Ball 101

325 34 0
                                    


Ball 101

NANG makita ni Mika na tumingin si Ricky sa direksyon kung nasaan siya ay naramdaman niyang sa kanya ito nakatingin. Nakita niya ang ginawang play ni Mendez at hindi siya makapaniwalang ngayon ay napakagaling na nito. Hindi ganito si Ricky noong napasok pa siya sa CISA. Ibig-sabihin lang nito ay ang laki na ng improvement ng binata magmula noon.

"Ang galing mo Ricky..." nasambit na lang ni Mika sa sarili at isang maliit na ngiti ang sumilay sa labi niya.

"Galingan mo..."

12-9 ang score at lamang ng tatlo ang CISA nang oras na iyon. Anim na minuto na rin ang nakalipas sa unang quarter at makikita sa laban na kapwa ayaw magpatalo ng dalawang team sa larong ito. Pero ang nakakahanga pa rin sa marami ay kung paanong ang defending champion ay tila napapantayan ng CISA na hindi nila naramdaman noong regular games.

Pagbalik ng possession sa CU ay mabilis itong itinawid ni Mendoza na kasalukuyan namang binabantayan ni Alfante. Ang depensa ni Rommel ay parang nagbigay ng alinlangan kay Ken na umatake. Nang makita nga ito ni Ibañez ay mabilis siyang sumandal nang bahagya kay Cunanan na sinundan niya ng biglaang pagtakbo upang makalayo. Si McHenry ay dinaanan niya na nagbigay naman sa kanya ng screen para ma-delay sa paghabol ang defender niya.

Nang makita ito ni Ken ay agad siyang gumalaw at ibinato ang bola papunta rito. Muntik pa nga itong ma-intercept ni Viray pero nasambot pa rin ito ni Ibañez na seryosong tumingin sa basket. Huminga siya nang malalim at tumalon siya para bumitaw ng tres. Si Cunanan ay mabilis na humabol at tumalon para siya ay pigilan.

Isang ngisi ang makikita kay Karlo dahil napakagat niya sa fake move niya si Kier na nabigla dahil hindi pa pala ito nakakatalon. Doon na nga pinatalbog ni Ibañez ang bola at umatake papunta sa basket. Tumalon siya at si Zalameda ay napatalon upang ito ay pigilan, pero mabilis na iniiwas ni Ibañez ang bola mula sa mga kamay nito at doon ay isang slam dunk ang kanyang ginawa sa sentro ng CISA.

Nayanig ang board nang dahil doon at ang mga fans ng CU ay nagwala dahil sa play na iyon. Si Rodel nga ay napatingin na lang kay Karlo nang siya ay sanggiin at lampasan nito. Akala nga niya ay mabubutaan niya ito kanina pero masyadong mautak ang superstar ng CU. Nailagay pa nga siya nito sa poster dahil doon.

"Gising team! First quarter pa lang pero parang ang lalambot ninyong maglaro!" bulalas ni Karlo habang naglalakad.

"Kapag natalo tayo rito, tapos na ang ating kampanya sa taong ito..."

"Huwag ninyong ipatalo ang huling taon na narito ako!"

"Gregor Montemayor... Treat Mendez as a strong player at itigil mo ang pag-aangas sa kanya dahil walang mangyayari kapag ginawa mo iyan nang ginawa."

"Don't repeat our mistakes sa game 1! Umayos kayo!"

Ramdam ng mga kakampi ni Karlo ang kaseryosohan ng sinasabi nito. Napakuyom sila ng kamao, habang si Montemayor ay napatingin naman kay Mendez na nakatalikod sa direksyong tinitingnan niya. Napakuyom siya ng kamao at isang mahinang sampal sa sarili ang kanyang ginawa. Kahit na gusto niyang ipahiya at upakan ito ay tama si Ibañez. Minamaliit niya si Mendez sa kabila ng mga play na ginawa nito laban sa kanya.

"Tss..." sambit ni Montemayor matapos ayusin ang kanyang nagulong buhok.

Si Karlo naman ay makikitang seryoso na sa mga nangyayari. Hindi na siya pwedeng matalo pa uli. Nakakaramdam siya ng kaba sa pwedeng mangyari at katulad noong game 1 ay heto na naman ang kabog na iyon. "Mendez... Mendez..." Ito ang paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip. Ito ang dahilan kung bakit siya napunta sa ganitong sitwasyon.

KINBEN III (Completed)Where stories live. Discover now