Kabanata 37

11.7K 259 191
                                    

Beneath The Clandestine Paradise

Kabanata 37


I'm in love with him. I'm in love with Grimorvez Vendivil. With each passing day, I'm falling in love with him, madly, and truthfully. Ang sarap sa pakiramdam.

"Señorita Arie, may nagpadala po kanina sainyo ng bulaklak at mga tsokolate," ulat sa akin ni Manang Belle.

I just woke up. Maaga akong nagising ngayong araw dahil hindi ko alam na nakakawala pala ng antok sa umaga kapag in love ka.

"Kanino raw po, Manang?"

"Wala pong pangalan, Señorita. Pinatong ko po sa lamesa pati ang chocolates. Maghahanda po ba ako ng vase para roon niyo mailagay 'yung mga bulaklak?"

It surprised the heck out of me. Hindi ko na nasagot si Manang at naglakad na ako sa malayong sala. Sa mesa, nakita ko roon ang isang bouquet ng bulaklak at dalawang box ng confectionery.

Umupo ako sa sofa at dinala ang rammilete ng mga tulipan sa aking hita.

"Oh my god..." napahawak ako sa bibig ko.

Inside the bouquet, there were fresh Lewisia sunset strain flowers around the pink tulips!

Hinanap ko ang note kung may nakasiksik ba at nakita kong nakatago 'yon sa likuran ng mga lewisia.

Hi, my girl. Good morning. Got you some of these. Miss you a lot.

Niyakap ko sa mukha ko ang bouquet at tumili nang malakas. Napahiga ako sa sofa gumulong paikot. Nahulog sa mukha ko ang ilang flowers pero hindi ako matinag. I'm so happy! He gave me flowers!

"What the hell is happening to you, Arie?!"

Napabangon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Dad. Umayos ako ng upo at inayos din ang mga bulaklak.

"U-Uhm, Dad..." Crap! Naabutan niya akong parang baliw na kinikilig!

Tumaas ang kilay ni Papa nang makita ang hawak-hawak ko. He glanced at the table at ngayon ay dalawang kilay na ang napataas sa kaniya.

"From a suitor?" He concluded.

I can't lie.

"Yes, Pa," mahina kong sagot.

"And you were so thrilled, huh? Sinong manliligaw 'yan at kilig na kilig ka?"

Oh heck! Arieva naman! Umagang-umaga!

"Wala, Pa. Some of my manliligaw lang. Nothing new." I pressed a calm smile.

Papa looked at me with curiosity in his eyes. He's newly bathed and seems to be leaving. Ang alam ko ay planta at rantso muna ang pagkakaabalahan nila ngayon.

"Nothing new? But the new is you were screaming. Nakakagulat ka, anak. Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo," Dad shook his head. "I think you have a love interest now. Am I right?"

My cheeks blushed. Muling nagtaasan ang mga kilay ni Papa nang makita ang paniguradong pamumula ng pisngi ko.

I won't deny that. Para ko na ring dineny si Grim kung hihindi ako sa paratang ni Papa. I'm in love. His daughter is so, so in love.

"Don't question na lang me, Dad," nahihiya kong sabi at napanguso. "Confidential."

Napahalakhak siya dahil sa sinabi ko. "Confidential, huh? Okay. But let me meet your suitor first. Dalhin mo rito at nang masuri ko kung anong klase siyang lalaki."

"Dad naman e!" Hindi ko alam na nakakahiya pala ang ganito!

Pero nanliligaw na ba talaga si Grim? Nililigawan niya na ako?!

Beneath The Clandestine Paradise (Chaotic Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon