KASIGURADUHAN

90 7 0
                                    

Busy ako sa pagsheshare ng mga post na dumadaan sa newsfeed ko nang biglang may lumitaw na chathead sa screen ng cellphone ko.

Wow, may nagkamaling nagchat sa'kin.

Johan Tamayao
Active now.

Johan: Hi.
Alys: Oh, Hello! HAHAHAHAHAHAHAHHS.
Johan: Ba't ka tumatawa?
Alys: Ikaw kasi ang happiness ko, wasmiwep washineney.

Dahil sa pick up line ko na 'yon, humaba ang pag-uusap namin. Siya ang lagi kong kausap buong araw, tuwing gabi naman ay nagkakaroon kami ng deeptalks, minsan nga kahit walang kuwentang bagay pinag-uusapan namin.

Johan Tamayao
Active now.

Johan: Nakakapag-share ng post pero hindi nakakapagreply sa'kin? Nukayayon.
Alys: Luh, edi do'n ka makipag-usap kay Marga.
Johan: Marga? Sa'n mo nakuha 'yang pangalan na 'yan?
Alys: Edi do'n sa kalandian mo sa post mo, duh.
Johan: Nagseselos ka ba?
Seen 8:11 pm.
Johan: Alys, kaibigan ko lang 'yon.
Alys: Whatever.
Seen 8:15 pm.

Johan is calling...

Kapag nagseselos ako o nagtatampo, hindi siya titigil hanggat hindi kami nagkakabati. Walang kami, oo. Walang label, MU lang, alam kong mahirap pumasok sa relas'yon na walang label dahil hindi mo alam kung saan ka lulugar, but what can I do? I love him. Okay lang na ganito muna kami ngayon, more than friends less than lovers.

Johan Tamayao
Active now.

Johan: Burahin mo 'yung picture mo na halos kita na ang kaluluwa mo.
Alys: Luh, bakit? Ang ganda ng kuha ko do'n.
Johan: Hindi nila kailangan makita 'yon.
Alys: Ayaw, bleeeh.
Johan: Sumunod ka na lang, please?
Alys: Label muna, HAHAHAJSJ.
Johan: Psh, bahala ka d'yan.

Tuwing nagbibiro ako sa label na 'yon lagi niyang iniiba 'yung topic. S'yempre nasasaktan ako pero anong magagawa ko? Pumasok ako dito at dapat kong panindigan 'yon. Kaso lang sobrang hirap alamin kung ano ba ako sa buhay niya, mahirap talaga kapag walang label.

Johan Tamayao
Active now.

Alys: Sino si Anastasia?
Johan: Bakit?
Alys: Masama ba magtanong? Hahaha.
Johan: Ex ko 'yon.
Alys: Ah.
Seen 7:11 pm.

Nagsimula ng maging dry ang convo namin. Hindi na siya katulad ng dati na sobra ang care sa'kin, ngayon para na lang kaming stranger. Kung magchachat kami— halos ako na lang ang nagpapahaba ng conversation namin. Gusto kong magreklamo pero alam kong wala akong karapatan, hindi niya ako girlfriend, hindi ko alam kung ano nga ba ako sa kaniya o kung meron ba akong halaga sa buhay niya.

Gabi na at napapagod na ang kamay ko sa kaka-scroll, limang araw na 'din simula no'ng huling beses kaming mag-usap ni Johan.

Ang tanga-tanga ko kasi, bakit ako pumasok sa ganitong klaseng relas'yon? Nababaliw na ako, hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, Sa huli naisip kong tawagan ang bestfriend ko na si Shakira.

Calling Shakira...

📞: Hello, Alys?

“S-shakira...”

📞: Umiiyak ka ba?

“Ay hindi, gaga. Tumatawa ako sa sobrang saya.”

Narinig ko naman ang tawa nito sa kabilang linya, atleast gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito ang bestfriend ko.

📞: Pakyu! HAHAHA. So, anyways, ba't ka napatawag?

“Naalala mo ba 'yung kinukuwento ko sa'yong lalaki? Si Johan. Hays.”

📞: Oh, yup! 'Yung KA-MU mo, anong meron sa kaniya? Kayo na ba?

Napatahimik ako sa sinabi niya. Sana... sana may kami.

“S-sa tingin ko hindi niya ako gusto.”

📞: W-what? Nag-usap na ba kayo tungkol d'yan?

“Hindi pa.”

📞: Nako, Alys. Pag-usapan niyo. Ikaw 'din kasi bakit ka pumasok sa ganiyang relas'yon? Baka sa huli ikaw 'din ang masaktan d'yan! Walang commitment! Pang-duwag.

“Natatakot kasi ako, Shakira.”

📞: Kung puwede lang kita sabunutan via phone! Nasabunutan na kita kanina pa, kalerkey ka. It is better to take a risk than to regret later, ano ka ba! Magtanong ka para alam mo anong posisyon mo sa buhay niya.

“Should I?”

📞: Duh?! Ofcourse. Dapat matagal mo nang ginawa 'yan atsaka Alys, ayaw kong masaktan ka pero kung mahal ka talaga niyan bibigyan ka n'yan ng label, hindi 'yung tamang landian lang! Kainis ah.

“Hays, thank you, Shakira. Hindi ko alam kung ano gagawin ko kung wala ka.”

📞: Para saan pa ang pagkakaibigan natin, diba? Come on, talk to him. Kung ayaw niya sa'yo, 'wag ka maghabol, ganda-ganda mo kaya kapag hindi kita ang mukha.

Natawa ito sa sinabi niya kaya natawa na 'din ako. I am so thankful because I have a friend like her na matatakbuhan ko kapag may problema ako.

No'ng natapos 'yung call namin, huminga ako ng malalim
This is it, it's now or never. I-cha-chat ko na sana si Johan ng may nakita akong post. Kusang namasa ang mata ko.

Johan Tamayao is relationship with Anastasia Sarmiento.

Like • Comment • Share

Unti-unting nagunaw ang mundo ko, ang pag-asa na nararamdaman ko kanina ay nawala na parang bula. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at pumunta sa chatbox namin ni Johan pero ‘You cannot reply on this conversation, learn more.’ ang nakita ko.

Nakagat ko ang sariling labi para pigilan ang hikbi ko, paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko na ginusto ko ito, pumasok ako sa isang relas'yon na walang kasiguraduhan, walang commitment. Kaya ngayon sobrang talo ako kasi ako 'yong umasa sa'ming dalawa, ako 'yung napaglaruan at ginamit. Sineryoso ko ang isang bagay na pansamantala lang sa kaniya.

Flash fiction stories Where stories live. Discover now