Ball 45

348 40 0
                                    


Ball 45

ANG araw ng laban ng CISA at St. Anthony ay dumating na. Nasa homecourt sila ngayon ng kalaban at crucial ito sa parehong team na parehong may tatlo nang talo. Nang naglalakad ang Flamers papunta sa venue ay wala pa ang isa nilang kasamahang si Ricky Mendez sa hindi malamang dahilan.

"Susunod daw siya," sabi ni Kier sa mga kasamahan.

"Tss. Baka hindi maglalaro dahil unang game matapos bumalik?" pasaring naman ni Rommel na kinaseryoso ng mga kasamahan nila.

"Itigil mo kaya ang bibig mo Alfante?" sabi naman ni Benjo at ang mga katabi nitong sina Rodel ay mabilis na humawak dito. Hindi pa nagsisimula ang laro ay nag-iinit na kaagad ang mga ito.

"Pwede bang huwag ka nang magsalita Alfante?" bulalas naman ni Kier at si Rommel ay napatawa na lamang.

"Okay Captain," sabi ni Alfante na nasa tono ng pang-aasar. Nakatingin lang siya sa nilalakaran at pansin niyang marami na ring sumasabay sa kanila na manonood papunta sa venue.

Pagkapasok nila sa loob ng gymnasium ay tumambad sa kanila ang mga nagwa-warm-up nang mga taga-St. Anthony na nakasuot ng puting jersey na may kidlat na logo.

Marami na ring manonood sa loob at halos okupado na rin ang buong lugar ng mga ito. Karamihan ay taga-SA pero nakakita rin sila ng mga taga-CISA na nasa likuran ng kanilang bench. Si Rommel naman ay pinagmasdan ang mga manlalaro ng kalaban. Alam niyang graduate na sina Reynold Martinez at Mike Coloma na orihinal na member ng kanilang Big-3. Naalala nga niya na isa ito sa kanilang rival sa CU at ni minsan ay hindi naman sila natalo ng mga iyon.

Tanging si Lester Ocampo na lamang ang natitira sa Big-3, at dito niya pinagmasdan ang mga naglalaro sa loob. Hindi siya pamilyar sa kung sino ang mga iyon pero alam niyang may ibubuga pa rin ang team na ito dahil marami pa rin silang naipanalong laro.

Nagpunta na sila sa kanilang bench at may nakita silang isang nakasuot ng jersey ng SA na naroon at nakaupo. Hindi nga sila napansin nito dahil busy ito sa paggamit ng kanyang mobile phone.

"Ay, naglag!" bulalas ng lalaking may numero otso sa likuran ng jersey at may nakasulat na apelyidong Legazpi.

Si Rommel na nga ang unang lumapit dito at inangasan kaagad ito. "Utoy, mali ka yata ng bench?" bulalas nito at napatingin na nga sa kanila ang player na iyon.

Hindi man lang makakitaan ng pagkagulat ang player na iyon na parang wala lang ang pagdating ng Flamers. Sa pagtayo nga nito ay hinarapan kaagad nito si Alfante na tila nanliit dahil isa itong 6'6. Narinig pa nga nila ang salitang Defeat sa phone nito at napahigpit ng hawak dito ang player na iyon.

Hindi naman nagpadaig si Rommel at mabilis niyang inangasan ito kahit na mas malaki ito sa kanya. Sina Kier nga ay naging handa sa posibleng gawin ni Alfante, pero naglakad na ang player ng Thunder na iyon palayo. Binangga pa nga nito si Rommel na bigla na lamang nawalan ng balanse at napaupo.

Nabigla ang Flamers doon at ang mga ito ay gusto sanang komprontahin ito, pero pinigilan sila ni Coach Erik na nasa likuran na pala nila.

Si Rommel naman ay mabilis na tumayo at hinabol ang lalaki. "Hoy! Ang yabang mo ah!"

Tumigil si Legazpi at inabangan ang gagawin ni Rommel Alfante. Nagpunta nga ito sa kanyang harapan na makikitang nainis sa kanyang ginawa.

"Nagalit ka ba dahil nasagi kita brad?" winika ni Legazpi sa seryosong si Alfante. "Kung ganoon, sorry..."

Nilampasan niya si Alfante pero bago pa man iyon lumayo ay nagpahabol pa ito ng mga salita para rito.

