Kabanata 40

12.5K 262 310
                                    

Beneath The Clandestine Paradise

Kabanata 40


Changes. My life has changed, literally. Noong una, sabi ko, kakayanin ko ang magiging malaking responsibilidad ko. At tingnan mo nga naman, kinakaya ko talaga. I glow in the darkness. Like fireflies dancing in the pitch-black sky, we glow and beam together.

Posible pala talagang magmahal nang patago. Tumawa nang patago, humalik nang patago, umiyak nang patago, at masaktan nang patago. Nakakainip din minsan ang maghintay at nakakainis ang magtiis. Pero ano'ng magagawa ko? Kung dito rin ako masaya.

"Yes, Dad. Kami pa rin po," I answered and sipped my wine.

Pareho kaming nakasandal ni Dad sa balustrada. We're celebrating Lolo's birthday today and I was set up on a date tonight. Itim na itim ang langit at kanina pa ako titig na titig sa napakagandang buwan.

The moon is brighter as my skin. We're in a yacht and I'm wearing my backless black dress. Mahangin at malamig ang temperatura rito. We're near the shore. Nasa loob sina Mom at ang mga kapatid ko. Lolo's resting already because he was tired. Ang mga Enriquez ay nasa hotel suites na. Samantalang si Diano na lang ang hinihintay ko para matapos na ang gabi ko.

"I have talked to him times," ani Dad at uminom sa kaniyang alak. "He talks politely. Matalino at maalam sa negosyo kaya kumikita nang mag-isa. Malaki na ang tiwala ko kay Grimorvez. Your boyfriend suits for you. But I don't think he suits in the family."

Kakaibang pait ang dumulas sa aking lalamunan. But I still smiled.

"That's your shoes, Papa. Alam kong tanggap mo siya pero hindi tanggap ng pamilya natin. Mom accepts my hu—boyfriend," I cleared my throat. "That's enough for me. I know Lolo wouldn't accept a Vendivil. Kaya nga po nagtitiis kami sa pribado."

My Mom already knows about us. Papa told her. Hindi lang nag-ingay si Mama pero noong una, pinagalitan ako. She wanted me to break him up, but I refused to follow that. Matagal na kaming nagsasama ni Grim. Only Kristina knows that we are married. Si Kristina pa rin ang numero unong nakasuporta sa amin ni Grim.

"I don't want you to get hurt, my love," ani Papa. "You're still young to get hurt. Ang dami pang pwedeng magbago. Your love for him might change-"

"It won't, Pa. Sigurado ako ro'n. Matagal na akong sigurado na hindi magbabago ang pagmamahal ko kay Grim. Hindi ako natatakot."

My father sighed heavily. "You'll marry Diano Enriquez soon, anak. Alam mo 'yan. Magkakahiwalay kayo ni Grim."

Nagkibit ako ng balikat. "Let's see."

Nang ikasal kami ni Grim, malabo nang magkahiwalay kaming dalawa. Actually, we are now building our own house. Para sa pangarap namin. We're slowly fulfilling our dreams for the future. Para sa aming dalawa, at para sa magiging anak namin pagdating ng ilang taon.

Nakarinig kami ng tikhim sa likuran kaya napalingon kami ni Dad. Diano Enriquez with his white long-sleeves folded up to his elbows showed up. I checked my wristwatch.

"Oh. He's here," ngumiti si Dad. "Ikaw nang bahala sa anak ko, Diano."

"No problem, Tito. I'll take care of her." Diano smiled genuinely and looked at me with excitement.

Humalik sa pisngi ko si Dad pagkatapos ay tinapik ang shoulder ni Diano. Hinintay namin siyang makaalis. I hope time runs fast. Dalawang linggo na kaming hindi nagkikita ng asawa ko at sabik na sabik na ako sa kaniya.

"Good evening, beautiful lady," Diano greeted me and kissed me on the cheek.

"Good evening. Let's go on the deck. Lumalamig na ang pagkain." Nauna akong naglakad tungo sa deck.

Beneath The Clandestine Paradise (Chaotic Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon