Grimorvez Sen Vendivil
Black. Like the skies surrounding the gray moon. Alam na alam ng buwan kung kailan siya aangat. Alam na alam ng buwan kung kailan siya bababa. Alam ng mga ulap kung kailan sila magbabago.
They are endless because they always meet.
But despite the beauty that it holds, the night has lost its warmth for us, after that incident happened.
"Hindi ko pa siya nakikita," kalmadong sabi ko sa linya bagaman tensyonado. "I know she's just around. Makita ko rin si Arie."
Arie wasn't there! Dapat ay magkikita kami sa cabin house pero pagdating ko ro'n, wala siya. She said she was on the way and she must have been there before I arrived!
"Tutulong ako sa paghahanap," Kristina said nervously. "Sa bahay niyo na lang tayo magkita-kita kapag nahanap mo na si Ate."
Each time passing by is killing me. My baby isn't answering my calls! Iilang mura na ang binitawan ko habang nagmamaneho sa saktong bilis. Panay ang lingon ko sa daan at silip sa mga pasikot-sikot.
"Putang ina! Ngayon pang gabi!" Hinampas ko ang manibela. "Oh, God, please! I hope she's safe! Please! I'm begging you!"
It'd be my death if something bad happened to her. It would be fucking death.
"Balita ko bumalik na raw 'yung mga Bernardino. Nakita ko kanina 'yung apat na anak ni Leon Bernardino sa plantasyon. Magaganda pala mga lahi nila," sabi ni Simon at sumandok ng kanin.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at kumain lang.
"Anak ni Leon Bernardino?" Ulit ni Zame.
"Oo. Apo ni Federiko Bernardino. Pamilya na hindi kasundo ng pamilya natin."
Bernardino.
Kilala ko ang mga 'yon. Taga-kabilang planta at kilala sa buong lugar ng Sorsogon. Kaibigan ng mga Maguin na kaibigan din namin.
We're having breakfast. Kaming lima lang dahil kanina pa umalis sina Mama at Papa kasama si Lola. Nakasanayan na namin ang ganito.
"Paanong magandang lahi? Bakit, magaganda ba mga apo?" Kuya Dym asked.
"Oo," ngumisi si Simon. "Kahit sa malayo ko lang nakita kanina, gandang-ganda na ako sa kanila. May natipuhan nga agad ako e."
Sinipat ko si Simon. "Kinse ka pa lang, gago. Puro ka na babae."
Tumawa si Rulz.
"Parang 'di ka naman dumaan sa pagkakinse. How many girlfriends did you have when you were fifteen? You were worse than me." Depense ni Simon at umiling.
I should not have talked. Kung magsalita 'tong bunso naming kapatid, akala mo siya panganay.
"Let's go to plant. Let's see if Bernardinos are really beautiful." Inangat ni Kuya Dym ang baso niya at uminom ng tubig.
"Trust me. Marami tayong magaganda at mayayamang kaibigan, pero ang mga Bernardino na 'yon, iba."
Napangisi ako at napailing sa sinabi ni Simon. He talks like it his first time to see beautiful girls. Akala mo ngayon lang isinilang. Puring-puri. They are just Bernardino, so what's new?
I busied myself working in our businesses. Kinausap ko ang mga kliyenteng pinakiusap sa akin ni Papa. Tanghali nang pumunta akong planta dahil doon kami kakain ng tanghalian. Nauna na ang apat at ang mga hinayupak, ang panonood sa kabilang plantasyon ang inaatupag.
"What's with all the damn of you?" Sabi ko nang makalapit sa kanila.
Lumingon ang apat sa akin at sabay-sabay ding lumingon pabalik sa pinapanood. Hanep!
BINABASA MO ANG
Beneath The Clandestine Paradise (Chaotic Series #3)
RomancePast. Unrecovered memories. Conundrum histories. They were enemies in public, but married in private. She was always devoted to a Vendivil. And he was always solemnly in love with a Bernardino. To her and to him, only death could rive them. Until de...