chapter 12

708 35 0
                                    

............

Sa silid ng prinsesa

"Masarap ba yan?" Natatakam na tanong ni Sasha na isang maid

"Hmp, ibang klase talaga ang batang yon.. hindi niya binibigyan halaga ang mga nireregalo sa kanya ng kamahalan." Sagot ni Mrs. Hilda habang komportableng nakaupo sa gilid ng kama at  kumakain ng cookies na dinudukot niya sa maliit na garapon.

Samantala, abala naman si Sasha at Elissa sa pag bubuklat ng mga gift box na nasa sahig.

"Err.. tama bang tayo ang magbukas ng mga ito gayong para ito sa prinsesa? Hindi ba't parang mal—"

"Walang mali dito, bilang isang Nanny trabaho kong alamin ang mga regalong dumarating para sa prinsesa at isa pa.. hindi mo ba naisip na makikinabang ka rin dito?"

"Wah! Tignan mo ang laman ng isang ito! Kung hindi ako nagkakamali, gawa ito sa balahibo ng puting  legendary fox?! Minsan ko na itong nakitang binebenta sa capital! At sobrang mahal nito!" Hindi makapaniwala si Sasha habang dinadama sa kanyang pisngi ang malambot na kumot.

Ngunit panandalian lamang yon dahil agad din itong hinablot ni Mrs. Hilda

"Tulad nito, makinig ka Elissa.. sa halaga ng hindi  pangkaraniwang kumot na to, maaari na kong hindi magtrabaho sa loob ng isang buwan." Nakangising sabi ng Ginang

"...p-pero—"
Puno ng pangamba ang mga mata ni Elissa

"Huwag kang mag alala, walang mangyayaring masama kung walang makakaalam—"

(Door knocking)

Halos mapatalon sila sa gulat ng biglang may kumatok sa pinto.

"Shussh—" pag senyas ni Mrs. Hilda sa kasama bago magtungo sa saradong pinto.

Mga ilang sandali lang ay bahagya niya itong binuksan  at bumungad ang isang matipunong lalaki.

"L-Lord Hexion? A-anong dahilan at naparito ka?"

"Iniimbitahan ng kamahalan ang prinsesa upang mag tsaa." Sagot niya habang gumagala ang tingin sa paligid

"t-talaga?"
Hindi makapaniwala si Mrs.Hilda, ngunit agad siyang bumalik sa ulirat ng di inaasahang titigan siya ng masama ng binata.

"...ah ibig kong sabihin, sa ngayon ay wala rito ang prinsesa. Kanina lang ay nagpaalam siya na magtutungo raw siya sa Royal Library—"
Habang patuloy na nagsasalita,

Siya namang napatingin ang binata sa likuran ng ginang kung saan bahagyang nakabukas ang pintuan.

Mapapansing medyo kumunot ang kanyang kilay

"—palagay ko naroon pa siya ngayon at nagbabasa ng mga libro, kung nais mo.. maaari kong utusan ang isa sa mga lingkod upang—"

"Ako na lang ang pupunta sa kanya." Nanlalamig na sagot ni Lucas sabay talikod at nagsimulang lumakad

"Ah...o-osige."
Hindi komportableng sagot ni Mrs.Hilda

isasara na sana ni Hilda ang pinto ngunit muli niyang narinig ang tinig ng binata

"Ah... nga pala."
Saad ni Lucas pagkalingon

Nagtaka naman ang Ginang at muling tinignan ang binata

"M-may kailangan pa po ba kayo?"

"... Nais malaman ng kamahalan kung nagustuhan ba ng prinsesa ang mga bagay na niregalo sa kanya, umaasa siya na balang araw makikita niya yung gamit-gamit ng prinsesa."
(Gawa-gawa lang niya😑)

Hindi na hinintay ni Lucas ang isasagot ni Mrs. Hilda at matapos lamang tumitig ng masama ay  nagsimula na siyang  lumakad palayo.

M-may alam kaya siya?!

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveWhere stories live. Discover now