Ball 43

352 40 0
                                    


Ball 43

MAAGANG gumising si Ricky at matapos maglinis ng mukha ay nagsimula na kaagad siyang mag-push-ups na sinundan niya ng sit-ups. May bilang ito at sa bawat linggo ay daragdagan niya ng bilang ito. Matapos iyon ay nagpalit na siya ng pamalit para tumakbo naman sa labas. Dala niya ang kanyang bola at mabilis na pumunta sa kabilang barangay at bumalik sa court. Pawisang-pawisan nga siya matapos iyon. Ramdam niya ang pagod at gusto niya ito. Gusto niyang bumalik ang dati niyang stamina kaya nga pagdating niya sa lugar na iyon ay nagtatalon siya habang hawak ang bola. Kasabay noon ay ang paghabol niya sa kanyang hininga dahil gusto niyang mapagod. Hindi pa doon natapos at hinubad pa niya ang kanyang damit at sa shooting naman siya nagpokus.

Puro mintis ang mga una niyang tira pero ikinalma niya ang kanyang sarili at pinagmasdan ang basket.

"Kalma lang..." sabi niya at tumalon siya at ang pwersa mula sa kanyang mga binti ay umangat papunta sa kanyang kanang kamay na siyang pupulso sa bola. Itinira niya ito at umarko ang hawak niyang bagay na hinalit ang net nang pumasok ito nang walang kamintis-mintis.

Mula nga sa kanyang likuran ay naroon na pala sina Romeo at Jun na ginawa rin ang ginawa ni Ricky na pagtakbo.

Nilingon ni Ricky ang mga iyon at ibinato sa mga ito ang bola. Pagkatapos noon ay pinagmasdan niya ang dalawa. "Sugod!" bulalas ni Ricky at si Romeo ay napangisi na mabilis na pinatalbog ang bola. Sumugod ito papunta sa basket at hindi siya natatakot na bantayan ni Mendez.

Tumalon ito sa ere at buong lakas na inilagay ang bola sa basket kaso, bago pa man ito lumayo sa kanyang mga kamay ay isang malakas na sampal dito ang ginawa ni Mendez. Isang malinis na block ang nakita ni Jun at nakita niya kung gaano kataas tumalon si Ricky. Tumapon ang bola papunta sa kanya at mabilis niya itong sinalo.

Lumapag nga si Ricky at si Romeo ay natigilan. Akala niya ay lamang na siya sa leap pero naabutan pa rin siya ng kanyang bantay. Isa pa, nang pigilan siya nito ay ramdam niya na napakalakas ng depensa nito kahit na doon lang sila nagtagpo.

Nang hawakan na nga ni Jun ang bola ay biglang lumapit dito si Ricky at mabilis na inagaw ito. Lumampas pa ang binata rito at hinarap ang dalawa habang pinapatalbog ang hawak na bola.

"Pigilan naman ninyo ako, okay lang ba? Gusto ko kasing mag-practice," sabi ni Ricky at nagkatinginan sina Jun at Romeo.

Tumayo ang dalawa sa kanyang harapan at doon na nga siya binantayan ng mga ito. Ang tunog ng tumatalbog na bola ay maririnig sa buong paligid at kasabay noon ay ang pag-atras ni Ricky para humanda sa pag-atake.

"Pigilan ninyo ako... Huwag kayong matatakot na balyahin ako," sabi ni Ricky na dumiin ang mga paa sa kanyang sapatos. Nag-iipon na siya ng bwelo at matapos ang paglayo ay bigla siyang umabante na siya namang pagharang ng dalawa sa kanya.

"Huwag natin siyang palusutin Jun," sabi ni Romeo na naging seryoso at si Salvador ay napadikit kaagad kay Ricky.

Hinarangan ng dalawa si Mendez at si Ricky naman ay mabilis na huminto at pinatalbog nang mababa at mabilis ang bola. Mabilis siyang gumalaw at tinalikuran si Jun na sinundan niya ng isang biglaang pag-ikot pakaliwa. Inaasahan na rin naman niyang naroon si Romeo kaya nga nang harapin niya ito ay mabilis niyang iginalaw ang kamay niyang may hawak sa bola. Ang takbo niya ay pakaliwa na binigla niya ng paglihis pakanan para magawa ang isang euro-step na matagal na niyang pinag-aaralang maperpekto. Dahil sa hindi siya ang pinakamalaking player ay kailangan niyang matuto ng mga ganitong paraan para malusutan ang malalaking defender, isang bagay na itinatak sa kanya ni Romero noong isang taon.

Tila naglaho si Ricky sa mga mata ni Romeo at napatingin na nga lang ang dalawa rito. Hinabol nila ito at sinabayan kaso napadiretso sila nang bumigla ito ng paghinto. Isang tamang espasyo para kay Mendez iyon at doon na siya tumalon para bumitaw ng isang malapitang jumpshot. Pinatama niya sa board ang bola at dumiretso iyon sa basket.

KINBEN III (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon