chapter 4

876 44 0
                                    



............

Kasalukuyang naglalakad ang prinsesa sa isang malaking pasilyo  na matatagpuan sa ikalawang palapag ng palasyo

Minabuti kong huwag na lang magpakita sa kanya

At isa pa, wala rin namang mangyayari kapag nakita niya ko

Pero hilig ko talagang tumambay sa parting yong para makita siya, tanda ko pa na sa tuwing darating si ama ay agad ko siyang sinasalubong.

Walang araw na hindi ko yon ginagawa...
Gayunman, hindi niya parin ako pinapansin

At kapag tinatawag ko siyang 'Ama', tinitignan niya lang ako ng masama na para bang nandidiri

Kaya ngayon, naisip ko na mas maganda siguro kung manahimik na lang.

Simula ngayon mananahimik na lang ako at hindi na gagawa ng mga bagay na alam kong wala rin namang kwenta.

Siguro itutuon ko na lang ang sarili ko sa pag aaral at sa iba pang mga bagay na makakatulong sakin para hindi na maulit yung nakaraan kong buhay.

Isang taon pa bago dumating si Laleh
Imbis na awayin at bullyhin siya palagi
Mas mainam kung kakaibiganin ko na lang siya!

Mag iipon ako ng maraming pera, pagkatapos aalis ako dito at maninirahan sa malayong lugar kung saan pwede akong mag negosyo

Ayos!

Ganun ang gagawin ko!

Kitang-kita ang nag aalab na dedikasyon sa kanyang mga mata

Hanggang sa...

Ack!!

Hindi niya napansin na may tao pala sa daan at di sinasadyang mabangga

Dahil maliit lang ang katawanan ay agad siyang napaatras at nawala sa balanse, hanggang sa mapaupo na lang sa sahig.

"Mhm? hindi lang pang dekorasyon ang mga mata prinsesa." Boses ng isang babae

Dahang tumingala ang prinsesa at una niyang nakita ang mahabang pulang gown na mayroong mga mamahaling batong dekorasyon

Nang tuluyan na ngang maituon ang tingin sa mukhang ng taong nasa kanyang harapan...


Ah.. siya nanaman pala

Di nagtagal at marahang tumayo ang batang babae na para bang walang nangyari

Pagkatapos ay hinawakan ang kabilaan ng suot niyang dress at bahagyang yumuko bilang pagpapakita ng paggalang.

"Ikinagagalak ko pong makita ka, Duchess Hexion." Magalang at kalmadong pagbati ng prinsesa na hindi mo aakalain na pitong taon pa lamang dahil sa malinis niyang mga galaw.

Siya nga pala si Rosana Von Hexion ang anak ng former emperor na matagal ng namayapa

Bali step sister siya ni Ama dahil magkaiba sila ng ina.

At isa siyang babae na marahil nasa mid-thirties,
Maganda ang kutis niya kaya hindi masyadong halata

At hilig niyang magsuot ng gown kung saan nakikita yung cleavages at korte ng katawan niya

Kaya tuloy kahit may asawa at anak na.. marami paring nahuhumaling sa kanya

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveWhere stories live. Discover now