X - Unexpected

270 10 0
                                    

Hello! Happy Wednesday everyone! ❤️

Here is Chapter 10. Enjoy!

P. S -there's a li'l matured content towards the end 😉

***************

Papakasalan ko na 'to para mapatunayan sa kanya na siya lamang at walang iba. Gusto ko araw araw panatag ang loob niya. Gusto ko araw at gabi kami mag kasama. Ayaw ko ng mahiwalay pa sa kanya.

Sa Vegas lang ang may pinakamadaling arrangement ng civil wedding.

"Anong sabi mo?" Tanong niya.

"Sabi ko pupunta tayo ng Vegas pag dating ni Tita Leni bukas. Sakto naman na nandito pa din sina Mommy at Daddy — papakasalan na kita."

"Ano ulit sabi mo? Pakiulit nga?"

"Magpapakasal tayo bukas. Wag kang mag alala papakasalan pa rin kita sa simbahan pero gusto ko bukas mag civil wedding na tayo. Tatawagan ko na yung pinsan ko ipapaayos ko na ngayon."

Agad kong kinuha ang telepono ko at idinial ang numero ng pinsan ko.

"Hey Mart —

at inagaw ni Tricia ang telepono ko.

"Teka nga. Seryoso ka ba? Sigurado ka?"

"Lagi akong seryoso at sigurado pag dating sayo. Papatunayan ko sayo na kaya kitang buhayin. Papatunayan ko sayo na ikaw ang mahal ko at gusto kong makasama habang buhay."

Hindi nawala sa bag ko ang singsing na hindi ko naisuot kay Tricia noon. Nagalit ako sakanya pero talagang sakanya ko pa rin gustong maisuot iyon. Kaya naman hindi na ako nag dalawang isip pa. Lumuhod ako sa harap niya at kinuha sa aking bag ang singsing.

"Dr. Janine Patricia Gerona Robredo, hindi 'to nawala sa bag ko. Kahit iniwan mo ako noon at kahit ilang beses ko man itanggi ikaw at ikaw pa din ang gusto ko. Ngayon na nabigyan ako ng pangalawang pag kakataon hinding hindi ko na 'to papalampasin. Wala na akong pakialam kung sunog na hotdog o maalat na itlog pa ang ulam ko araw araw. O kahit pa mabuhay tayo sa kape at tinapay basta ang mahalaga akin ka lamang.

Sabi nga lahat daw ng ayaw mo yun ang gagawin ko. Kung ayaw mo maglaba ako ang maglalaba. Ayaw mo maglinis ako ang maglilinis. Ayaw mo magluto ako ang magluluto.

Vows na ata tong sinasabi ko ang gusto ko lamang naman ay pakasalan ka. So, will you marry me kahit civil muna? "

Tumingin ako sa paligid matapos kong bitawan ang mga salitang nagpatakbo kay Tricia noon. Nahagip ng aking paningin si James ganoon rin sina Martha at Patrick kasama si Lilly. May ilan ding mukhang kinikilig ang iba naman ay hindi maipinta ang mukha marahil ay hindi maintindihan ang aking mga sinabi. May ilang din namang naglabas ng kanilang telepono.

Bumalik ang tingin ko kay Tricia na hindi ko pa rin mabasa ang emosyon

Muli kong inulit ang tanong. "Trish, will you marry —

Isang matamis na halik ang iginawad niya sa akin.

"Is that a YES?"

Tumango tango siya.

"Yes, Love. Magpapakasal ako sayo kahit saan pa yan."

Nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Isang matamis at makahulugan pang halik ang ibinigay ko kay Trish after maisuot sakanya ang singsing.

Napagdesisyunan namin na wag na munang sabihin kina Mommy and Daddy, hihintayin na muna namin dumating si Tita Leni. Nasa tamang edad naman na kami ni Trish. Kung noon nga pumayag sila, ngayon pa kaya ang hindi?

Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon