FRIEND

81 6 0
                                    

"Mahal, hanggang kailan natin itatago ang relasyon natin?" yumapos ako kay Crisostomo. Ramdam ko ang init ng kaniyang katawan.

"Anong ibig mong sabihin, Helena?" umalis ito sa yakap ko at humarap sa'kin.

Hinaplos ko ang marahan ang kan'yang pisngi, "Kailan mo hihiwalayan ang may bahay mo?" halos pabulong na tanong ko.

Bahagya itong natigilan, "H-helena..."

"Mahal mo ako, hindi ba? Hiwalayan mo na si Maria. Magpakalayo-layo na tayo dito, sawa na ako maging pangalawa, Crisostomo."

Napa-upo ito, agad na kinuha niya ang baro at nagbihis sa harapan ko, "Wala ito sa usapan natin, Helena." blangko ang mukha nitong saad.

Agad akong nakaramdam ng kirot. Napatayo ako, itinago ko ang aking katawan gamit ang kumot, "Ngunit ang sabi mo ay mahal mo ako!" garagal ang boses na sambit ko, agad niyang iniwas ang tingin.

"Aalis na ako." bago pa siya makaalis sa silong na pinagtataguan namin ay lumuhod ako at niyapos ang tuhod niya.

"C-crisostomo... hindi mo ako p'wedeng iwanan." pumatak ang butil ng luha sa aking mata.

"Helena, hindi ako ang para sa'yo. Alam natin dalawa kung anong meron tayo at hanggang doon na lang 'yun. Mahal ko si Maria. Init lang ng iyong katawan ang kailangan ko."

Para akong sinaksak ng sibat sa aking narinig. Naiiling ako at hindi makapaniwala sa aking nadinig. Tuluyan akong nanghina ng alisin nito ang kamay ko sa may tuhod niya at walang salitang lumisan.

'Crisostomo... nagdadalang tao ako at ikaw ang ama...' ani ko sa isip ko bago tuluyang mawalan ng malay.

-

"Gising ka na pala, Helena."

Papikit-pikit pa ang aking mata ng makarinig ako ng baritonong boses.

"Nasaan ako?" nanghihinang sambit ko bago ko iginala ang aking paningin.

"Nasa tirahan kita."

"B-bartolome..." gulat kong sambit ng luminaw ang aking paningin. Kita ko ang halong galit at pagnanasa sa kan'yang mata.

"Bakit nagawa niyo 'yun sa kapatid ko?" pigil ang galit na tanong nito.

"A-anong ibig mong s-sabihin?"

Ngumisi ito, "Huwag ka ng magpainosente. Alam natin na alam mo kung ano ang ibig kong sabihin."

Agad akong napalunok. Umiling ako at nagsimula ng pumatak ang luha sa mata ko.

"Akala ko pa naman ay iba ka, Helena. Ngunit isa ka 'din pa lang maruming babae. Si Maria na kaibigan mo ay nagawa mong pagtaksilan."

"H-hindi ko s-sinasadya..."

"Mapapatawad kita kung pagbibigyan mo ako. Niloko mo at pinaglaruan, akala ko ay mag pag-asa ako sa'yo." napa-atras ako ng magsimula itong lumapit sa'kin.

"B-bartolome..." bago pa man ako makapalag ay sinikmuraan ako nito at sinimulang halikan. Gusto kong manghingi ng tulong at sumigaw pero masyado akong nanghihina. Tumingin ako sa kan'yang, nagsusumamo ang aking mukha na huwag niyang ituloy ang binabalak niya.

Napahinto ito sa kan'yang ginagawa, kita ko ang paglambot ng ekspres'yon na kan'yang mata ngunit nandoon pa 'din ang galit at poot.

"Balang araw ay babalik sa'yo ang ginawa mo. Babalik sa'yo, Helena." iniwas nito ang tingin niya sa'kin, "H-hindi ko akalain na magagawa mong maging pangalawa para lang sa pag-ibig na 'yan. Binaba mo ang iyong sarili para kay Crisostomo, ano bang kulang sa'kin, Helena?" napalunok ako ng makita ko ang pagtakas ng luha sa mata nito. Hindi na nito inantay na makapagsalita ako dahil lumabas ito sa silid na iyon.

-

Makalipas ang labing walong taon.

"Inay! Inay!"

"Anak ko, bakit ka umiiyak? May nang-away ba sa'yo?" bagkus na sumagot ay niyakap lang ako ni Anastasia. Ang anak ko.

"N-nay... ang sakit." impit ang hagulgol na sambit nito. Agad ko itong niyakap pabalik.

"Anak, anong nangyari? Sabihin mo sa'kin."

"N-nay... 'yung nobyo ko po, may ibang babae...
nay, nabuntis niya po 'yung b-babae."

Tila binuhusan ako ng malamig na tubig sa aking narinig. Hindi agad ako nakasagot sa kan'ya. Bumalik ang mga naalala na pilit kong kinakalimutan at binabaon sa hukay.

"Nay... bakit may mga babaeng nakikiapid sa taong may karelasyon na?" garagal ang boses na dagdag tanong nito, agad akong napabitaw mula sa pagkakayakap sa kan'ya.

Parang ligaw na bala ang sinabi niya at tumagos iyon sa aking puso. Parang pinipiga ng puso ko habang pinapanood ko ang anak ko na umiiyak. Ito na ba ang karma ko sa nagawa ko noon?

Bakit ang anak ko pa?

"S-sino ang gumawa n'yan sa'yo, anak?" pigil ang luhang sambit ko. Mas lalo akong nanghina sa aking narinig.

"Si Magdalena n-nay, 'yung m-matalik kong k-kaibigan."

Flash fiction stories Where stories live. Discover now