chapter 7

793 38 1
                                    

.............

"Ha! Palagay ko mayroon siyang kakaibang ginawa sa kamahalan, imposibleng pahintulutan siya nitong maupo sa kanyang tabi gayong ang upuan na yon ay nakalaan para sa nag iisang tagapagmana ng Luminous empire."

Hindi matanggap ni Rosana ang mga nangyari.

Sa tuwing susulyapan niya ang prinsesa na masayang nakaupo sa itaas ay lalung kumukulo ang kanyang dugo.

"...ahmm Pero hindi ba't ang prinsesa naman talaga ang nag iisang hmmp—" hindi natuloy ang sasabihin ng inosenteng binibini na si Mariane anak ng isang Baron nang biglang takpan ng kanyang kaibigan ang kanyang bibig.

"P-pag pasensyahan mona siya Duchess bago lang kasi siya sa ganitong larangan kung kaya't wala siyang masyadong naiintindihan." Kinakabahang saad ni Binibining Lotia isa namang anak ng Viscount

Tumingin lamang ng masama ang duchess pagkatapos ay uminom ng wine.

Kasalukuyan sila ngayong nakaupo sa mahabang sofa

"Huminahon ka Duchess, maaring ginawa lamang ito ng kamahalan dahil sa pagkaawa." Saad ng isa pang  binibini

"Tama siya, at maaring bahagi lamang ito ng pagkabagot ng kamahalan."

"Hmp! Kahit na at ano sapalagay ni Lucas ang ginagawa niya?! Imbis na iwasan niya ang batang yon eh tinutulungan nya pa!?"

"Ina?!"

Agad na napalingon ang mga kababaihan sa isang batang lalaki na dali-daling tumatakbo tungo sa kanilang pwesto

"Anong problema Leo? Hindi ba't sinabi ko sayo na hanapin mo si Leon?" Inis na sabi ng duchess

"Pero hinanap ko na siya sa buong main hall ngunit hindi ko parin siya makita."

"Hays jusmiyo! Halugarin mo siya maging sa labas! At huwag kang babalik dito hangga't hindi mo siya nakikita!" Galit na utos ng duchess na siyang kinagulat ng anak

"O-opo!" Nagmadali na agad itong umalis

"*Sigh* wala na talagang binigay ang mga anak ko kundi sakit ng ulo,  kung nandito lang sana ang aking asawa edi sana hindi ako nag iisip kung paano ko tuturuan ng tamang leksyon ang dalawang batang ito." Patuloy ang pagsasalubong nang kilay ng duchess

"Isang linggo narin mula ng umalis ang duke upang makipag negosasyon sa bansang Feledefia, batid ko na di magtatagal ay makakabalik narin sila."

"Ganun na nga, kaya't walang dapat ipag alala duchess."

"Yun sana ang nais kong gawin ngunit sa tuwing makikita ko ang artipisyal na prinsesang yan ay nadadagdagan ang aking pangamba.." saad nito sabay binuksan ang kanyang pamaypay at tinakip sa bibig

Hindi ako makakapayag na ang isang tulad lang niya ang magmamana ng trono ng aking kapatid.

"Iniisip ko kung ano kayang magandang gawin upang ibalik siya sa dapat niyang kinalalagyan."
Nanliit ang mga nanlilisik na mata ng duchess na tila ba mayroong pinapahiwatig.

Agad naman itong naunawaan ng mga kasama at siyang nagpalitan ng mga tingin at ngiti.

...............

*Yawnn~~

Napahikab ng malaki ang prinsesa ng hindi man lang tinatakpan ang kanyang bibig

Dalawang oras narin siguro mula ng maupo ako dito
Medyo sumasakit narin ang pwet ko.

Pasimpleng tumingin ang prinsesa sa kanyang kanan
Ng hindi ginagalaw ang ulo

Mula roon ay nakita niyang nakapikit ang kamahalan habang nakapangalumbaba

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveWhere stories live. Discover now