CHAPTER 1

10.4K 134 12
                                    

COZY and romantic ang atmosphere ng restaurant na pinagdalhan sa kanya ni Ramil. Alam ni Lilia na gusto ng lalaki na magpa-impress sa kanya. He had been desperately trying to win her adoration in the past weeks.

"Alam mo naman kung ano ang niloloob ko para sa iyo, Lilia," wika nito sa madamdaming himig.

"Ramil," she said impatiently. "Couldn't we just-"

"Don't," putol ni Ramil sa anumang sasabihin niya. Inabot nito ang palad niya at ikinulong iyon sa sarili nitong mga palad. "Don't say anything malibang nabigyan mo ng mahabang pagkakataon ang sarili mo, Lilia."

She smiled weakly. Gusto niyang pagsisihang
pinagbigyan niya ang imbitasyong iyon ni Ramil. Inisip niyang magiging mas madali niyang masasabi ang nasa loob niya kung makikipag-usap siya rito ngayon kaysa sa nakapapagod na patuloy na pagtanggi sa mga paanyaya nito. But she was wrong. Hindi siya pahihintulutan ni Ramil na sabihin ang gusto niya.

"You know I'd miss you."

"Ten days is not a lifetime, Ramil."

"For you perhaps," masuyo nitong sabi. "But it would break my heart." The smile that he gave her was enough to charm the birds out of the trees.

Palihim siyang nagpakawala ng buntong-hininga.

All right, Ramil was a handsome charmer but she wasn't charmed. She was twenty-four at isang taon ang tanda ni Ramil sa kanya. Ngunit sa pagkakataong tulad nito, pakiwari niya'y isang adolescent ang kaharap niya. He could have been a very nice friend and colleague if not for his ridiculous infatuation.

Si Ramil Cuesta ay anak ng may-ari ng publishing house na pinagtatrabahuhan niya bilang chief editor at direktang nasa ilalim siya ng supervision nito. She was efficient and she loved her work, at hindi niya nais isipin kung ano ang posibleng mangyari kung magpapatuloy ang ganito.

The night was fast turning into a disaster. Nagpaunlak siya sa imbitasyon nito with the hope na maipaunawa rito na wala itong ibang maaasahan sa kanya kundi friendship. Ngunit malinaw na hindi ito tatanggap ng ano pa mang pangangatuwiran.

"Walang dahilan para hindi ko maiwan ang trabaho sa opisina, Lilia. Ano ang ginagawa ng mga manager at merchandiser? Gusto kitang samahan sa pagbabakasyon mo sa Boracay."

Her lips twisted in what seemed to be a smile. Ang ten days vacation trip sa Boracay ay isa sa mga naging komisyon niya mula sa ama ni Ramil, si Mr. Douglas Cuesta. Dahil bukod sa pagiging chief editor ng publikasyon na pag-aari ng mga Cuesta, isa rin siyang part-time sales agent sa Cuesta Real Estate, ang sister company ng publikasyon.

Hindi naman siya ganoon kasigasig sa pagiging ahente dahil maganda naman ang compensation niya bilang chief editor. But last month, binigyan siya ng kaibigang si Cynthia ng referrals. At dalawang lote ang naibenta niya.

"But I'd love to be alone, Ramil... at least sa trip man lang na ito."

"Say what, kung maaayos ko ang mga trabaho ko sa loob ng dalawang araw ay susunod ako sa Boracay. We can, at least, spend a week together. With a change of mood and atmosphere, baka mag-improve ang mga bagay-bagay sa pagitan natin."

Nag-umpisa na siyang mairita at sinisikap na huwag ipakita kay Ramil iyon. Inalis niya ang tingin dito at sandaling iginala ang mga mata sa kabuuan ng restaurant.

Nang sa pag-ikot ng mga mata niya'y natuon ang pansin niya sa isang lalaking nakaupo sa mesa na nasa tabi lang ng mesang okupado nila.

For a timeless moment ay naghinang ang mga mata nila ng di-kilalang lalaki. Siya ang unti-unting unang init na nagbawi ng tingin, parang napaso sa kung anong dulot ng titig na iyon ng estranghero. Na kung tutuusin ay hindi naman dapat mangyari.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now