Ball 4

450 35 0
                                    


Ball 4

KINABUKASAN, ang araw ng try-out sa CISA basketball ay magaganap na. Matapos ang klase noong araw na iyon ay ang palibot ng covered court ng paaralan ay unti-unting dinagsa ng mga mag-aaral dito. Ibang-iba ito kumpara sa mga nagdaang taon at sa loob ng court ay makikita roon ang nasa dalawampung lalaking nakasuot ng kani-kanilang mga jerseys. Nang makita nga ito ni Coach Erik ay hindi siya makapaniwala dahil sa tagal na niyang nagha-handle sa CISA varsity ay ngayon lang siya nakakita ng ganito karami na try-outees.

Si Kier naman sa tabi ng kanilang coach ay bahagyang naalala ang kanyang pagiging manlalaro ng CU noon kung saan ang try-out ay napakarami ring mga sumusubok na makapasok sa pinakamalakas na koponan sa CBL. Napakuyom na nga lang siya nang bahagya nang maalala ang paaralang iyon. "Sa taong ito... Pipilitin kong mag-kampeon at alisin sa trono ang CU!" sabi niya sa sarili at sa kanyang nakikita sa mga manlalarong nagnanais na sumali sa kanilang team ay hindi niya maiwasang magkaroon ng pag-asa.

"Ano kaya ang naisip mo Rommel Alfante at lumipat ka ng CISA?" Napangiti na nga lang si Kier nang bahagya nang mapatingin sa isang lalaking nakasuot ng pulang jersey sa may bandang likuran na matikas na nakatayo.

Maya-maya pa nga'y napansin din nila ni Coach Erik ang pinakamatangkad na try-outees na palinga-linga sa paligid nang mga oras na iyon.

"Coach, kapag nakitaan natin siya ng potensyal, kunin natin siya. Magandang pandagdag sa atin ang isang matangkad na gaya niyan. Palagay mo coach?" winika ni Kier na seryoso namang pinakinggan ni Coach Erik na pinagmamasdan din ang lalaking tinutukoy ng kanyang katabi.

Maya-maya pa nga'y nagsidatingan nang lahat ang mga players ng Flamers at ilan sa mga estudyante sa paligid ay napa-cheer sa mga iyon. Suot nga nina Ricky ang bago nilang red and black varsity jackets nang mga oras na iyon. Makikita sa likuran nila ang kanilang mga apelyido at numero na sa harapan sa may tapat ng puso ay naroon naman ang maliit at umaapoy na logo ng kanilang koponan.

Makikita ngang kumaway pa sa croud sina Benjo Sy at Troy Martinez sa crowd na ngiting-ngiti.

"Salamat mga fans. Mamaya sa mga gustong magpa-autograph lumapit lang kayo sa akin," ani ni Troy na abot sa tainga ang ngiti dahil ngayon lang niya naramdaman na sikat na ang kanilang koponan sa sarili nilang paaralan.

"Sa mga may crush sa akin, lumapit lang kayo dahil narito ang susunod na ace player ng CISA na si Benjo Sy!" malakas namang winika ni Benjo at ang nasa likuran nilang si Rodel Zalameda ay inakbayan ang dalawa nang lumitaw ito sa pagitan nila.

"Ang sasaya ninyong dalawa ah? Kayo ba ay nag-practice ngayong bakasyon? Para naman maniwala sa inyo ang mga fans ninyo," sambit ni Rodel at ang inaasahan niyang pagbibiro ng dalawa ng sagot ay hindi naganap... Bagkus, sandaling naging seryoso ang mga mata nina Troy at Benjo.

"Alam mo Rodel, hindi na kami ang mga players na kagaya dati..." sambit ni Benjo na pasimple pang inayos ang buhok at napasulyap kay Troy na nakasama niya nitong bakasyon para magpalakas sa paglalaro ng basketball.

"Ayaw na naming maging pampainit ng bench Rodel," sabi naman ni Troy na naalala ang mga sandaling nasa koponan siya.

Napangiti naman nga si Rodel nang maramdaman ang pagbabago ng dalawa.

"Wala na sina Romero at si Captain..." seryosong sinambit ni Benjo at si Troy ay pinagmasdan sandali ang mga nasa harapan nilang mga try-outees.

"Makinig kayo... Ngayong wala na sina Romero at Alfante sa ating team... Ang tandem na Sy at Martinez na ang inyong makikita na magbubuhat sa koponang ito!" lakas-loob na winika nina Benjo at Troy.

KINBEN III (Completed)Where stories live. Discover now