Special Chapter 02 (SPG)

9.5K 35 11
                                    

"Damn." Bulong ko.

Nagising ako na nasa loob na ako ng kwarto namin sa bahay na tinutuluyan namin ng mga anak ko. Wala na si Altair at ramdam ko na ring malinis na ako.

"Mama, gising ka na po." Sabi ni Areli saka kinuha ang stock na diaper sa ilalim ng kama.

"Nasaan ang mga kapatid mo? Umuwi na ba si Ninang Lodia ninyo?"

"Kasama po nina Arvo si Papa—"

"Ha?"

"Si Papa po."

"Anong 'si Papa?"

"Si Papa Altair po kasama ang mga kapatid ko."

Napabalikwas ako sa hinihigaan ng marinig ang sinabi ng anak ko. Nagtatakbo ako palabas ng kwarto at naabutan ko roon ang mga bata na nakahiga sa tabi ng ama nila. Nanonood sila ng cartoons muna sa tv.

"Mama, ang haba po ng tulog mo." Sabi ni Alvis saka lumapit sa akin.

Hinalikan ako sa pisngi ng mga anak ko ag napag-alaman kong ang haba nga tulog ko. Gano'n ba ako napagod?

"Kain na tayo ng almusal." Wika ni Alair ng tumayo, buhat ang bunso ko.

"Bakit ka nandito?"

"Anong almusala ng gusto mo?" Balik na tanong nito sa akin.

"Ano ba, Altair? Pinayagan ba kitang pumunta rito kung kailan mo gusto?"

"I want to see my children, Lizzy." Simpleng tugon niya. "Can we not fight for now? The kids' are watching us."

"S-sorry..." Paumanhin ko sa mga bata.

"Anong gusto ninyo almusal?"

"Rice!" Sabay-sabay na tugon ng mga bata.

Ibinaba ni Altair si Arvo sa upuan.

Nang mapatingin naman ako kay Areli ay bahagya niyang hinahatak ang laylayan ng damit ni Alair kaya ang ginawa ng ama nila ay binuhat ito saka iniupo sa tabi ng bunso namin. Ganoon rin ang ginawa ng panganay namin.

Hindi ko alam kung bakit parang sanay na sanay na sila sa presensya at pag-aasikaso ni Altair e ngayon pa lang naman sila pinagsilbihan ng ama.

"Anong gusto mo?" Tanong sa akin nito habang inaasikaso ang almusal ng mga bata.

"Cereals nalang din."

Nang maupo sa tabi ko ang lalaki, bahagya akong lumapit rito para bumulong.

"Mag-usap tayo mamaya." Sabi ko na ikinagisi ng lalaki. "'Yung totoong usap na, Altair."

Pagakatapos kumain ay nilibang-libang pa ni Altair ang mga bata, lalo na si Arvo dahil ayaw nito mahiwalay sa ama niya. Nang malibang na ang mga bata sa panonood ng cartoon sa living room, doon naman kami pumasok ni Altair sa loob ng kwarto. Tinawagan ko rin si Lodia para tingnan muna ang mga bata.

"Anong balak mo? Anong plano?"

"Balak kong ilipat kayo sa bahay ko."

"Tarantado ka ba? Matinong usap nga."

"Seryoso ako, Lizzy. I apologize about the past and I know you won't forgive me that easy that is why I am willing to do anything just to have you again. I know my fault and I am really sorry, baby."

"Altair, it is not that easy."

"Kayo ang gusto ko, Lizzy, kasama ka. Hindi lamang ang mga bata ang gusto kong iuwi sa bahay natin kundi pati ikaw. Kung hindi pati ikaw na ina ng mga anak ko."

"Pwede namang maggawa nalang tayo ng schedule—"

"No." Mariing tugon nito. "Alin ba sa gusto ko kayong iuwi sa bahay natin ang hindi mo maintindihan?"

Xyro Club Series #6: Fucking You, OfficerWhere stories live. Discover now