chapter 0

1.7K 48 0
                                    

-----------

"Bitayin siya!"

"Napakasama niya, dapat lang sa kaniya yan!!"

"Bitayin!!"

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga taong nasa ibaba ng wari'y entablado

Suot ko ang kaninang plain white gown na ngayon ay punit-punit na at napakarumi.

Habang dama ko ang lubid na nakapulupot sa aking leeg

Badump-

-ba-dump

Nanginginig ang aking buong katawan sa labis na takot

Kundi dahil sa dalawang guwardya na bantay sarado at nakaalalay sa magkabilaan kong braso ay baka kanina pa ko bumuwal sa kinatatayuan.

Mula sa aking namumugtong mga mata ay nag rereflect ang galit na galit na mga tao sa ibaba

Hindi ko akalain na hahantong lahat sa ganito.

Ang nais ko lang naman ay...

Maramdaman ang pagmamahal ng aking...

"Ama." Paos ang aking tinig dahil sa nanunuyong lalamunan at labi

At wala na akong lakas upang kumawala sa sitwasyong ito

Gayonman, marahan kong sinulyapan ang aking ama kasama ang isang maganda at inosenteng dilag na nagtatago sa Kanyang likuran

Samantalang ang aking ama na kahit sa ganitong kalagayan ay hindi parin ako mabigyan pansin na para bang walang interes sa mga nangyayari sa paligid

"A-ama... Pakiusap pakinggan mo ako."

Sa halip ay matalim niya akong tinitigan

"Ama?" mahinang pagtawag ng dalagang nasa kaniyang tabi na agad niyang tinignan

"Tsk, walang dahilan upang manatili pa rito, Tapusin na agad ang pagbitay sa isang yan."

Nanlalamig niyang pagkakasabi pagkatapos ay tumalikod na siya at lumakad palayo

"H-hindi... A-ma? Ama!!"

Ang huli ko na lang nakita ay ang kanyang malapad na likuran at balikat

At ang mga ngiti ng dalagang nasa kanyang tabi habang ako'y pinagmamasdan.

Matapos yon ay nagdilim na ang lahat.

-------------
-------------

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveWhere stories live. Discover now