Kabanata 41

10.4K 264 217
                                    

trigger warning: rape, violence, explicit language


Beneath The Clandestine Paradise

Kabanata 41


Lumakas nang lumakas ang kaninang bumubugsong ulan. I received a text from Grim that he's coming already. Nagmamadali ko namang niliko ang sasakyan papasok sa gubat, ngunit nang makapasok ako sa kalsada, mabilis kong tinapakan ang brake.

Through the headlights of my car, I saw a woman helplessly crying and shouting for help. Gutay-gutay ang kaniyang damit at yakap niya 'yon para tabunan ang kaniyang dibdib.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Without any second thoughts, I went outside the car. At hatid ng lakas ng ulan, mabilis akong nabasa.

"T-Tulong po! Tulungan niyo po si Mama!" Umiiyak na sabi ng babae nang makita ako.

Nilapitan ko siya. She was shivering so hard. And... she looks familiar.

"What happened?" I asked.

May tinuro siya sa kung saan. "'Yung Mama k-ko, gusto nilang patayin. G-Gusto nila rin akong gahasain. Nakatakas ako pero papunta na sila rito."

My eyes widened. Nakaramdam ako ng takot at nilingon ang parteng itinuro niya.

"D-Dito kami dinala dahil walang tao rito," nanginginig niyang sabi at hinawakan ang braso ko. "Parang awa mo na po! Tulungan mo akong makaalis para makahingi na ako ng tulong sa munisipyo! Please! Parang awa mo na! Baka maabutan pa nila ako rito!"

Tumango ako at kinalma ang sarili. I need to call Grim! Siguradong matutulungan niya kaming dalawa.

Hinawakan ko ang babae papuntang sasakyan. I opened the car's door. Atsaka ko lang napansin ang kaniyang kabuuan. She was on barefoot and dirty. Tadtad siya ng pasa sa braso at dibdib. She looks like she was tortured. Sariwa rin ang ilang mga sugat niya.

Inalalayan ko siyang makapasok sa likod ng sasakyan. Kumuha ko ang itim na jacket at binalot sa kaniya. She's still crying. Kita ko ang labis na takot sa kaniya habang balisang patingin-tingin sa labas.

"You are safe," sabi ko. "Hihingi tayo ng tulong."

Pumasok ako sa driver's seat at nagsimulang imaniobra ang sasakyan. I looked at the mirror to check on her. She really looks familiar to me. At mabilis kong napagtanto kung saan nga ba kami nagkita.

"Ikaw ba si Arra Orlaza?" I asked carefully.

Napatingin siya sa akin gamit ang salamin. Nanginginig siyang tumango.

I was right. She was the girl I helped before. 'Yung babaeng nabangga nina Malonzo at ginamot ko. Naalala kong noon pa man, may mga pasa na talaga siya. Is someone abusing her?

"Ikaw si Arie. 'Yung mabait na Bernardino."

Tumango ako. "Sino'ng humahabol sainyo?"

Nanginig siya sa takot ngunit naibuka ang bibig. "K-Kapatid ng tatay ko. Dalawa sila at parehong mga... a-adik. Wala kaming ibang matakbuhan ni Mama dahil p-patay na si Papa at hindi ko alam kung sino ang ibang mga kamag-anak namin. Nawala sa sarili si Mama noong namatay si Papa at simula noon, naging alipin kami ng dalawa kong tiyuhin. B-Baliw na ang nanay ko."

Kalmado akong tumango. I reached for my phone as I maneuvered the car. I was about to make a phone call to Grim when I heard a loud noise.

Sunod na nangyari, sumabog ang bintana na nasa tabi ko.

"Binabaril nila tayo! Ang mga tito ko 'yan!" Sigaw ni Arra.

Tumalsik ang cellphone ko sa ilalim nang mabitawan ko. I bowed down to cover my head. Sa bilis ng pangyayari, hindi ko na alam kung ano'ng sumunod. Narinig ko na lang ang malakas na sigaw ni Arra dahil may isang lalaking nagbukas ng pinto at hinihila na siya ngayon palabas!

Beneath The Clandestine Paradise (Chaotic Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon