chapter 19

224 9 0
                                    

...............

"...??" Paghihintay ng sagot ng batang lalaki habang nakatayo at pinagmamasdan si Lumina

T-teka nga, at sino naman to?!

Bakit ba laging may dumadating sa tuwing may gagawin akong kababalaghan!! >∆<

Agad tumayo si Lumina at sinara ang kahon

Aargh ngayon tuloy maghahanap nanaman ako ng bagong pagtataguan..

"Err..? San ka pupunta?" Tanong ng batang lalaki ng makita niyang tumalikod si Lumina at hahakbang na sana palayo

💢😑
Huwag na lang natin syang pansinin

Mahirap na baka mamaya masangkot nanaman ako sa gulo, basta pa naman mga gwapings na bata ang nakakasalamuha ko palaging-??

Huh?

Pansamantalang natulala si Lumina na tila ba mayroong napagtanto.

At maya-maya lang ay nilingon niya ang batang lalaki

Tinitigan niya itong maigi, hanggang sa suot nitong white hooded cloak.

Sa sandaling ito may ilang mga alaalang nanumbalik sa isipan niya

At di nagtagal ay nagsalubong na lang kanyang mga kilay

S-shit sa dami rami bakit siya pa?!

"mhm??☺️" Saad pa nito pagkatapos ay nagpakawala ng magandang ngiti

Uwaaaah ang mata ko!😵

Halos masilaw si Lumina sa kakisigan ng batang lalaki..

"..??"

H-hindi ako pwedeng magkamali!

Sa Holy Kingdom 'Pelistina', isang lalaki ang kilalang-kilala dahil sa angkin niyang kaguwapuhan at pagiging malapit sa diyos na kanilang sinasamba.

Siya si Kion El Labrel!

Sa edad na 10 nagawa na niyang makuha ang title bilang high priest! Pinatunayan niyang karapa't dapat siya sa posisyong yon matapos nilang pagtagumpayan ang monsters subjugation sa Hirbana, napakalaki ng naitulong niya..

Kung wala siya don, marahil maraming nasawi at nasugatan.

Ang sabi napakalakas ng divine power niya at talagang nakakamangha

At ngayon eto siya sa harapan ko..

*......*

Ilang taon na kaya siya?

Hmm🤔

Ah! Tama!

Naalala ko na!

Tanda ko na sa taon na ito naganap ang kakaibang pangyayari sa Hirbana, sa hindi maipaliwanag na dahilan ang mga halimaw roon ay bigla na lang sumobra ang pagka wild to the point na nakakarating na sila sa iba't ibang dako ng bansa upang manggulo at pumatay ng tao.

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang