CHAPTER 13

6.9K 133 33
                                    

TAHIMIK na pinagmamasdan ni Lilia ang mga lalaki't babaeng nakikibayani sa pag-aani ng palay sa palayan ng ama. Kadalagahan at kabinataan. Nagkakatuwaan ang mga ito. Ilan ay kumaway sa kanya. Gumanti siya ng ngiti at
kaway subalit nanatiling nakaupo sa nakahapay na punong mangga.

Tatlo sa mga iyon ay hinaharana siya sa ikalawang gabi niya mula nang dumating siya sa kanila. Mga nagpapahiwatig ng pag-ibig. At kung ganoon nga lang ba sana kadaling ibaling sa iba ang damdamin ay ginawa na niya.

Kung hindi pa sa nangyari sa kanila ni Vince ay
hindi niya maiisip na umuwi sa kanila sa Mindanao. At namimighati man siya'y hindi niya magawang ipakita sa mga magulang dahil kahit ang ama niya'y napaluha nang dumating siya. Ganoon siya pinanabikan ng mga magulang. Halos limang taon siyang hindi umuwi, and it would be unfair to her parents kung malalaman ng mga itong kaya lamang siya umuwi'y dahil gusto niyang makalimot.

At malaking bagay ang mga dating kaibigan at kakilala upang kahit sandali'y mawaglit sa isipan niya si Vince. May mga natanguan na siyang dadaluhang kasayahan sa mga susunod pang araw.

Hindi niya alam kung may trabaho pang naghihintay sa kanya pagbalik niya sa Maynila. Tinawagan niya si Mr. Cuesta kinabukasang magdesisyon siyang uuwi ng Mindanao. Wala siyang sinabing dahilan subalit nagpaalam siyang magbabakasyon... indefinite.

At hindi niya nagawang hintaying umuwi si Cynthia kung saan man ang location ng shooting nito. Nag-iwan siya ng isang sulat para sa kaibigan. Ipinagtapat ang dahilan ng biglaang pag-uwi niya.

I don't think I'd live if I stayed, Cynth. I couldn't
take the pain...

She was sure Cynthia would understand.
She packed her bags and left. Nagbarko siya upang pagdating nila sa kanila kahit paano'y nagawa na niyang ikalma ang sarili. Twelve days. Twelve agonizing, dreadful days. The pain was almost beyond endurance. At kung
hindi dahil sa mga magulang ay baka hindi niya nakaya.

Sa susunod na mga araw ay may mga natanguan na siyang mga imbitasyon mula sa mga dating kaibigan.

Perhaps if she would try hard, malilimot niya si Vince.

"Hey! Bilhin ko ng piso ang iniisip mo."

Napalingon siya. Ngumiti. "Ang corny mo, Ron, huh. Nasaan si Ester at ang mga bata?" Ang tinutukoy niya'y ang asawa nito at dalawang anak.

"Nasa inyo. Alam mo naman ang mga Tito at Tita, magtatampo kapag hindi ko dinala roon ang makukulit kong mga anak."

"Hindi pa ba ako pinagseselosan ni Ester?" she teased.

Si Ron ang kababatang ipinagkasundo sa kanya ng ama niya. At mula nang dumating siya'y hindi miminsan silang nagkakasama ni Ron.

Tumawa si Ron. "Hindi niya gagawin iyon. Alam
niyang mas maganda siya kaysa sa iyo."
Nanlaki ang mga mata ni Lilia. At sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng labindalawang araw ay natawa siya.

"Well, I'm glad I made the lady laugh," he said
grinning. Pagkuwa'y umupo sa tabi niya. Sumeryoso. "Ester asked me to talk to you, Lil..." wika nito.

"T-that I stay away from you?" Hinaluan niya ng biro ang tinig dahil alam niya kung saan patungo ang salita ni Ron.

Huminga nang malalim si Ron. "Siguro'y naitago mo sa mga Tito Rodel at Tita Aning ang problema mo, Lilia, pero hindi sa akin... I knew you since you were knee-high para makapagtago ka ng damdamin."

Muli niyang tinanaw ang mga nag-aani at huminga malalim. Swallowed hard. "I... I haven't cried a tear, Ron. Please, don't make me cry..." Gumaralgal ang tinig nang niya.

"Then little sister. Here are my shoulders, cry," wika ni Ron at kinabig siya. Sapat upang humagulhol ng iyak si Lilia. Kung gaano katagal ay hindi niya alam. Lahat ng sama ng loob... ng mga hinanakit... sakit ng puso't damdamin magmula pa nang una niyang nakasama si Vince ay ibinuhos niyang lahat sa kababata.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now