CHAPTER 2

4.2K 96 5
                                    

KASABAY ng pagguhit at pagdagundong ng kidlat sa labas ay ang tinig ng lalaki nang magsalita ito.

"Kalimutan mo na ang flight mo. May iba akong balak sa iyo... at huwag ka nang mag-aksaya ng lakas dahil hindi mo mabubuksan ang pinto kahit na ano pang gawin mo."

Unti-unti nang umaahon ang takot sa dibdib ni Lilia. Subalit sinikap niyang maging kalmado nang magsalita.

"S-sino ka? Ano'ng kailangan mo sa akin?"

Hindi ito umimik. Lalo lamang nitong binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan sa kabila ng malakas na buhos ng ulan. Overtaking slow-moving vehicles na nakakaabala sa mabilis nitong pagpapatakbo. At nadagdagan ang takot niya, kinakabahang maaaksidente sila anumang oras.

This was crazy. Hindi niya kilala ang lalaki at wala siyang maisip na dahilan para i-abduct siya nito. Kidnap-for-ransom? Wala naman siyang kamag-anak na maaaring tumubos sa kanya. Nasa probinsiya ang mga magulang niya at nagbubukid lang ang ama niya sa pag-aari nilang iilang ektaryang lupa. Ni wala nga siyang malaking pera sa bangko.

A serial killer? Rapist? Pero hindi naman niya nakikita ang gayon sa mga mata ng taong ito. Though it made her sick kapag naiisip niyang para siyang hinihimay nang buhay ng lalaki sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.

Besides, ano ba ang anyo ng mga rapist? May standard bang pagmumukha ang mga iyon?

"K-kung pera ang kailangan mo... nagkakamali ka. W-wala akong pera," aniya sa tinig na parang hindi sa kanya. "P-please... pababain mo ako rito."

"Huwag kang mag-alala, wala akong masamang gagawin sa iyo, Miss Serrano. At lalong hindi ako interesado sa perang sinasabi mo." Binuhay nito ang car stereo at pumailanlang ang version ni Regine Velasquez ng The Long and Winding Road. "Just relax and try to enjoy the trip." His deep, jagged voice was mocking.

Enjoy the trip! Oh, god. Sinong tao ang mag-e-enjoy sa sasakyan ng abductor niya Sino ang lalaking ito? Narinig kaya nito ang usapan nila ni Ramil kagabi? Pati ang mga
detalyeng nabanggit niya sa pag-uusap na iyon tungkol sa pagsundo sa kanya ng taxi. Kaya ba inagahan nito para mas mauna ito sa talagang driver?

And he wasn't driving a taxi, iyan ang natitiyak niya ngayon. Bagong-bago ang mga upuan at makintab na makintab ang dashboard.

Nakasakay siya sa isang luxury car. And how could she be so foolish para tiyakin kung taxi nga ang sinakyan niya? Bakit ba siya nagtiwala kaagad na iyon ang susundong taxi sa kanya?
Dahil hindi niya inaasahan ang ganito. Ni hindi iyon papasok sa isip niya. Sumilip siya sa labas, pilit inaalisa kung nasaan na siya. Then she realized na nasa south superhighway sila. Saan? Laguna? Batangas? Quezon? Bicol?

"Look, hindi ko alam kung bakit ginagawa mo ito," aniya, trying to reason out with him. Sinisikap itago ang panginginig ng tinig. "Ni hindi tayo magkakilala. Baka nagkamali ka lang. Kung pabababain mo ako, mister, kakalimutan ko ang pangyayaring ito. Hindi ako magre-report sa pulis. I'm sure this is just a case of mistaken identity."

Natawa ito, nang-uuyam. "Huwag mong sabihing hindi mo ako natatandaan mula sa pagkikita natin kagabi? And no, hindi ako maaaring magkamali sa identity mo. Kilalang-kilala kita. Inside out. Alam ko ang tungkol sa iyo, higit kaysa sa inaakala mo. Pati ang bakasyon mong ito."

"N-nakikinig ka sa usapan namin kagabi."

"You're wrong. Paano ko kayong maririnig gayong halos magbulungan kayo ng lover mo? Isa pa'y pagkakataon lang ang pagkikita natin kagabi, Miss Serrano. Naroon na ako sa table ko nang pumasok kayo."

She was horrified. Alam ng lalaki ang pangalan niya!

Ibig sabihi'y sinusubaybayan siya ng taong ito noon pa man! Nang bigla'y naalala niya ang kanyang cell phone. Makakapagbigay siya ng text message kahit kanino. Dali-dali niyang kinuha ang cell phone mula sa bag, nanginginig ang mga kamay na nagsimulang bumuo ng message na ipapadala kay Ramil.

ALL-TIME FAVORITE: Sinner or SaintWhere stories live. Discover now