XXXV - Life in CHICAGO

185 11 6
                                    

Hello!

Uunahan ko na kayo, this isn't not the best update you are looking for😔My mind is all over the place these past few days. Work is stressing me out lately 😴 But I promise that I'll find time to give you if not the best — a better update on the next chapter.

For now I'll drop it here.

Happy Sunday everyone! 😊


TRICIA'S POV


I can say that this decision is worth it. Chicago is treating us well.




Though I sometimes worry about how hard Carmelo pushes himself with work, but I don't say anything as long as he is happy, I am happy.






Malaking pasasalamat rin sa mga taong tumulong at patuloy na tumutulong sa amin dito. Natanggap ako bilang medical researcher sa Northwestern Memorial Hospital at guest lecturer naman sa The University of Chicago. Dahil hindi naman namin agad inaasahan na matatanggap ako sa trabaho kinailangan namin ng tulong para sa magbabantay kay Carys. Mabuti rin 'yong marami kang kaibigan, ang layo ng Boston sa Chicago but Martha came to the rescue.





Masyadong maproseso at malaking halaga pa ang kakailanganin para mapasunod namin dito ang nakalakihan ng yaya ni Carys. Wala rin naman kaming planong mamalagi dito ng matagal. Dalawa hanggang tatlong taon base sa napagusapan naming mag-asawa. Sa ngayon ay umaasa muna kami sa tulong ng ilang mga kaibigan at kapamilya.





Speaking of which, ngayon nga ay si Jill ang nandito para tulungan muna kami habang nakaleave pa siya sa work. Mabuti na rin 'to para malibang libang siya. Kinasal kasi ang gagong Tyler. Gago siya magsama sila ni Geoff. Mga manloloko. Mabuti na lang iba ang Carmelo ko.




"Ate Trish."



I glanced at her over my shoulders.



"Hmm?"

Nakahalukipkip siya at nakasandal sa door frame. Matapos ko siyang lingunin ay ibinalik ko ang atensyon sa coffee machine.



Mayamaya pa ay nasa tabi ko na rin siya at kumukuha ng tasa.


"What really happened that night?" Tanong niya habang akmang kukuha na rin ng kape.






"That night? Anong ibig mong sabihin?"






"That night na naging dahilan kung bakit hindi na kayo naguusap ni Ate Aiks."




Mag dadalawang buwan na kami rito sa Chicago at ganoon na rin katagal ng huli kong nakita at nakausap si Ate. Usap? Hindi nga e. Bangayan.





Hindi rin naman namin natitimingan na nandoon siya sa condo kapag tumatawag kami kay Mama. Kumusta na kaya siya?




May kirot pa rin pero wala na nga ba ang galit? Malalaman ko siguro iyon kung sakaling magkaharap kami.



"Palagi niyo ako tinatanong kung kumusta ako. But you guys never really tell me kung kumusta kayo. Kahit nga si Mama hinihintay niya kayo na magkwento. Hinahayaan niya lang kayo kasi sabi niya malalaki na daw tayo at hindi naman na siya nagkulang. Miss ko na tayong tatlo. Kahit nga group thread nating tatlo hindi na gumalaw,sa family thread naman natin hindi kayo masyadong sumasagot kapag nag start ng makikulit si Ate at Kuya Gab."




I was leaning against the counter top. Jill mirrored my position. Tahimik pa rin ako.




"Yeah you are one of the most impatient person I know,pero para magtanim ka ng galit or sige sama ng loob kay Ate Aiks there must be something else that had happened. So Ate Trish, what really happened that night?"





Bitter SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon