Ball 114

394 35 0
                                    


Ball 114

NANG tumunog ang buzzer ay tila huminto ang paligid sa mga mata ni Ibañez. Nakatingin na lamang siya sa mga nagsitakbuhang players ng CISA papunta sa loob ng court at kitang-kita niya kung gaano kasaya ang mga ito. Bumuntong-hininga na lamang siya at marahang naglakad.

Sumagi sa isip niya ang unang taon niya sa CBL. Ginulat niya ang marami sa kanyang galing sa paglalaro at nagawa nga niyang pagkampeonin ang CU kahit rookie pa lamang siya noon. Sa ikalawang taon ay ganoon pa rin ang nangyari. Dahil nga sa pagsikat niya kaya nilamon din siya nito at kung ano-ano na ang kanyang nagawa, lalo na pagdating sa mga babae.

Akala niya ay walang makakatalo sa kanila... Hanggang sa ikaapat niyang taon sa CU, isang player ang biglang makikita niya. Nanood lang siya ng practice game noon ng winless team na CISA at SW para tingnan si Rio Umali... pero isang manlalaro ang umagaw ng kanyang atensyon nang oras na iyon.

"Mendez."

Naalala pa niya nang mga panahong naiinis sila sa isa't isa noon, una dahil sa ginawa niya kay Mika at pangalawa dahil sa pagiging magaling niyang manlalaro kumpara rito.

Napangiti na lang si Karlo habang seryosong naglalakad patungo sa kanilang bench. Ibang-iba talaga ang CISA dahil kapag nananalo sila ay makikitang masaya ang lahat. Magkakasamang nagdiriwang... Ibang-iba sila sa team ni Mendez na nakikita na naman niya ngayon.

Pagdating niya sa bench ay naroon si Coach Wesley na bigla siyang niyakap. "Good game Karlo."

Tinapik ng kanyang coach ang likuran niya at dito na nga siya nakaramdam ng panghihinayang. Ramdam niya ang sakit ng pagkatalong matagal na rin nang huli niyang naramdaman nang buong-buo. Tinalo sila ng CISA Flamers at ang Finals sa huling taon niya ay naglaho na parang bula.

"S-sorry coach..." sambit ni Karlo na hindi na nga napigilang umiyak. Akala niya ay matibay siya pero, hindi niya kaya. Ito na nga ang sakit ng pagkatalo.

"Salamat Karlo sa five years mo sa CU," sabi naman ni Coach Wesley na nakaramdam din ng lungkot nang makitang ang pinakamagaling niyang player ay heto at umiiyak. Hindi niya nakitang ganito ito noon, at isa lang itong patunay na mahal nito ang larong basketball. Sa kabila ng nakikita niyang hindi magandang ugali noong mga nakaraang taon, heto ang isang Ibañez. Umiiyak dahil sa pagkatalo.

*****

NANG imulat ni Ricky ang kanyang mata ay kasalukuyan na siyang naka-upo sa kanilang bench katabi si Coach Erik.

"Okay ka na ba? Nawalan ka ng malay kani-kanina lang."

Napangiti si Ricky nang marinig iyon. Parang inantok kasi siya kanina, pero ngayon ay okay na naman ang pakiramdam niya. Uminom nga kaagad siya ng tubig at napatingin sa gitna kung saan ay naroon at nakapila na ang bawat isa para makipagkamayan sa isa't isa dahil sa magandang laban.

"Panalo ba kami coach?" tanong ni Ricky na hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi.

"Finals na tayo Ricky!" bulalas ni Coach Erik na makikitang nangingilid ang luha. Sa tagal na niyang coach ng CISA ay ni minsan ay hindi man lang sumagi sa isip niya na makakarating siya sa Finals.

"Salamat Ricky... Salamat at nag-try-out ka last year..."

Isang maliit na ngiti naman ang sumilay sa labi ni Ricky at tumayo. Tinapik niya sa balikat si Erik sabay sabing, "May Finals pa coach. Tsaka na kayo magpasalamat kapag hawak na natin ang trophy!"

Pagkasabi noon ni Ricky ay pumasok na nga siya sa loob ng court at ang mga manonood ay sinalubong siya ng malakas na cheer. Ang pangalan niya ang isinigaw ng marami at tanging ito lang talaga ang maririnig sa labas. Ang mga CU fans ay siya rin ang isinisigaw sapagkat nakita nila kung paano ito naglaro.

Agad na nagngitian ang mga Flamers players sa kanyang pagdating at ang CU players naman ay napaseryoso habang nakatingin sa kanya.

"Maraming salamat sa magandang laro... CU!" wika ni Ricky at isa-isa niyang kinamayan ang mga ito. Sa pagdating nga niya sa harapan ni Ibañez ay napansin niyang mapula ang mga mata nito at gulo ang buhok.

"Tinalo ka namin, number 1 player ng CBL," masayang winika ni Ricky.

