CHAPTER 6

3.4K 80 8
                                    


PAGKATAPOS niyang maligo at magbihis ay ang kalan ng ang pinagbalingan niya ng inis. Padabog siyang naghanda kakainin niya... o nila! Nagkakalampagan ang lahat ng bagay na hinawakan niya. At lalo siyang nainis nang
maalalang wala nga palang LPG at kailangang gamitin ang pugon. Na sa puntong iyon ay wala siyang kagana-ganang pagtiyagaang sindihan.

At dahil nagugutom na ay pinakialaman na niya ang isang lata ng biscuit sa cupborad. Nagtimpla ng kape dahil may mainit na tubig pa rin sa thermos.

Noon bumaba si Vince. Bagong shower na rin,
mamasa-masa pa ang buhok, bagong ahit, at preskong tingnan. Sa kabila ng galit ay hindi niya mapigil ang tila paruparong nag-iikot sa tiyan niya sa nakikita niyang anyo nito. And she hated herself for feeling that way. And how she hated him even more for making her feel that way!

The mixed scents of his masculine cologne and aftershave assaulted her female senses. Vince Cortez was one devil-of-a-hunk. Kahit nakakapikon ang ngiting ibinibigay nito sa kanya.

Then she froze. Paano kung hindi pala ito tulog kanina bago siya bumangon? Paano kung gising na gising ito habang nakayakap kanina sa kanya, at ang isang kamay ay nasa kanyang dibdib? He sure sounded awake ng sabihing para siyang bakang nakakawala sa kural kung bumaba kama!

Nag-init ang mga pisngi niya. Kahit sa pagalit na paraa'y hindi niya makuhang salubungin ang tingin nito.

"Surely, we aren't on a diet," wika nito, niyuko ang biskuwit na kinakain niya. "Madali namang lutuin ang ham at itlog, 'di ba?"

"Hindi ako marunong magsindi ng pugon!" Which was true, dahil bagaman may pugon din sa kanila, hindi niya natutuhang gamitin iyon. Hindi siguro sila mayaman, pero hindi rin sila mahirap.

"Ow, I'm sorry, your Highness," wika nito sa nang-aasar na paraan. "Masyado ka nga palang na-pamper sa inyo. The little princess," he sneered. "At baka nga naman maulingan ang kamay mo at makabawas sa ganda mo kung magsisindi ka ng pugon. You wouldn't do that, would you? Dahil kailangan mong laging manatiling maganda, hindi ba? The stock of
your trade."

Isinubo niya ang biskuwit upang pigilin ang sariling sumagot. Humakbang palabas ng dirty kitchen si Vince. Mula sa kinauupuan niya'y nakikita niyang nagsimula itong magsindi ng pugon.

"Kawawa nga lang ang mga lalaking hindi nakikita kung ano ang nasa likod ng gandang iyan," malakas nitong sabi mula sa labas. "How can any man get turned on by a
heartless bitch is beyond me."

Sa tanang buhay niya'y ngayon lang siya nakatanggap ng ganoong mga insulto. And he was dishing it out with flawless urbanity that it sickened her. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumakad patungo sa pinto.

"You suggested that we have a truce. You were sure going about it in a very unusual way."

"Bakit halos ipaghampasan mo ang lahat ng bagay dito sa ibaba? Ano ba'ng problema mo?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Problema? Hindi ako makapaniwalang itinatanong mo kung ano ang problema ko."

Hindi sumagot si Vince dahil, as if by magic, ay
lumagablab na ang pugon. Nagsalang ito ng kawali. Napaatras siya nang dumaan ito at magbukas ng maghanap ng mailuluto sa ref. Sumulyap ito sa kanya.

At kinailangan niyang umiwas ng tingin. He was too male, too sexy, too dominant. And she hated him so much it hurt. Thelma once told her that Vince had the devil's way with women. At gusto niyang sang-ayunan ngayon iyon. Why, he could even turn it on in his sleep!

Kailangan niyang lumayo mula rito. The pain inside her was unbearable. Parang walang pakiramdam ang lalaki na walang pakundangan kung pagsalitaan siya. He could strike her dead with words and it would mean nothing to him. Iniwan na niya ang mesa upang bumalik sa itaas. Nang mapahinto siya sa paghakbang nang magsalita ito.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now