DARE

184 6 0
                                    

Kahapon ay nagkaroon kami ng long quiz sa Science at nagpustahan kami ng mga kaibigan ko na kung sino ang may pinakamababang score ay gagawa ng isang dare. Isang tipikal lang iyon na araw sa akin hanggang sa nagpalitan na kami ng papel.

Pikit mata kong tinanggap ang aking papel at dahan-dahang binuksan para tingnan ang aking score. 47/50. Tatlong mali lamang.

"Uy Grace 49 ako. Ikaw?" Tanong ni Sheena sabay ngisi sa akin.

Napayuko ako nang mapansin ang mga ngiting demonyo ng mga kaibigan ko.

"47 ako." Sabay-sabay silang nagtawanan dahil ako ang may pinakamababang score sa quiz.

Tinaasan ako ng kilay ni Audrey bago binulong ang  gagawin kong parusa.

———

"Can I have your number?" Pilit kong pinipigilan ang hindi pagtili habang kinakausap siya. Pero alam kong namumula na 'ko sa sobrang hiya.

Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa room ng crush kong si Peter. Grade 12 kaming pareho pero hindi kami magkaklase. At ito ang dare na pinapagawa nila. Kailangan kong makuha ang number niya. Nilalaro ko lang ang sling ng aking bag habang hinihintay siyang sumagot. Palakas ng palakas ang tibok ng puso ko sa bawat paghinga na ginagawa niya.

Napakurap siya ng dalawang beses bago nagsalita.

"No." Isang salita na may dalawang letra ang bumasag sa puso ko.

I was literally devastated that day hindi ko alam kung tatakbo ba 'ko palabas ng classroom nila o magpapakain nalang sa lupa? But a smile crept on his face before looking straight into my eyes.

"You can't have my number but you can have my surname."

Napasigaw ang mga kaibigan ko sa likod habang ako naman ay pilit na itinatago ang kilig na nararamdaman.

"H-Ha?" Di makapaniwala kong tanong. Gusto ko lang ulitin niya ang kanyang sinabi for confirmation. Baka kasi nagbibiro lang siya o trip niya lang talaga akong asarin.

"My surname suits you better. You can have it when we graduate Mrs. Perez."

Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga kaibigan ko nang lumapit sa'kin si Peter.

"Save this date. Happy first day sa magiging mama ng mga anak ko."

......

It all started with that stupid dare and now I'm having my surname changed to Perez.

Flash fiction stories Where stories live. Discover now