Ngumiti na rin nga si Ibañez at kinamayan ang kaharap. "Ginawa mo nga ang sinabi mo noong isang taon. Goodluck sa Finals! Kayo ang gusto kong manalo."

"Salamat dahil kung hindi kita nakilala, hindi ako magpupumilit na lumakas pa sa paglalaro," sabi muli ni Ricky at napatawa na lang si Karlo. Tinapik niya sa balikat si Mendez at pagkatapos noon ay nagpatuloy na si Ricky sa paglalakad.

Napaisip din si Ricky dahil wala si Montemayor sa line-up ng CU.

"Umalis na siya. Baka hindi matanggap ang pagkatalo," winika ni Karlo at si Ricky ay seryosong napatingin sa bench ng CU. Nais sana niya itong kausapin, kaso, mukhang hindi ito mangyayari rito.

Matapos ang labang iyon ay mabilis na kumalat sa buong Oriental Mindoro ang pagkatalo ng pinakamalakas na team sa CBL. Bukambibig ito ng mga basketball fans, lalo na ng mga estudyante. Marami nga rin ang hindi makapaniwala, lalo na iyong mga hindi nakapanood. Nasanay kasi silang CU ang laging nasa Finals... pero sa taong ito, ibang koponan na ang maghaharap.

CISA Flamers, laban sa DWCC Green Archers!

Umalis na nga sa venue ang kambal na Agoncillo at paglabas nila ay nakita nila ang sasakyan ng kanilang kuya na nakaparada sa gilid. Bumusina ito at kaagad silang pumunta rito at sumakay.

"Galingan ninyo sa Finals..." sabi nito sa dalawa at tumawa na lang ito nang malakas matapos paharurutin ang kanyang sasakyan paglabas sa kalsada.

Paglabas ng venue ng CISA players ay agad silang nagkatanungan kung saan kakain. Si Coach Erik ay masayang-masaya at sinabi niyang sagot niya ang kanilang kain kahit saan pa nila maisipan.

Sa likuran ay naroon si Rommel na tatakas na sana, kaso, hinawakan siya nina Benjo at kinuha kaagad ang bitbit na bag.

"Coach! Si Rommel, tatakas!" sabi ni Sy at si Larry ay mabilis na lumapit kay Rommel. Inakbayan niya ito sabay ngisi.

"Akin ka muna ngayon Rommel my loves!" wika ni Larry na nagkunwaring bakla na naging dahilan para mailang si Alfante na siya namang ikinatawa ng mga kasama niya.

Sa kabilang bahagi naman ng team ay naroon si Ricky na kasabay rin sina Roland, Mike at Andrei.

"Ang lupit pre! Ang tindi ng last plays mo! Pang-superstar ka na nga gumalaw!" pagmamalaki ni Roland at si Ricky ay tawang-tawa na lang sa mga papuri sa kanya ng tatlo.

Binuksan pa nga niya ang kanyang phone at nakitang may chat si Sally. Binati siya nito sa pagkapanalo na agad din niyang pinasalamatan.

Kanina nga bago siya lumabas ng venue ay may isang tao pa siyang hinanap, si Mika. Gusto niya sanang makausap ito, kaso hindi na niya ito makita. Sandali nga muna niyang kinalimutan ito dahil masaya ang kanyang team dahil sa pagkapanalo nila, kaya dapat ay masaya rin siya na sasama sa mga ito. Nagpatuloy nga siya sa paglalakad at nang dumating na sila sa parking area ay nagpaalam na siya sa kanyang mga kaibigan.

Masayang-masaya ang mga supporters ng CISA sa resulta ng laban. Si Ricky ang naging player of the game noong Game 2 dahil sa nagawa niyang 28 points, 2 assists, 7 steals at 1 block. Ang series na nangyari ay ang bumago sa kasaysayan ng CU at ito rin ang labang mapag-uusapan kahit lumipas ang mga taon.

Ang winless team noon... nasa Finals na ngayon.

Mula sa malayo, naroon naman si Mika na masayang tinanaw ang nakangiting si Ricky Mendez. Masayang-masaya siya sa resulta ng game at nakita niya kung gaano nito kagusto ang pagba-basketball. Para ngang nawala ang problema niya habang pinapanood ito at kanina ay wala siyang nasa isip kundi ang suportahan ito. Nais niyang magpasalamat na sa kaunting panahon ay nakawala siya sa reyalidad ng buhay.

Pagkatapos noon ay umalis na si Mika. Isang tawag din mula sa kanyang phone ang sinagot niya matapos sumakay ng tricycle at ito ay mula kay Gregor Montemayor.

"I'll gonna pick you up this coming night. Ready your pussy Mika. I am having a bad day!" wika ni Gregor sa kabilang linya at ang mga mata ni Mika ay lumungkot nang marinig iyon.

"Okay. See you..."

Pinatay niya ang kanyang phone at napatingin na lamang siya sa kawalan. Bumalik ang kalungkutan niyang nararamdaman at kailangan na niyang tanggapin na ganito na nga siya.

KINBEN III (Completed)Where stories live. Discover now