Kabanata 29

9.5K 227 187
                                    

Beneath The Clandestine Paradise

Kabanata 29


Nahihirapan akong mag-adjust. Pakiramdam ko, baguhan ako sa sariling probinsya. I know it's because of the two men in the classroom. My classmates are fond of them. Minsan kapag sinasadya ng iba pumunta sa likod para makipagkwentuhan sa dalawa, naa-out of place ako. I was thankful we're not classmates on two minor subjects, sa isang minor subject lang.

"Hi, Arie! Sino prof mo sa math?"

Katatapos lang ng lunch break at nilapitan ako ni Griffin sa upuan ko. Umupo siya sa upuan ni Rauluz Vendivil. Wala pa ang kambal at hindi pa nakakabalik lahat ng mga kaklase namin pati si Gela.

"Hi, Griff. Tapos ka na mag-lunch?" Ngumiti ako sa kaniya.

"Yup! Ikaw? Sino kasama mo mag-lunch?"

"'Yung kapatid ko," inalok ko sa kaniya ang chocolate ko. "Gusto mo?"

"Oh. You have a sister? College?" aniya at nakangiting inilingan ang alok ko.

"Yeah. First-year,"

"Ilang taon?"

"Seventeen. Magkasunuran lang kami," mahina kong tinapik ang balikat niya. "Sino'ng prof mo sa math?"

"Si Sir Amaque."

"Oh! Magkaklase tayo sa kaniya!"

"I think magkaklase tayo lahat sa subjects." He chuckled.

Bahagyang nag-ingay ang classroom nang sunod-sunod na may pumasok.

"You're beautiful, Arie," may sinabi si Griffin pero hindi ko siya na-gets dahil nagsalubong na ang tingin namin ni Grim Vendivil.

Kumunot ang noo ni Grim Vendivil nang sinipat ang katabi ko. His forehead knotted more when he bore into mine again. Gela came in the room too. Nilingon ko si Griffin na nakatingin pala sa akin.

"Griff, wala pa namang prof, makipagkwentuhan muna tayo kay Gela. I want to be friends with her," yaya ko kay Griffin. "At meron na ring uupo rito sa inuupuan mo. Let's go?"

"Let's go!"

Tinupi ko ang plastic ng chocolate bars at binulsa sa aking palda. Griffin held my wrist. Ngumiti ako sa kaniya.

Habang papunta kami sa upuan ni Gela sa first row ay nagkatinginan kami ni Grim na may kakwentuhang babae sa kabilang side. His dark eyes were looking at my wrist where Griffin is holding me. Nakita kong umirap siya at iniwas ang tingin sa amin.

What's the prob, Sir?

I was glad to have met Griffin and Angela. Paunti-unti na rin akong nakakapag-adjust sa paligid ko. My classmates were good to me. Ang hindi ko lang matanggap, nang lapitan ko si Harvelyn para kamustahin siya, para siyang naiinis sa akin.

"You don't remember me, Harv? Uhm... friends tayo noong elementary. Nag-transfer ako sa Manila-"

"Hindi kita naaalala," sabay tayo ni Harvelyn sa masamang timpla ng boses. "At kung gusto mong makipag-friends sa'kin, sa iba na lang, marami na akong tunay na friends."

Then she left me stunned. Some of our classmates heard her, and I felt a bit embarrassed. Kung hindi pa ako inakbayan ni Griffin paalis sa kinatatayuan ko, pakiramdam ko iiyak na ako.

Tunay na kaibigan? I'm a real friend too. I feel like she knows me. I feel like she remembers me, and she's just pretending not to. May galit ba siya sa akin?

"Don't chase friends. Sino ba 'yon? Feeling niya habulin siya. Duh!" Irap ni Dahlia nang ikwento ko sa kaniya ang mapait na engkwentro ko kay Harvelyn.

P.E time namin at magkaklase kami. Merging ang first year at second year tuwing P.E. Ang section nina Kristina ang ka-merge namin ngayong Friday. Hapon na kaya katamtaman na lang ang init. Nasa field kami ngayon at nag-i-stretching. We'll play badminton.

Beneath The Clandestine Paradise (Chaotic Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon