ang mga ito na nanonood ng cartoons sa t.v.

Sa kanilang tatlo, ang napansin kong malambig ay si Arvo at si Alvis ang mapagpasensya na tipong aagawan siya ng laruan tapos okay lang gano'n. Si Areli naman ay napaka tahimik pero nakikipag laro naman siya sa mga kapatid niya.

"Mama.. gusti pong magmall ni Arvo." sabi ng bunso ko habang nakayakap sa akin.

"Ngayon na ba?" tanong ko naman.

Weekend ngayon kaya pwede kaming umalis.

"Opo... Hindi naman po magpapabili si Arvo, gusto lang po lumabas."

"Oo naman. Okay lang din kahit may ipabili si baby Arvo ko."

Maaga pa naman kaya hindi mahaba-haba pa ang oras namin. Hinanda ko ang mga anak ko at sunod namang naligo si Loida. Binihisan ko ng iisang klaseng t
shirt ang mga bata ngunit magkakaiba ng kulay. Si Areli lang rin ang nagpantalon at sapatos habang 'yung dalaw ay ayos na raw sa maong shorts na tokong nila at saka sandals.

Pagkatapos kong maayusan ang mga bata, ako naman ang nag-ayos. Nagsuot lang ako ng simpleng bestidang kulay light blue at nagclam lang sa buhok. Nagsuot lang rin ang ako ng tsinelas na pang-alis.

Sa probinsya nina Loida kami nagmo-mall dahil ayaw ko rito sa Maynila. Masyadong maliit ang mundk para sa amin Altair. Hindi ko na alam kung ano-anong mga mall ang pag-aari niya.

Sumakay kami ng bus na may aircon para naman maging komportable ang mga bata. Kandong ko si Arvo habang nasa tabi ko naman si Alvis. Si Loida at Areli ang magkatabi sa upuan.

Tulog ang mga bata sa byahe at nagising naman noong malapit na kami sa terminal. Pagkababa sa terminal ng bus, sumakay kami ng tricycle para makarating sa mall.

"Dati wala naman iyan e." bulong ni Loida.

"Syempre sa tagal mo ba namang wala rito sa l
probinsya ninyo."

Pumasok na kami sa loob ng mall dahil bukas naman na ito. Maraming tao sa loob ng mall dahil siguro weekend.

Um-order kami sa medyo may kamahalatng restaurant. Lakas makasosyal dahil lagkatapos kumain, doon pa lang magbabayad.

"Yummer!" masayang wika ni Alvis kaya natawa ako. may sampyad-sampyad pa siya sa bibig ng gatas galing sa fruit salad.

"Magkanin ka rin, Alvis." sabi ni Loida kaya sumunod naman ang bata.

Request kasi talaga ni Alvis ang fruit salad. Si Arvo naman ay ice cream habang si Areli ay busy sa pagkain ng kanin at ulam niya.

Matapos kumain, tinawag ko na kaagad ang waiter para magbayad na.

"Ma'am, the bill was paid already po."

"W-what? Who paid our bill po?"

"One of our guest earlier already paid for your food."

"Magbabayad pa rin po ako."

"No need po, Ma'am. It's already paid." nakangiting wika nito. "I hope you enjoyed the food.

Tumangin pa ang waiter sa mga bata.

"The ice cream was so masarap po!" wika ni Arvo.

"I liked the steak." kumento naman ng seryoso kong anak na si Areli.

"And I loved the fruit salad."

"Good to know that you enjoyed the foods, kiddos."

Nagpahinga pa kamk saglit bago tuluyang lumabas sa restaurang na iyon.

Nasa toys section kami ngayon dahil balak kong bilhan ng laruan ang mga anak ko.

"Good afternoon, everyone." someone greeted from the mall's speaker. "I hope everyone is happy as me. Just because I am happy, all the toys inside the mall are all free. All the kid's playground are all freea also. Please be kind to my triplets, Alvis, Areli and Arvo."

"Pangalan po namin iyon, Mama!"

"Yes, that's your name, my little Arvo. Enjoy our mall. Get the toys you want. Come on, Daddy's triplets. Have a happy bonding with your Mama."

"Who is that?" tanong ni Areli.

"That's your Dad."

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now