chapter 8

726 36 0
                                    



............

Sa silid ng prinsesa

Kakatapos ko lang maligo at magpalit ng isang simpleng dress.

Kasalukuyan na ako ngayong nakaupo sa harap ng salamin habang sinusuklay ng maid ang mahaba kong buhok.

Hayss... Nung nakaraang taon naligo ako sa wine, nayon juice.

Ano naman kaya sa susunod na taon? Kape?😅

Alam na alam ko na yung mga ganitong pangyayari dahil gawain ko ito noon kay Laleh at ngayon ko lang naisip na napakachildish pala nito.

"P-prinsesa, tapos ko na pong ayusin ang iyong buhok."

Mula sa repleksyon sa salamin pinagmasdan ng prinsesa ang hindi mapalagay na katulong.

"M-may problema po ba?" Tanong ng maid na hindi makatingin ng deretsyo

Tipid na ngumiti ang batang babae

"...wala naman, nais ko lang sabihin sayo na hindi muna dapat pang isipin ang mga nangyari kanina.. maliit na bagay lang yon."

"Ah! S-siya nga ..lubos ang aking pagpapa salamat prinsesa! Kundi dahil sayo baka gumugulong na ang aking ulo sa hagdan!" Tanda ng katulong ang nakakatakot na tingin ni Lucas habang hawak ang handle ng espada sa likuran.

"Nadulas kasi sa aking kamay ang baso at hindi sinasadyang mabitawan, labis akong nagsisisi sa nangyari, maraming salamat po talaga prinsesa."

"Sinungaling." Malamig na salitang lumabas sa maliit na bibig nito habang blangkong nakatingin sa salamin.

"Huh? P-prinsesa?" Pagtataka ng maid

Ngunit mabilis na napalitan ng masiyahin at inosenteng bata ang ekspresyon ng prinsesa.

"Ah! Wala, teka pwede ko bang malaman ang pangalan mo?"

"S-syempre naman po, ang aking ngalan ay elisa ."

"Kung ganon.. Elissa pwede mo ba kong gawan ng pabor?"

Kumpara sa ibang katulong na harap harapan akong binabastos , eh.. mas ok na tong babae na to kahit na  ngayon ay sa iba siya nagtatrabaho.

Di magtatagal at may pag gagamitan ako sa kanya.

---------
---------

Sa main hall, patuloy parin ang pagdiriwang

"Kekkeke nakita niyo ba yon? Nakakatawa ang itsura niya."

"Oo nga, pero mas maganda kung sa mismong ulo niya natapon yung juice."

"Ngayon, wala na siya sa tabi ng kamahalan.. tama lang yon sa kanya. Hindi porket binigyan siya ng kakaunting atensyon ay aasta na siya na tila ba tunay na prinsesa." Masayang sabi ng duchess

"P-pero diba isa naman talaga siyang pri— ah!"

*Slap!*

Isang malakas na sampal ang natanggap ni Binibining Marianne sa kanyang kanang pisngi

Lahat ng kababaihan na naroon sa kanilang pwesto ay nagulat.

"Hindi kona matatanggap pa ang pangalawang beses na wala sa ayos mong pagsagot, Lady Marianne."
Seryosong saad ng Duchess habang eleganteng nakaupo sa tabi.

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveWhere stories live. Discover now