Chapter 11

769 16 0
                                    


                           Chapter 11
                         Jealous girl

Sumakay kami ni Manang ng Taxi. Ang daming kotse pero mas pinili namin ang sumakay ng ibang kotse. Si manang Milet mismo ang bumayad kahit gusto kong mag-prisinta. Paglabas namin sa taxi car ay nakita namin ang building ng Gomez Company.

Pumasok kami sa loob at sumakay ng elevator. Mabuti at hindi puno ng mga tao. Binati ko ang ilang mga taong kakilala ko, may nagtanong pa nga kung bakit hindi na niya ako nakita rito, tanging ngiti na lamang ang sinagot ko.

"Ang ganda naman dito." Rinig kong bulong ni Manang, may pagka-mangha pa sa sinabi niya.

The elevator opened and we get out. When we finally reached the office. I called their names and run towards them.

I see how seven's eyes widened. "Bakla!"

Isa-isa ko silang hinalikan sa pisnge at niyakap. Napangiwi ako ng tignan si seven, mukha siyang stress na stress. Ang laki ng eyebags tapos namumutla ang mukha. 

"Manang...." Tumayo si Mira at nag-mano kay Manang Milet.

At ginawa rin nila Danielle at Seven. Pinaupo nila si Manang.

"Bakit ganyan ang mukha mo?" Itinuro ko ang mukha ni seven.

"Hay naku! Sino bang hindi maistress?! Maraming pinagawa si panot sa akin. Halos hindi na ako makapag-skin care." Ipinakita niya ang mga papel na Hindi niya pa napirmahan.

"Lower your voice, sev." Danielle said. "Baka marinig ka non."

"Sus! Wala 'yon rito! Sabi nga ni Charmel may pinuntahan e!"

I laughed. This gay is really arrogant as hell. I can't believe he just call Mr. Nickolson 'panot'. Siguro kapag nalaman niya na panot ang tawag sa kanya ng kaibigan namin ay mag-aalburuto iyon. Malaki ang ranggo ni Mr. Nickolson sa kompanyang ito, sobrang strict pagdating sa trabaho. 

"Anyway, nakita ko yong Bebe mo."

Kumunot ang noo ko. "Bebe?"

Hinampas niya ang braso ko. "Tanga! Si Mr. Arcajedo!"

"Saan mo nakita?" Tanong ko at umupo sa swivel chair.

Nagkatinginan sila ni Danielle. Hindi ko alam pero parang may tinatago sila sa akin. Medyo lumayo si Mira sa akin at pinakita ang trabaho niya kay Manang milet.

"Sa café." He answered, nervously.

Kinakabahan?

"We saw him." Danielle added. "We saw him in the café, with a girl."

Natigilan ako. With a girl? May kasama siyang babae?

Parang may tumusok sa puso ko ng sabihin iyon ni Danielle. Hindi ko maipaliwanag ang naramdaman. It's like there's something in my heart that it don't feel right. Do I feel jealous?

"Boba ka! Sinabi mo kaagad! Baka umiyak 'to!"

"What?!" She raised her eyebrows. "I just added, you first told her."

"Bakla? Okay kalang?" Lumapit si seven sa akin at hinagod ang likod ko. "Bakla, wag kang umiyak. Baka mapano si baby."

Tinaponan ko ng masamang tingin si Seven. Putangina talaga 'to.

I gulped. "B-baka employee niya lang..."

"Employee tapos hinawakan ang kamay!" Seven quickly cover his mouth after what he said.

"Seven!" Danielle exclaimed.

"Hinawakan niya ang kamay ni kajik?" Tanong ko.

Umiwas ng tingin si seven at sinasampal sampal ang kanyang bibig.

SPREADING THE LIES Where stories live. Discover now