................
Palace Main Hall
Isang cute na cute na batang babae ang nagtatago sa likod ng malaking haligi ng palasyo at maya't maya sumisilip sa mga tagapaglingkod na abala sa pag aayos ng mga pagkain at pagdedekorasyon.
Halos mamilog at kuminang ang kanyang mga mata sa pagkamangha
Wow hanggang ngayon hindi ko parin maiwasang maamaze sa laki at ganda ng main hall na to, bukod don ay maraming gintong dekorasyon, sobrang eleganteng tignan.. dagdag pa ang mga magagandang bulaklak!
Makaagaw pansin din yung dalawang malaking crystal chandelier sa kisame na parang mga kumukutitap na bituin
Gano kaya ang halaga nyan pag binenta?
Ano kaya kung dalin ko yung isa pag umalis na ko dito😅?Gayunman, may mas importante pang dahilan kaya ako nandito ngayon..
Napapalunok ng malalim ang prinsesa habang pinagmamasdan kung paano hinihelera ng maid ang mga mukhang masasarap na pagkain
Dapat kanina pabalik na ko sa kwarto, kaso hindi ko na talaga kayang tiisin pa yung gutom ko
Hanggang sa dalhin ako ng mga paa ko dito kung saan mayroong napakaraming pagkain.
Habang nilalasap ng prinsesa ang nakakatakam na itsura ng mga pagkain, wala siyang kaalam-alam na isang lalaki ang nakapansin sa kanya na kakapasok pa lamang sa entrance ng main hall.
Nagtaka ito at marahang nilapitan ang nakatalikod na batang babae.
"Prinsesa?"
Huh?
Narinig kong may tumawag sakin kaya agad akong lumingon sa likuran
Hindi inaasahang bumungad ang isang lalaking matangkad na mayroong malapad na balikat ..
Halos lamunin ako ng malaki niyang anino.Sinalubong ko ang nanlalamig niyang tingin
At ilang sandali akong natahimik habang pinagmamasdan ang sarili kong reflection sa kanyang light green eyes na mayroong pavertical na peklat sa kanan na marahil nakuha niya mula sa isang mabangis na hayop.Medyo siksik din sa muscle ang katawan nya na mahahalata mo sa tindig at sa likod ng suot niyang black t-shirt na fit sa kanya at full arm leather armor with long black cloak, dagdag pa ang malaking espada na nakasabit sa kanyang likuran
Kapag siguro nakasalubong mo siya sa kalagitnaan ng gabi ay talagang masisindak ka sa kanya
Maging ako noong fastlife ko ay hindi masanay sa kakaiba niyang presensya
Pero iba na ngayon lalu't alam ko na sa kabila ng itsura niyang iyan ay may naitatago siyang kabutihan
Siya si Lucas Von Hexion, ang panganay na anak ni Duke Fenriliam Hexion.
At dahil mula siya sa angkan na yon.. syempre meron din siyang red hair
At dahil sa itsura at pangangatawan niya, hindi mo aakalain na 16 years old pa lang siya ngayong taon😅
Sa murang edad naging Knight siya ng emperor dahil narin sa kanyang kahusayan
BINABASA MO ANG
The Villainess is now Tired Of Asking For Love
Fantasyall she wanted was love from her family she did everything but in the end she always turned out to be the bad one because of too much stress she committed suicide by jumping from the bridge from the previous life to being reincarnated in another wor...