KABANATA I: Ang Lagusan

2.2K 90 6
                                    

DISCLAIMER:

Ang kwentong ito ay kathang-isip lamang. Ang pagkakatulad ng lugar, pangyayari at pangalan ng tao sa totoong buhay ay nagkataon lang. Alam ko rin na mahihirapan akong isulat ang kwentong ito kahit horror ang forte ko. Matatawag din kasi na historical fiction ang nobelang ito. Kaya kung may maling impormasyon kayong mababasa ay feel free na itama ninyo ako. Maraming salamat!






YEAR 2026...

Isang grupo ng mga Pilipinong siyentipiko ang pumasok sa isang kuweba na matatagpuan sa Calamba, Laguna. Sampu sila ngunit lima lamang sila na pumasok sa naturang kweba ng gabing iyon. Isa si Glaiza sa mapalad na baguhang scientist na napasama sa grupo na iyon. Siya rin ang pinakabata sa grupo. Sa pagkakaalam niya ay isang lihim na lagusan ang pupuntahan nila at iyon ang magdadala sa kanila sa bagay na dahilan kung bakit sila naroon.

Agad na gumapang ang lamig sa buo niyang katawan nang lumusong sila sa tubig na ang lalim ay hanggang beywang niya. Palihim niyang inilabas ang kaniyang cellphone at nag-record ng video. Sinadya niyang magpahuli upang walang makakita sa kaniyang ginagawa. Kahit flashlight lamang ang source of light nila ay hindi pa rin niyon naitago ang kagandahang taglay ng loob ng kuweba.

"Glaiza, hindi ba't ang sabi ko ay bawal ang mag-record ng video?"

Muntik nang mabitawan ni Glaiza ang cellphone nang marinig ang boses ng lalaking nasa unahan niya. "Y-yes, sir! Sorry!" aniya at agad niyang ibinalik ang cellphone sa bulsa ng suot niyang suit.

"Nandito na tayo. Ito na ang spot kung saan matatagpuan ang lihim na lagusan," turan ng leader nila na si Sir Lawrence. Ito ang pinaka matanda sa grupo.

Seryoso ba si Sir Lawrence sa sinabi nito? Nasa gitna sila ng tubig at hindi niya alam kung maaari na naroon ang lagusan na kanilang hinahanap. Nais niya tuloy umapela na baka mali ang mga ito ng impormasyon na nakuha.

Napansin niya na paunti-unting lumalakad si Sir Lawrence. Para bang merong kinakapa ang mga paa nito sa ilalim ng tubig. Hanggang sa maya maya ay may malakas na ugong silang narinig mula sa ilalim ng tubig. Biglang gumuho ang tinatapakan nila at sa tantiya niya ay pitong talampakan ang kanilang binagsakan. Mabuti at hindi naging masama ang bagsak ni Glaiza. Nauna ang puwitan niya bagaman at medyo makirot iyon.

"A-anong nangyari, sir?" tanong niya habang tumatayo.

"Tinapakan ko ang batong dapat tapakan sa ilalim ng tubig para makita natin ang lihim na lagusan. At 'nandito na tayo—sa lagusan!" Itinutok ni Sir Lawrence ang ilaw ng flashlight nito sa isang napakahabang lagusan. "Makikita na natin ang sagot para mabuhay ang tao ng matagal o hindi kaya ay panghabangbuhay!"

Dama ni Glaiza ang kasiyahan sa boses ng matandang scientist.

Halos one year pa lang siya na nakakasama sa trabaho ang grupo na iyon at ayon sa mga nauna sa kaniya ay mahigit thirty years nang hinahanap nina Sir Lawrence ang sagot para hindi mamatay ang isang tao. Alam niya na tila imposible iyon pero dahil sa kailangan niya ng trabaho ay nakisali na rin siya sa pagsasaliksik ng mga ito.

Sa pagkakaalam ni Glaiza ay isang lokal sa lugar na iyon ang nakatuklas ng naturang lagusan. Nakakapagtaka na makalipas ang 24 hours ay muling nagsasarado ang lagusan. Tunay na napakahiwaga ng kalikasan!

May nakita raw ang naturang lokal sa dulo ng lagusan na isang bagay. Dahil sa kakilala ito ni Sir Lawrence ay sa scientist nito iyon idinulog. Hindi naman sinabi sa kanila ni Sir Lawrence ang nakita ng lokal na iyon kaya lahat sila ay walang ideya kung ano ang naghihintay sa kanila sa dulo ng lagusan. Tanging si Sir Lawrence lamang ang nakakaalam.

YEAR 1876: Tales of the DeadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon