CHAPTER 9

3.5K 78 1
                                    

IKALAWANG pagkakataon ay nagising si Lilia sa huni ng mga ibon. Naramdaman niyang kumilos si Vince, at maingat siyang umalis sa tabi nito bago ito tuluyang magising.

"Lilia..."

Napalingon siya. Unfocused pa rin ang mga mata ni Vince, hazed with sleep, magulo ang buhok, lalong nangitim ang mukha sa pagkapal ng stubbles sa mukha nito.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" she asked casually.

"A little better. Thanks to you."

"I'm glad. Mapapadali ang pag-uwi ko niyan,"
nakangiting sagot niya. "Magluluto ako ng almusal natin."

SA IBABA'Y muling nagsindi ng pugon si Lilia. At nang mag-apoy iyon ay nagsimulang mag-init ng tubig at magluto ng almusal. Pagkatapos ay inilagay sa tray ang pagkain at akmang iaakyat iyon nang makitang pababa
ng hagdan si Vince.

"Bakit ka bumangon? Baka hindi ka pa magaling..." she said worriedly at ibinaba sa mesa ang tray upang alalayan ito. Subalit nahinto siya sa kinatatayuan nang magsalita si Vince.

"There's no need for you to worry that much. I'm far from dying yet," wika nito, half-amused, half-sarcastic. Nagpatuloy ito sa pagbaba. His face still looked pale and gaunt but much, much better.

"I'm hungry," wika nito at hinila ang silya at umupo. Pagkatapos ay tiningala siya. "I like your hair that way..."

She was confused. Sarisaring emosyon ang idinudulot sa kanya ng lalaki. He was back to being sarcastic pero pinuri siya. Gayong kung tutuusin ay hindi niya nakuhang magsuklay dahil basta na lang niya iyon inikot at nilagyan ng clam sa likod. But then it made her self-conscious.

"Iyan din ba ang usong blusher? Charcoal black?"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig, mabilis na pumasok sa banyo at tiningnan ang sarili sa salamin doon.

May mga bahid ng uling ang mukha niya!

Marahil sa pagsisindi ng pugon. ang buhok niyang inipit sa likod ay nakasabog ang ilang hibla sa mukha niya.

At Lord, she had never been so unglamorized in her whole life!

"Huwag kang mag-alala, hindi nabawasan ang ganda mo dahil lang diyan. You even look cute," malakas na sabi nito mula sa labas. "Come and let's eat."

Kinuskos niya ng basang kamay ang uling sa pisngi niya, ngunit lalo lamang iyong kumalat. Inis na tinuyo na lamang iyon at mamaya na niya lilinisin kapag naligo siya. At kahit paano'y mukhang maganda ang mood ni Vince sa umagang iyon.

"Taga-Zamboanga ka, hindi ba?" Si Vince matapos humigop ng kape. "More or less, anim na taon ka nang hindi umuuwi sa inyo. Ano'ng dahilan?”

Bahagya lang na namangha si Lilia. Of course, inalam nito ang lahat tungkol sa kanya.

Tumango siya kasabay ng buntong-hininga. And a bittersweet smile. She missed home. She missed her parents. Ang huling pagkakataong
nagkita sila'y noong dinaluhan ng mga magulang niya ang graduation niya sa kolehiyo.

Tumingin siya rito. Hindi niya gustong sabihin ang dahilan subalit naghihintay ng sagot si Vince.

"I-ipinagkasundo ako ng... ng Papa na ipakasal sa anak ng kaibigan niya pagka-graduate ko..." She sighed.

Matagal na iyon, napatawad na siya ng ama niya at nag-asawa na rin ang lalaking gusto nitong mapangasawa niya. May dalawa nang anak na kinagigiliwan ngayon ng mga magulang niya. At isa iyon sa dahilan kung bakit hindi siya umuuwi.

Nag-iisa siyang anak at gusto ng mga ito
ng apo... at hanggang ngayo'y wala siyang maipakilalang matinong lalaki.

"And?" untag ni Vince.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now