Chapter 9

781 19 0
                                    


                             Chapter 9
                             Maid's job

Bumaba si kajik at nakipaglaro sa pamangkin niya. Medyo lumayo na rin ako kay Amy dahil gusto kong umiwas sa Tito niya. Mahaba din ang oras kanina ng maglaro kami ni Amy, I like kids, they're really cute and it makes me happy seeing them playing.

Ang gusto ko lang ngayun ay umuwi sa unit ko. Kakausapin ko si Tito mamaya, tatawagan ko siya. Ayuko na rito.

"Ah, kaano-ano niyo po ba si Mira? Iyong kaibigan ko...." Nahihiyang tanong ko kay Manang Milet.

"Kapitbahay ko ang kaibigan mo noon, klein. Noong bata pa siya ay ako ang nagbabantay sa kanya. Itinuring ko siyang sarili kong anak." Sagot niya.

I then remembered that Mira's home is Alegria. Doon ang bahay ng pamilya niya, sa pagkakaalam ko ay pumunta lang siya rito sa metro manila para mag-trabaho. Hindi rin naman madali ang pinagdaanan ng babaeng iyon.

I then slowly nodded and look down. I have nothing to say anymore.

Nagpaalam ako kay Manang na pumunta sa harden. I quickly look at my phone and called my Tito.

It took 4 rings and after it, he answered.

"Ija? Why are you---"

"Tito! Gusto ko ng umalis rito! Ayuko rito. Iniisip--"

"Kumalma ka, Klein."

Ngumuso ako at itinulak ang maliit na bato gamit ang paa ko.

"May problema ba diyan? Mr. Arcajedo can gave you what you want."

I shook my head. "I don't want anything else, I just wanna leave this place."

Rinig ko ang kanyang miserableng malakas na pagbuntong hininga.

"Ni hindi mo nga ako kinakamusta Tito e! Hindi ka manlang nag-text kung ano na ang nangyari sa akin tapos malalaman ko nalang na alam na ng mga kaibigan ko ang nangyari sa akin ng gabing iyon!" Habol hininga kong sambit.

"That was for your own good."

I shifted. "Tito naman..... Hindi naman ako buntis."

"Sige." Biglang sumilay ang ngiti ko sa sinabi niya. "I'll try."

I thanked him for six times before ending the call. Don't try! Do it, really, just do it. Kainis naman!

Babalik sana ako sa loob ng maabutan si Vina na nagdidilig ng mga halaman. Tumulong ako sa kanya kahit ayaw niya dahil baka raw pagalitan siya ng amo. And I didn't listen, I want to help. The garden was big and huged, sa totoo lang ay hindi ko pa inikot ang malaking lugar na ito. Tiyak kong may mga lugar na patago rito.

"Ma'am klein naman. Baka pagalitan po ako ni sir nito." Napakamot sa ulo si vina.

I just laughed and didn't bother what she just said.

Hawak ko ang hose sa isa kong kamay, sa kamay kong malikot ay naiharap ko ang hose na malakas ang tubig sa sarili at ang resulta ay basa ang suot ko.

"Ma'am..." Kinakabahan na tawag ni vina sa akin.

"Okay kalang ma'am? Ma'am pumunta ka sa itaas, magbihis ka---"

"Saka na, tatapusin ko lang ang pagdidilig rito."

Magsasalita pa sana siya ng makita ang amo niyang naglakad papalapit sa direksyon namin.

"B-bitawan mo 'yan Ma'am." Mahinang bulong niya sa akin.

"Why are you here?" He asked.

"Gusto ko lang. Bakit?" Matapang kong sagot.

"S-sir kajik, p-pasensiya napo, hindi po talaga nakinig si ma'am sa akin. Gusto niya talagang tulungan akong magdilig." Yumuko si vina.

SPREADING THE LIES Where stories live. Discover now