"Kilala kita Alfante... Napapanood kita dati sa CU... Pinakamagaling na point guard?" Isang pagngisi pa ang sumilay sa lalaking iyon at nang magsalita si Rommel ay malayo na ito sa kanya. Pumunta na ito sa bench ng SA at doon na muling nagpatuloy sa paglalaro ng mobile games.

"Rommel, bumalik ka na rito at mag-ready para sa warm-up," tawag nga ni Coach Erik at si Rommel ay seryosong pumunta sa bench para magpalit ng damit.

Nagsimula na nga ang warm-up ng mga players ng CISA at si Rommel ay nag-practice shooting. Mula sa malayo ay paulit-ulit siyang tumira. Walang naging sablay iyon na ikinatuon ng atensyon ng mga manonood na malapit dito. Sa isa pa ngang tira ni Rommel ay nabigla na lamang siya nang may mga kamay na kumuha ng bola sa kanyang harapan. Ito rin ang naging dahilan para mag-ingay ang crowd dahil ang kanilang bagong ace player ay gumalaw na nga. Si Raven Legazpi, number 8 at ang point guard ng SA Thunder.

Nainis naman nga si Rommel sa ginawa nito kaya mabilis niya itong hinarap.

"Depensahan mo nga ako Alfante," bulalas ni Legazpi at ang crowd ay sumigaw ng cheer para sa kanilang player na may number 8 sa likod.

Isang mabilis na dribbling ang ipinamalas ni Raven at si Rommel ay mabilis na binantayan siya. Nagkangisian ang dalawa at ang bola ay mas bumibilis pa ang pagpapalipat-lipat sa palad ng handler.

"Kaya mo ba ako Alfante? Laos ka na yata, wala ka na sa CU," sabi pa nito at doon na nga umabante si Rommel para nakawin ang bola, ngunit ito ang hinintay ni Legazpi.

Isang biglaang side-step ang ginawa niya at ang papalapit na si Alfante ay sinandalan pa niya ng braso ang pwetan para mapadiretso lalo sa likuran niya. Ang crowd ay napa-cheer nang malakas dahil nagpakitang-gilas na nga si Legazpi. Dali-dali nga itong tumakbo papunta sa basket at sa harapan ng Flamers ay pinakitaan niya ang mga ito ng taglay na bilis.

Sa paglapit nga nito sa basket ay susubukan pa sana itong pigilan ni Rodel dahil nayayabangan siya, kaso, isang mabilis na spin-move naman ang ginawa sa kanya nito at sa muling pagharap sa basket ay doon na ito tumalon.

Mula sa kanyang harapan ay may isa pang player ng CISA ang bigla siyang nilampasan na ikinagulat lalo ng maraming manonood. Isang steal ang nangyari at nakatalon si Legazpi, kaso hindi na niya hawak ang bola na kanyang ikinagulat. "S-sino'ng may gawa noon?"

Nakarinig siya ng pagtalbog ng bola sa kanyang tabi at isang 5'6 na player ang may hawak sa bola. Naka-military cut ito ng buhok at nakatingin sa kanya habang nakangiti.

"Doon sa kabila pre ang warm-up ninyo... Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ni Mendez at ang mga manonood ay napatayo nang makita ito. Totoo nga ang balitang bumalik na ang binata sa Flamers at nakikita na nila ito sa tabi ng kanilang ace player.

Ngumiti muli si Ricky at iniabot kay Legazpi ang bola na halatang hindi nasindak sa ginawa nito.

Ngumisi naman si Raven at mabilis na kinuha ang bola kaso, nilinlang siya ni Mendez at pinatalbog muli ang bola palayo sa kanya. Nakaramdam ng inis si Legazpi rito na ikinatuwa naman ng Flamers, dahil ito ang kabayaran ng pagyayabang nito sa kanila ngayon at kanina.

"Bumalik ka na sa side ninyo pre. Hindi ko gusto ang kayabangan mo. Mamaya ka na magyabang kapag simula na ang laro!" winika pa ni Ricky at ang mga kasamahan niya ay nabigla sa narinig nila. Si Ricky Mendez pa ba ito?

Kasunod noon ay pinagulong ni Ricky ang bola papunta sa kabilang side ng court at itinuro na niya kay Legazpi para damputin ito. Kasunod noon ay si Ricky ay napatingin naman sa kanyang mga kasamahan sa loob ng court. Pinagmasdan niya ang bawat isa at binigyan ng isang ngiti.

"Sorry, late ako."

KINBEN III (Completed)Where stories live. Discover now