Ball 111

344 29 0
                                    


Ball 111

83-81 ang score sa huling quarter sa game 2 ng CISA at CU. Lamang ang Flamers at ipinasok na nga ni Coach Wesley si Karlo Ibañez. Makikita nga sa mga mata ni Karlo na game na uli siya. Nabawi na niya ang kanyang lakas at salamat sa pahinga na ibinigay sa kanya ni Coach. Dalawa lang din ang lamang ng CISA at kayang-kaya nila itong habulin.

Nilapitan niya ang kanyang mga kakampi at pinagtatapik sa pwet ang mga ito. "Nandito na ako. Game na!"

"Gregor, ibigay mo na lahat ng galing na mayroon ka! We will win this game!" bulalas ni Karlo at sa pagbalik ng bola sa kanila ay pinalakas na nga muli niya ang kompyansa ng kanyang team.

Seryoso namang pinagmasdan ni Ricky ang kabilang koponan at habang naghihintay sila sa side ng Ballers ay sinabihan muna niya ang kanyang mga kasama na maghanda.

"Hindi pa tapos ang oras... marami pang pwedeng mangyari..." sabi ni Ricky at inihanda na niya ang kanyang sarili sa natitirang anim na minuto ng laro.

Ipinasa nga ni Mendoza kay Karlo ang bola at nag-ingay nga lalo ang kanilang mga fans nang makita iyon. Si Ricky ay mabilis na dumipensa, kaso, tila walang balak na huminto si Ibañez sa pagtakbo nito papunta sa basket.

Bumigla si Karlo ng talikod na sinundan ng isang mabilis na paggalaw pakaliwa. Isang spin-move crossover iyon at kaagad niyang iniwanan si Ricky.

Napakuyom ng kamao si Mendez na habang papaatras ay mabilis na humabol. Ang dribbling ni Ibañez ay napakabilis at dumiretso pa ito papunta sa basket na nagpa-alarma kina Viray at Zalameda.

Si Ricky ay humabol dito at sa pagkatalon ni Karlo ay siya ring pagsabay niya.

Gamit ang isang kamay ay mabilis na inilagay ni Ibañez ang bola sa basket. Sina Rodel at Kim ay napatalon din para pigilan iyon, kaso, ang bola ay nahulog at dumiretso sa kamay ni McHenry.

Isang pasa pala ang gagawin nito at sa paglapag nilang tatlo ay siya namang pagtalon ni McHenry para umiskor. Tumabla sa 83 ang score ng dalawang koponan matapos ang play na iyon, at sa pagtakbo ni Ibañez ay nginitian pa niya si Mendez.

"Hindi ninyo mababasa ang gagawin ko... Playmaking, scoring, passing... Gagawin ko lahat para lang hindi ninyo ako mapigilan!" wika ni Karlo sa kanyang sarili at habang tumatakbo siya ay nakatingin sa kanya ang mga kakampi niyang napakuyom ng kamao. Hindi sila matatalo dahil naglalaro pa ito sa kanila.

Sinambot na nga ni Rommel ang bola at napaatras siya nang muntikan nang maagaw ni Mendoza sa kanya ang bola. Nakatingin sa kanya nang seryoso ang defender niya at parang mapanganib ang dating nito para sa kanya.

"Ibañez-effect..." sabi ni Rommel nang mahina at pinagmasdan niya ang galaw ng mga kasamahan niya sa side nila.

"Mahigpit pa rin ang depensa nila," sabi pa sa sarili ni Rommel at nakita niyang pinipilit makatakas nina Mendez at Dizon sa kanilang defender. Dito nga ay nakita niya ang paglapit ni Viray. Maganda kung mabibigyan siya nito ng screen.

Sa paglapit ni Viray ay dito na nga umatake si Rommel. Bumangga kaagad si Mendoza sa screen ng kalaban na mabilis pa ring hinabol si Alfante na sinabayan na rin ni Uy. Dito na nga lumayo si Viray at nang makita iyon ni Alfante ay isang mabilis na bounce pass pabalik ang kanyang ginawa.

Sinambot ito ni Kim at pumwesto sa three-arc. Pinagmasdan niya ang basket at tumalon para bumitaw ng tres. Nasa ere na siya at nag-alangan siya nang may palad na humadlang sa vision niya sa basket. Si Ibañez ay tumalon sa kanyang harapan, at kahit na hindi ito umabot ay nagawa nitong baguhin ang kompyansa ng shot na iyon ni Kim.

Sumablay ang tira ni Viray at napangiti dahil doon si Karlo.

"Rebound!" bulalas ni Rommel at si Rodel ay biglang nasandalan ni McHenry at naroon na rin si Uy. Tumalon ang tatlong iyon at ang bola ay napunta sa palad ng sentro ng CU.

KINBEN III (Completed)Where stories live. Discover now