CHAPTER 10

3.5K 79 3
                                    

"CYNTH, gagamitin mo ba ang Mazda this weekend?"

"Hindi. Dalhin mo lang kung kailangan mo. Gusto ko na ngang maluma na iyan nang husto para palitan na ni Amado." Cynthia was referring to her latest lover.

Maaaring pagdating sa pakikipagrelasyon ay magkaiba sila ng panuntunan ni Lilia, still magkaibigan sila at magkasundo sa maraming bagay. "Saan ba'ng lakad mo?"

"Alabat. Isasakay ko ng barge."

"Wow, ang layo noon, ah. 'Di ba tagaroon sina Tony?"

Tumango si Lilia.

"Ano'ng gagawin mo roon? Dadalawin mo ang nahilaw mong mga biyenan?"

Nangiti siya. Wala siyang inililihim kay Cynthia.
Maliban kay Vince na iniwasan niyang sabihin dito kahit na nangulit ito kung sino ang super gorgeous na naghatid sa kanya, dahil hindi pa siya handa na sabihin ang tungkol dito. But she was ready now.

"Alam mo bang kapatid ni Tony iyong sinabi mong super gorgeous na naghatid sa akin dito?"

Gumuhit ang interes sa magandang mukha ni Cynthia. Sa kabila ng pagiging galawgaw nito, ultra-modern, at walang-pakialam na attitude, sa ilalim niyon ay isang intelihente at maunawaing babae.

"Wanna tell me something?"

She sighed. At ipinagtapat ni Lilia sa kaibigan ang lahat ng nangyari magmula nang sapilitan siyang isama ni Vince sa Lucena, not missing a thing.

"Whew!" Napasipol si Cynthia. "Parang iyong mga nobelang ine-edit mo, huh! At hindi kita masisisi kung bakit na-in love ka sa kanya. He's so gorgeous. Ang lakas ng dating at-"

"Did I say something about falling in love with him?" Nagsalubong ang mga kilay niya.

Umikot ang mga mata ni Cynthia. "Hindi sa
detalyadong paraan, chika..." She grinned then said gently. "I knew you too much para hindi ko mahalatang umiibig ka sa abductor mo."

And that worried her. "Then something's wrong with me, Cynth. It isn't normal. Paano ko dapat maramdaman sa kanya iyon? In fact, I should have left when he was ill. Ibilin ko lang siya sa caretaker ay okay na. Funny, but I stayed."

"There's no need to feel miserable, chika. Love grows anywhere... anytime... sa mali man o tamang tao. Nasa sa atin na lang iyon kung paano natin pakikitunguhan ang ating damdamin," she said wisely. "What now?"

"Wala." Sadness tinged her voice. She gave a self-mocking laugh. "Still trying my damned best to get him out of my mind. Kaya naisip kong ako mismo ang pupunta kay Thelma. Kailangan kong gawin iyon. Baka kahit paano,
matahimik ako." Napatingala siya, humugot ng malalim na paghinga. "Then I shall forget everything. Kalilimutannko na silang lahat para matapos na ito."

"Hmm... parang hindi ikaw ang fighter
fighter na kilala ko. So, you want the guy, go out and get him," masuyong biro nito.

Nakangiting umiling lang siya. She had lost all the fight in her pagdating kay Vince. "It's useless... Para sa kanya'y ako ang pinakamasamang babaeng nakilala niya
sa buong buhay niya. A bitch... a whore... name it, ako iyon para kay Vince."

"At alam mong hindi ka alinman sa mga inaakala niya sa iyo. Goodness, men are easy to read. Mula sa mga narinig ko sa iyo, gusto ka niya. Natatakot lang siyang aminin iyon. At tama ang gagawin mong pagpunta sa bayan ni Tony. Atkung magkikita kayo roon, clear things once and for all. Masasaktan siya, all right. But it will both set you free."

Umiling siya. Hindi niya gustong umasa. Mas
masasaktan siya.

KABABABA lang ni Fidel Ventura mula sa traktora sa may harap ng gate ng malaking bahay nang iparada ni Lilia ang Mazda sa tabi. Curious na nilingon ni Fidel ang kotse at kinikilala ang bumababang sakay niyon.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now