CHAPTER 34

88 6 1
                                    

Celestaire's POV

NAKAUPO AT NANONOOD AKO ng palabas sa television. Kahapon ay umuwi kami galing resort at ngayon nandito lang sa bahay ni Celine.

Wala si Celine ngayon. Nasa bakery siya at mukhang maraming gagawin dahil alas kwatro palang daw ng madaling araw ay wala na siya dito.

Napapansin ko na umiiwas siya ngayon sa amin. Bihira lang siya makipag-usap at laging nasa kwarto lang niya. She just ask something and after that she'll leave. Gusto ko siyang lapitan kaso sabi ni Donna hayaan ko muna.

Napapansin ko din na masyadong concerned si Blaze kay Celine, these past few days. Which is a good thing, hindi na siya masyadong tahimik pero whenever I ask Ralph, hindi niya din alam dahil walang nababanggit si Blaze.

"Nakakahiya kay Celine."

Napatingin ako kay Hetta na bumaba at may dalang plastic na mukhang mga basura na galing sa kwarto na tinutuluyan nila.

"Ano yan, 'te?" Tanong ni Hetty.

"Basura.. puro balat ng pagkain. Ewan ko diyan sa mga kasama ko sa kwarto." Sagot niya at lumabas.

"Maglilinis din ako." Valerie said and stood up.

"Henriette, maglinis din kayo ni Gavi." Hetta said as she walk inside.

"What if linisin natin buong bahay niya?" I asked.

"Pwede.. para hindi naman nakakahiya kay Celine." Alysha said.

"True." Gavi.

Tulad ng napag-isipan namin ay nilinis na nga namin ang buong bahay. Wala ang mga lalaki ngayon, mukhang may pinuntahan. We started wiping dust off the furnitures and sweeping the floor and ceiling.

Kami nila Gavi, Valerie at Hetta ay naglinis sa taas. Kanya kanyang kwarto ang nilinis. Sa kwartong tinutuluyan namin ay wala namang masyadong kalat.

"Sinasabi ko na nga! May mga beer cans pa." Sabi ni Hetty.

"Ewan ko sa jowa mo--"

"Hoy, Gavi kasali jowa mo dito." Umirap siya.

Matapos malinis ang kwarto ay nilabas ko ang trash bag nang mabalingan ng tingin ko ang kwarto ni Celine. Curiously I walked my way their and gathered myself and held the knob. Surprisingly it was open. Hindi na ako nag-atubili at pumasok na sa loob.

I was amaze when I went in. The room is very pretty. It is dark, but the fairy lights gives the room some light. Binuksan ko ang ilaw at tumambad sakin ang kulay puting kwarto. The furniture are very modern.

I looked around and saw that the room is kinda messy. Pero nagmumukha parin itong maganda, simple lang ang design and interior ng room. Napabaling tingin ko sa mga picture frame at nakita ang larawan ni Celine at Shadow doon.

Sa tabi nito ay picture niya kasama sila Paolo, Donna, Daphne at Emman. Hawak pa ni Donna ang isang sanggol at mukhang si Sorrel iyon. Napangiti ako at makita ang ngiti niya.

Napailing ako at nagsimula ayusin mga gamit niya. Ang mga damit na nakakalat ay nilagay ko sa laundry basket niya. Inayos ko din higaan niya and did a little vacuum in her room.

Habang nagva-vacuum ay napansin ko na maraming kalat ang ilalim ng kama niya. Yumuko ako at tinignan ang ilalim. I saw a box there. Kinuha ko ito at napatitig dito.

Forget YouWhere stories live. Discover now