Ball 9

353 34 0
                                    


Ball 9


NAKANGITING pinagmasdan ni Chloe ang kanyang sarili sa salamin matapos magpalit ng kanyang floral na bikini para sa isang pictorial na may bayad para sa isang local undergarment products. Madalas kapag nangyayari ito ay sa Mahalta o kaya ay sa Puerto Galera siya naiimbitahan. Minsan nga ay dito na siya nakakakuha ng pambili ng kanyang mga pangangailangan, idagdag pa ang allowance na binibigay ng kanyang mama at papa. Nabibili naman niya ang mga gusto niyang bilhin pero dahil kumikita siya sa modellings at photoshoost nang paunti-unti ay bahagya na rin niya itong kinarir.

Paglabas nga niya mula sa CR na pambabae sa resort ay nabigla siya nang makita ang isang lalaking pamilyar na pamilyar sa kanya. Hindi siya maaaring magkamali, si Ricky Mendez ito.

"Ricky Mendez... How are you? Why are you here?"

"Naaalala mo pa ba ako?" tanong ni Chloe na nginitian kaagad ang binata na ngayon ay kanyang kaharap. Huli niyang nakita ang binata sa coloseum ng Calapan last year, nang dinala niya ang paper bag na ipinapaabot ni Andrea sa kanya. Dito nga ay naalala niya ang kanyang pinsan at sa pagkakaalala niya ay nagkabalikan na muli ang dalawa base sa mga pictures na p-in-ost nito sa social media noong nasa Puerto Galera ang mga iyon.

"Are you with Andrea?" dagdag din kaagad ni Chloe at napansin niyang parang naiilang si Ricky na tingnan siya. Kung sabagay, iba nga talaga ang binata kumpara sa ibang nakikilala niya na napapansin niyang madalas purihin ang kanyang katawan.

Mula nga sa dala niyang bag ay kinuha niya ang isang towel at itinakip muna sa kanyang katawan, at doon na niya muli tiningnan si Ricky Mendez.

"Hindi ba ikaw ang pinsan ni Andrea? Chloe Cervantes? Tama?" tanong naman ni Ricky na sa mukha lang ng dalaga nakatingin kahit pa may takip na ang kabuuan nito.

"Yap. Kasama mo ba si Cousin?" ani naman ng dalaga at natatawa siya sa itsura ni Mendez dahil parang ilang na ilang ito sa kanya.

"O-oo. Birthday ng kanyang kaibigan, tapos isinama ako. I-ikaw, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong naman ni Ricky na nangingiting-ewan na lamang sa sitwasyon.

"Pictorial para sa isang local undergarments. Okay ang fee nila kaya, I agree to shoot."

"A-ah. S-sige, magsi-CR pa ako. Salamat," sabi ni Ricky na nilampasan na nga si Chloe na natahimik na lamang sa nangyari.

Bumuntong-hininga na nga lamang ang dalaga. Aminado siyang nagkagusto siya dati kay Ricky, pero kakaiba talaga ang lalaking ito para sa kanya. Sa mga lalaking nakilala at nakipagkilala sa kanya, tanging ang binata lang ang hindi nagkainteres sa kanya.

"I am happy for you cous... Mukhang mabait nga talaga si Ricky. Kung ano man ang ginawa niya sa iyo noon, I'm sure it was just a part of his past na nakalimutan na niya." Naglakad na nga ang dalaga at nang makarating siya sa may seaside ay doon na niya inalis ang nakatakip na towel sa kanyang maputing katawan. Punong-puno siya ng kompyansa sa sarili at kahit na makikitang may ilang kalalakihan ang pasimpleng pinapanood siya ay wala siyang pakialam sa mga ito. Nagsimula ang pictorial at dito na nga niya ipinakita ang sarili sa suot na two piece bikini na locally made sa Calapan City.

*****

PAGKABALIK ni Ricky kina Andrea ay nakita niyang nakaupo na ang mga ito sa harapan ng isang mahabang lamesa na inihanda ng resort para sa kanila na nakaharap sa dagat. Nakita pa nga ng binata ang ilan sa mga nakasama nila sa Puerto Galera noong nakaraang bakasyon na sina Arlene at Leslie na binati agad siya nang makita.

Bago siya umupo ay nginitian muna niya si Francis, ang birthday celebrant.

"Happy birthday p're," ani Ricky sa kaibigang bading ni Andrea at nang marinig ito ni Francis ay isang hindi magandang tingin ang ibinigay niya sa binata.

KINBEN III (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon