.............
.....Sa palasyo
Ilang opisyal at lingkod ang makikitang napapahinto sa daan upang magbulungan.
*Narinig mona ba? Pinatawag ng kamahalan ang Royal Physician para sa prinsesa.*
*Totoo? Hindi ako makapaniwala*
*Anong nakain ng emperor at ginawa niya yon?*
Samantala
Sa silid ng prinsesa
Nabigla ang mga lingkod na naroon kabilang na ang Royal Physician sa hindi inaasahang pagdating ng emperor, kasama ang kanyang butler.
"K-kamahalan?"
Pinagpapawisan ng malamig ang physician na si Mr.Gil habang nakatingin sa palapit na kamahalan.Nang makalapit ay agad niyang tinuunan ng pansin ang batang babae na walang malay at bakas ang hirap dulot ng sakit
Mabilis ang kanyang paghinga at namumula ang malolobong pisngi.
Ilang sandaling katahimikan.
Lahat ay nakikiramdam sa tahimik na emperor
"....kamusta ang prinsesa?"
Seryoso nitong tanong habang blangko paring pinagmamasdan ang anak."Ah...p-pinainom ko na po siya ng gamot upang di magtagal ay bumaba na ang kanyang lagnat. marahil mamaya lang ay magkakaroon na po siya ng malay dahil unti-unti nang gagaan ang kanyang pakiramdam."
Muli ay nanumbalik ang katahimikan sa buong silid.
Lahat ay sa baba ang tingin
Nang hindi matagalan ni Mr Herman ang tensyon sa loob ay nilapitan niya ang kamahalan.
"Kamahalan, mas makakabuti kung hayaan muna natin ang prinsesa na mas makapagpahinga."
"...lumabas kayong lahat."
"....??"
Lahat ay nagtaka sa sinabi ng emperor
"Kailangan ko pa bang ulitin?"
Mariin niyang pagkakasabi, habang dahang lumilingon at may nanlilisik na tingin.?!
Halos manayo ang balahibo ng tatlong lingkod kabilang na si Mrs. Hilda.
"M-masusunod."
Nagbigay galang sila at pagkatapos ay nagmadali ng lumabas, maging si Mr. Gil ay bahag ang buntot habang lumalakad palabas ng silid.
ang naiwan na lang sa loob ay ang kamahalan ay butler
"Hindi ka ba nakakaintindi?"
Ngumiti na lamang ang matanda at nagbigay galang.
"kung gayon ay tawagin niyo na lamang ako kung may nais pa kayong ipagawa."
Hanggang sa maririnig na lang ang pagsara ng pinto.
...............
.......Samantala
Habang nahihimbing, nagkaroon ako ng isang nakakatakot na panaginip..
Kung saan may mga taong masasama ang tingin sakin,
Sinubukan kong tumakbo, pero para bang kahit anong takbo ay hindi ako umaalis sa pwesto.Gustuhin kong sumigaw, ay wala namang tinig na lumalabas sa bibig ko
Takot na takot ako...
![](https://img.wattpad.com/cover/335057629-288-k4982.jpg)
YOU ARE READING
The Villainess is now Tired Of Asking For Love
Fantasyall she wanted was love from her family she did everything but in the end she always turned out to be the bad one because of too much stress she committed suicide by jumping from the bridge from the previous life to being reincarnated in another wor...