Ball 53

361 38 1
                                    


Ball 53

48-54.

Napangiti si Coach Erik nang makita ang nangyari sa last play nila. Isang interception kasi ang ginawa ni Mendez at sa sandaling ginawa ito ng binata ay nakaramdam siya ng kakalmaduhan sa galaw nito. Wala iyong diin at tila normal na bagay na gagawin talaga ng manlalaro niyang iyon. Mula nga sa mga players niyang nasa bench ay hindi na rin nila naiwasang mapangiti. Ang nangyaring iyon ay ang bagay na tila nagpabalik sa kanila, sa unang beses na mapanood maglaro si Mendez.

Nagbalik na nga ba ito? Dito sa game na ito nila iyon malalaman.

Bumalik sa SA ang possession ng bola at nasa dalawang minuto na ang lumipas sa 3rd quarter. Si Legazpi ang nagdadala ng bola at sandali siyang napaseryoso nang makita ang huling play ng CISA. Ang ginawa ni Mendez ay parang nagmarka sa kanyang isip. Isang hindi inaasahang play iyon at hindi nila inakalang masisira ang kanilang fastbreak dahil doon.

Tumayo na nga si Raven sa harapan ni Alfante na nakaabang lang sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung ano ang nangyari, pero napakakalmado ng taong ito nang mga sandaling iyon.

"Pasa!" bulalas ng isa niyang kakampi na nasa hindi kalayuan. Si Alcano iyon at kasalukuyang binabantayan ni Mendez. Hindi nga nagdalawang-isip si Raven na ipasa rito ang bola. Hinayaan naman ito ni Alfante na sandali niyang ikinaisip kung bakit.

Nang masambot ni Alcano ang bola ay nag-ingay na nga muli ang crowd ng SA. Isinigaw nila nang malakas ang pangalan ng kanilang koponan na nagpakalampag sa loob ng venue.

"Okay iyong ginawa mo kanina," sabi ni Marshall na hinarapan na si Ricky na hindi naman umaalis sa kinatatayuan nito.

"Pero, sinwerte lang kayo. Nasa amin pa rin ang momentum ng game."

Matapos ang isang marahang pag-atras ay doon na umabante si Alcano. Nilampasan niya si Mendez gamit ang biglaang pagbabago ng kanyang direksyon sa pagtakbo.

Ngumiti si Alcano sa ginawa niyang iyon, kaso, nabigla siya nang masabayan siya ni Mendez. Nagkatinginan sandali ang dalawa at nabigla ang ball handler sa kanyang nakita. Nakangiti ang kanyang katapat at bago pa man siya makahakbang palayo ay naglaho na sa mga kamay niya ang bola.

Tumalsik ang bola nang matapik ito ni Mendez. Si Kier ay naging maagap na mabilis na hinabol ang bola, at nang mahawakan niya iyon ay naroon na kaagad ang kanyang instinct na ipasa ito. Sinambot din kaagad ni Ricky Mendez ang bola na kaagad na tumakbo papunta sa kanilang side.

Hindi naman nagpatalo si Alcano na kumaripas ng takbo upang pigilan ito. Kasunod na rin nito si Legazpi at silang dalawa ang humabol sa nag-iisang si Mendez. Ang mga manonood na supporters ng SA ay napalunok ng laway dahil habang nakatingin sila kay Ricky, ay parang pamilyar ito sa kanila. Ibang-iba ito sa kanilang napanood na Mendez kanina sa unang mga quarters.

Narating ni Ricky ang free throw line at sa paglapit niya sa basket ay doon na siya tumalon habang hawak-hawak ang bola. Sina Legazpi at Alcano naman ay sinabayan ito at mabilis na pinigilan ang fastbreak na iyon.

Habang nasa ere ay mabilis na iginalaw ni Ricky ang kanyang mga kamay na may hawak sa bola. Iisa lang naman ang nasa isip ng dalawang humabol sa kanya nang oras na iyon, isang reverse lay-up ang gagawin nito. Kaya inabangan nga nila ito, kaso nang umikot ang mga kamay ni Mendez ay hindi sa basket ang diretso nito.

Isang pasa papunta sa likuran ang ginawa ni Ricky. Ang bola nga ay tumalbog pabalik at nahinto lang ito nang may dalawang sapatos ang huminto sa harapan nito. Dalawang mga palad din ang humawak dito at unti-unti iyong umangat kasabay ng pagtalon ng manlalarong iyon.

KINBEN III (Completed)Where stories live. Discover now