chapter 14

623 31 1
                                    

.............

Nilapag ng prinsesa ang tinidor sa gilid ng pinggan at mariin na napalunok

Nang marahan niyang i-angat ang kanyang tingin ay nagtagpo ang kanilang mga mata na tila ba nag-uusap.

Ilang sandaling katahimikan...

Inaantay niya ba ang isasagot ko?

P-pero anong sasabihin ko?

Waaah bahala na!

"..maliga—"

"Umaasa ako na, may magandang regalo kang ibibigay sa huling araw ng pagdiriwang." Seryosong sambit ng emperor.

Eh??

...........
.........

Matapos kong maubos ang cake ay inutusan na niya si Lucas upang ihatid ako sa aking silid.

Pero

Hindi parin mawala sa isip ko ang mga sinabi niya

R-regalo kamo??

Anong magandang regalo naman ang maibibigay ng isang batang tulad ko!? 😩

Habang naglalakad sa isang malaking pasilyo, patuloy ang pag-iisip ng prinsesa

Samantala, sa kanyang likuran..
Naroon at sumusunod ang binatang si Lucas

Pansin niya ang pagkabahala sa mukha ng batang babae

At dahil maliliit lamang ang bawat paghakbang nito ay walang nagawa ang binata kundi bagalan din ang kanyang  lakad

Hindi maalis ang kanyang tingin sa prinsesa

Masyado siyang maliit para sa isang pitong taong gulang

Nakakakain kaya siya ng maayos?

"......"

Ibang-iba siya kaysa sa dalawang yon—

Naalala niya ang dalawang malulusog na kapatid na tila ba  mga takot na kuting sa tuwing makikita siya

Napabuntong hininga na lang si Lucas

Hanggang sa

"Ah! Alam ko na!"
Excited na sabi ni Lumina na siyang napahinto sa paglalakad

Ngunit sa paghinto ay may naramdaman siyang bahagyang napadikit sa kanyang likuran, dahil don ay agad siyang lumingon

Sakto namang  humahakbang paatras si Lucas

!?

"P-patawad prinsesa." Hindi komportable niyang sabi

Eh?

Oo nga pala, nawala sa isip ko na kasunod ko siya

Siguro kanina pa siya nag-iingat sa paghakbang para lang masabayan ako😅

Kung bakit ba kasi ang liit ko... Napapatagal tuloy ang lakad namin

Hmm🤔

Pinagmasdan ng prinsesa si Lucas na siya namang nagtaka

Teka nga, diba marami naman siyang experience sa mga bata dahil may dalawa siyang maliliit na kapatid?

Ano kaya kung—

.................

Sa pasilyo ng palasyo ilang mga lingkod ang bakas ang pagtataka at pagkabigla habang naglalakad at sinalubong ang...

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang